Simula nung nagpalipat na ako ng blocked hindi ko na madalas nakakasama sila Hunter dahil magkaiba kami ng building kahit na same course kami.
Naging abala din ako sa mga gig ko dahil may mga bagong banda na papasok sa bar. I made myself busy para hindi ko sya maisip. The more na iniisip ko na hanggang bestfriend lang ako.
Hindi ko din akalain na ang bilis ng takbo ng panahon. Malapit na din kaming matapos ng college and can't wait na makagraduate na.
Pero akala nyo nakalimutan ko na sya? Hindi ko pa sya nakakalimutan pero ito na ako oh. Nasa process na ng moving on.
"Scarlet?!" Sigaw ng lalaki sa likod ko.
Paglingon ko si "Prince? Kamusta na?" Yakap ko sa kanya nung nakalapit na sya sa akin.
"We're good. Ikaw kamusta? Looking good ah" sabi nya. Ngumiti lang ako sa kanya. "Anung ginagawa mo dito sa building namin?" Tanong ko sa kanya and sumilip sa likod nya.
"Hinihintay ko si Ruby, kinuha nya yung toga namin" sagot nya and lumingon din sa likod nya and kumunot noo. "Si Hunter ba? Mamaya pa.daw syang hapon kukuha ng toga e. Hayaan mo I'm going to tell him na nagkita tayo" sabi nya.
"No need. Hindi na nya kailangan malaman. Anyway. Nice seeing you and congrats kayo pa din pala ni Ruby" kinamayan ko sya and nagpaalam ng umalis.
Sila pa din pala, kamusta na si Hunter? So ibig sabihin nagparaya na sya kay Prince? Ganun naman yata talaga nagagawa ng love? Magparaya kung saan masaya ang mahal nya?
Dumiretso na ako sa car park kasi sabi sa akin ng tropa ko duon daw kami magkikita and magppractice para sa gig mamayang gabi.
Kinabukasan, nakapila ako sa office para kumuha ng toga ng may kumalabit sa akin. "Miss ito ba yung pila para sa toga ng Nursing?" Lumakas yung kabog ng dibdib ko kasi alam na alam ko yung boses na yun.
Lumingon ako and hindi nga ako nagkamali. Sasagot na sana ako ng may babaeng yumakap mula sa likod nya. "Hi Babe, buti naabutan kita dito sabay halik sa pisngi nya" hindi nakapagsalita si Hunter and niyakap din yung babae.
Hindi ko na kaya yung kabog ng dibdib ko, sumasakit na puso ko literal. Kukunin ko na sana yung gamot ko sa bag ng may humawak sa braso ko. "Scarlet, sabi ko naman sayo ako na kukuha ng toga mo e. Para hindi ka na pumila dito tingnan mo namumutla ka na. Hays tigas naman ng ulo nitong jowa ko e." Sabi nya at kinuha yung bag na dala ko.
"Scarlet, okay ka lang ba? Do you need a chair? Kukuhanan kita" sabi ni Hunter and akmang aalis na ng pigilan sya "No need brod, aalis na din kami. Medyo mahina kasi puso ni Scarlet kaya mabilis syang manghina. And by the way, I'm Daniel brod, his boyfriend. I bet magkakilala kayo?" Tanong ni Daniel habang inaabot yung kamay nya para makipag shake hands.
Inabot naman yun ni Hunter "Yes, we we're blockmates kaso lumipat sya ng block in the middle of semester e. By the way I'm Hunter, she was my bestfriend".
After nilang magshake hands, hinawakan ko sa braso si Daniel dahil hindi ko na talaga kaya. Lumingon sa akin si Daniel ng may pag aalala. "Gosh, tara sa clinic Scarlet, you don't look good" sabi nya and agad akong binuhat papunta sa clinic. Huli ko lang narinig ay yung boses ni Hunter na sumigaw na "Tabi tabi" bago ako nawalan ng malay.
Naririnig ko yung ingay sa paligid pero hindi ko maimulat ang mga mata ko. Anung nangyayari, bakit hindi ko marinig ang boses ni Daniel. Nasan na ako.
"She's not responding Doc" sabi ng babae.
"Hindi na kaya ang clinic ang situation nya, call an ambulance" sabi ng lalaki
Hindi ko alam ang nangyayari, hindi ko mafeel buong katawan ko. I can't move any parts ng kamay and paa ko. Naririnig ko na lang mga yabang ng paa and wang wang ng ambulance.
Hanggang sa mawalan na ako ng malay.
BINABASA MO ANG
Teardrops On My Guitar
General FictionThe story was inspired by the song of Taylor Swift- Teardrops On My Guitar.