(song playing)
Nakita ko si Hunter, naglalakad palapit sa akin. Nang makarating sya sa harap ko, tiningnan nya ako sa mata na parang binabasa nya yun.
Hindi ako mapakali sa mga titig nya at ako na unang umiwas and tinggal yung headphone ko. "Anu ba Hunter, problema mo?"
Nagkamot sya ng ulo, "I don't know it's kinda strange. Parang may nagbago sayo. Tinititigan kita sa mata kasi kilala kita, sa mata kita nahuhuli"
Tumawa naman ako sa sinabi nya, "Alam mo paranoid ka lang. Or naguguilty ka kasi hindi ka pumunta sa gig ko kagabi" sabi ko sa kanya at hinawi na sya sa dadaanan ko.
"Ayun, alam ko na kung anung bago sayo" sabi nya at since nakatalikod na ako sa kanya at aalis na sana pero hinawakan nya yung dalawang balikat ko at pinaharap sa kanya.
"Yung mata mo lumalaki na ang eye bags. May sakit ka ba? Nakakapag pahinga ka ba ng maayos" tanong nya habang pinapat ang noo ko and yung leeg ko.
Hinawi ko naman yung kamay nya, gustong gusto kong sabihin sa kanya, oo may masakit yung puso ko, dahil hindi ko masabi na may gusto na ako sa kanya or let's say mahal ko na sya.
Yan ang gusto ko sa kanya e. Maalagain na bestfriend yan. Prinsesa ako kung itrato nyan. Kulang na lang talaga maging kami. Kaso hanggang sana na lang yun.
Ngumiti ako sa kanya na hindi umabot sa mata "May gig ako kagabi, so natural malaki eye bags ko dahil puyat ako. Tska pwede ba Hunter lalo lumalala hang over ko sayo"
Kung alam nya lang kung ganu ako nasasaktan.
Inakbayan naman nya ako at sumabay na papasok sa classroom namin, College na kami and same kami ng course.
"Alam mo bes, hindi mo naman na kailangan kumita ng pera mayaman na kayo ah, para san pa yan. Tingnan mo napupuyat ka sa mga gig mo" sermon nya
Inalog ko naman yung balikat ko, para alisin ang pagkakaakbay nya "Alam mo naman ang rason Hunter, ayoko ng paulit ulit, porket ikaw kasi mayaman din family mo and binibigay lahat ng gusto mo"
"Tsk. Nabibigay nga yung gusto ko sa material na bagay. Pero hindi sa attention ng babaeng mahal ko" malungkot ang boses nya.
Same thing here Hunter, you're not alone.
"Naku bes, drama ka na naman. Nagsisimula ka pa lang naman ah. Nagmamadali? Mauna ako sayo bahala ka dyan" inunahan ko na sya at sinalpak ang headphone ko and nilakas yung volume.
(song playing)
I'll bet she's beautiful,
That girl he talks about,
And she's got everything that I've had to live without,There's this girl kasi na kinukwento nya sa akin, nakilala nya daw yung girl sa loob ng library. Yung description pa nga nya "anghel na nahulog sa langit" ang ganda daw ni girl.
Nakikinig lang ako sa mga kwento nya, naiingit nga ako e. Sana bigyan din ako ng ganyang attention ni Hunter.
Sabi ni bes maganda daw, simple lang and napakabait. I only the girl by name and that's Ruby. The way sa pagkwento ni Hunter about her, lahat positive. Kesho maganda, sexy, simple lang, and mabait.
Lagi sinasabi sa akin ni bestfriend na gagawan nya ng paraan para malapit ang loob nila sa isa't isa. Kahit masakit support pa din ako sa gustong mangyari ng bestfriend ko.
BINABASA MO ANG
Teardrops On My Guitar
General FictionThe story was inspired by the song of Taylor Swift- Teardrops On My Guitar.