Part 3: Teardrops On My Guitar

0 0 0
                                    

Daniel's POV

"Naku saan na naman kaya si Scarlet, hindi pa nya dala yung gamot nya"

Nag aalala ako sa kanya ngayon kasi bago kami umalis sa bahay nila masama na pakiramdam nya. Ngayon nagpumilit na kaya nya kaya hinayaan ko na lang.

Tinawagan ko yung phone nya hindi naman nya sinasagot. Anu ba naman tong jowa ko pinag aalala ako.

"Oi brod, diba kablock mo si Scarlet, nakita mo ba sya?" Tanong ko sa nakasalubong ko hindi ko kilala sa pangalan pero sa mukha alam kong blockmate sila.

"Parang nakita ko syang papunta sa office ng student council para sa toga" sabi naman nya.

Nagpasalamat ako at agad pumunta sa office. Sinabi ko naman sa kanyang ako na lang kukuha ng toga nya dahil nandun naman yung kapatid ko. Napakatigas talaga ng ulo.

Nakilala ko si Scarlet sa bar kung saan sya kumakanta. Madalas ako dun and madalas ko din sya nakikita buti na lang mag common friends kami kung hindi naku baka hindi kami nagkakilala.

Magkaiba kami ng course, sya Nursing ako Engineering. Dahil malaki ang circle of friends ko kaya ibat ibang courses kami. Then one day pinakilala sa akin si Scarlet nung minsan na pumunta kami sa bar.

She's one of a kind. Grabe dati naririnig and pinapanood ko lang sya sa bar na yun. Yung boses nya napaka angelic. Unang note pa lang sa kanta nya mapapakabog na agad puso mo.

OA na kung oa pero yun talaga e. Tinamaan ako e. Pero I know, hindi nya pa binibigay buong pagmamahal nya sa akin. I can feel it pero hindi yun nababawasan pag mamahal ko sa kanya.

Handa akong maghintay hanggang kaya nya na akong mahalin ng buo yung wala ng kahati sa kanya.

"Ayun nga sya. Nakapila, naku panigurado hinahanap nya gamot nya"

Patakbo akong lumapit sa kanya and kitang kita ko sa mukha nyang namumutla na sya. Alam ko din na may sakit sya sa puso.

Kaya hanggat maari ayoko syang nasasaktan, napapagod and nahihirapan. Kaya lahat ng ayaw nya sinusunod ko para hindi simulan ng away. Hindi naman nakakabawas ng pagkalalaki yung katulad ng sinasabi ng iba.

Nakita ko syang may kausap na mag jowa. Yung babae akala mo kung makalingkis parang linta. Napaka clingy pero sana clingy din jowa ko sa akin. Haha

Lumapit ako sa kanya and hinawakan sya sa braso, nagulat ko yata sya dahil naramdaman kong nanigas yung muscle nya sa braso.

Nung ibibigay ko na yung gamot sa kanya alam kong di na maganda lagay nya. Nagulat ako nung sinabi ng lalaki "Scarlet, okay ka lang ba? Do you need a chair? Kukuhanan kita"

Ah kakilala nya siguro to

"No need brod, aalis na din kami. Medyo mahina kasi puso ni Scarlet kaya mabilis syang manghina. And by the way, I'm Daniel brod, his boyfriend. I bet magkakilala kayo?" Sabi ko sa kanya and oo proud ako sabihing jowa ko si Scarlet.

Anung sabi? Was her bestfriend? Past tense so hindi na sila bestfriend. Hindi ko na inabala yung sinabi nya kasi nagpanic na ako na putlang putla na si Scarlet.

Agad ko syang binuhat (magaan lang sya) at patakbong pumunta sa clinic. Hindi ko namalayan nakasunod pala si Hunter sa amin.

Nung nilapag ko na sya sa higaan pinalabas ako ng nurse at doktor sa loob. Naabutan kong nag aabang din si Hunter.

"Anung nangyayari kay Scarlet? Buntis ba sya?" Tanong nung babae.

Kung di to babae sasapakin ko to, buntis agad?

"Pwede ba? Mauna ka na sa classroom, this is none of your business" sabi ni Hunter and parang nataasan nya ng boses yung babae. Agad padabog na umalis yung babae.

"Pare, okay lang ba si Scarlet? Bakit nagkaganun sya?" Tanong nya nung nakaalis na yung babae.

"I think you know naman na may sakit sya sa puso? Magbestfriend kayo diba?" Patanong kong sagot sa kanya. "Her heart is getting weaker and weaker. Kaso nangako sya na tatapusin nya college nya bago nya aalalahinin yung puso nya" patuloyko.

Halatang nagulat sya sinabi ko and nalungkot. Pareho kami ng naging reaksyon nung sinabi ni Scarlet yun nung minsan na din syang nahimatay after namin magtrekking.

"Iho tumawag ka ng ambulance ngayon din. She's not responding" sabi ng doktor na nakadungaw sa pinto.

Hindi na ako nagdalawang isip. Tinawagan ko kaagad yung kakilala kong EMT. Agad agad naman silang dumating and sumama na akong sumakay sa ambulansya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 08, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Teardrops On My GuitarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon