MALAKAS SIYANG bumuga ng hangin ng masilayan ang mukha ng kanyang ama na hindi niya nakita pagkatapos niyang umalis sa puder nito, tatlong taon na ang nakakalipas.
Limang taon rin ang inilagi niya sa puder nito na wasak ang mukha bunga ng pagbugbug nito araw araw sa kanya.
Wala pa rin itong pinagbago. Payat pa rin ito tulad ng dati pero mas pumayat pa ito ngayon. Siguro wala nang nagsasaing ng kanin para rito dahil siya lang naman ang gumagawa para rito nung nasa puder pa siya nito.
Mapait siyang napangiti dahik sa naalala. Kung mabait na ang pakikitungo nito sa kanya dati pa, siguro masaya silang magkasama ngayon.
Napabuga siya ng marahas na hininga at naglakad papalapit dito. Nang makita siya nito ay ngumiti ito na para bang nagagalak itong nakita siya. Hindi siya patitibag. Alam niyang umaakting lang ito dahil alam na nito na mayaman na siya at maganda na ang buhay.
Tumayo ito at iminuwestra sa kanya ang upuan na nasa tapat nito. "Upo ka, Anak."
"Don't call me that. I'm no longer your son. Keep that in mind, old man" malamig na sabi niya at umupo sa upuan na iminuwestra nito sa kanya. Tinawagan kasi siya nito sa sariling numero. Hindi na niya inabala ang sarili na alamin kung paano nito nakuha ang numero niya sapagkat siya lang at ang sekretarya niya ang nakakaalam ng sariling numero. Gusto raw nitong makipagkita, may importante raw itong sabihin kaya pinaunlakan niya kahit labag sa damdamin niya na sumipot rito. Pero gusto niyang ipamukha rito na kaya niyang mabuhay kahit wala ito.
"Kumusta ka na, Anak?" sabi nito ng makaupo na siya sa katapat nitong upuan.
Tinignan niya ng masama ito. "I said. Don't. Call. Me. That." may diin na sabi niya rito.
Malungkot naman na tumango ito na ipinagtaka niya. Pero hindi siya papayag ba madaan sa walang kwentang akting nito para sa kanya.
"What do you want?" straightforward na tanong niya. Ayaw niyang makita ang mukha nito. Ang mukha nito ang nagpapaalala ng masakit na nakaraan niya.
"Gusto lang kitang makita, Ana-- Ang ibig kong sabihin.. Mr. Gonsales." sabi nito na nakayuko.
"I'm no longer using your surname, old man. I prefer my mother's surname than yours." malamig ang boses na sabi niya.
"P-patawad sa lahat." mas yumuko pa ito sa kanya at hindi niya gusto ang ginagawa nito. Hindi niya gusto ang pag-akting nito sa kanya. Pero kahit ganon, hindi siya maaawa sa mukha na naging dahilan ng paghihirap.
Kumuyom ang kamao niya nang maalala ang mga ginawa nito sa kanya. "H-hinding hindi kita mapapatawad." pinipigil niya ang galit na nararamdaman. Baka kasi masuntok niya ito ng wala sa oras. Ayaw niyang makaagaw ng atensiyon. "Kahit kailan, hinding-hindi kita mapapatawad." matigas na sabi niya at tumayo na.
"Anak-"
"I'm not your son." may diin na sabi niya at may kinuhang wallet mula sa bulsa niya. Humugot siya ng sampung libi at inilapag sa mesa. "It's all yours now. Kaya 'wag ka nang magpapakita pa sa'kin kahit kailan." matigas na sabi niya at walang pasabing umalis.
NANG MAKAALIS sa karenderya na pinagkitaan nila ng kanyang walang kwentang ama. Doon lang niya napakawalan ang pinipigilan niyang hininga. Hindi niya aakalaing makikita pa niya ito.
Naglakad siya patungo sa ipinagmamalaki niyang kotse na napundar niya noong nagjajanitor pa lang siya para lang matustusan ang pangangailangan.
Sobrang hirap ang dinanas niya bago pa makuha ang posisyon na pinapangarap niya. Ang maging CEO ng sariling kompanya. Maraming uri ng trabaho na ang napagtrabahuan niya. Marami na rin siyang nakilalang iba't ibang amo. Nagpapasalamat lang siya na may amo pang mabuti ang natira. Pinag-aral siya nito at tinulungan na makahanap ng trabaho. Napunta siya sa isang kompanya ng mga sapatos. Janitor lang ang nakuha niyang posisyon non dahil hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral. Kaya lubos ang pagpapasalamat niya nang makita ang kanyang taglay na mamuno. Kaya niya nakuha ang posisyon ng pagiging CEO ay dahil sa kaniyang mabuting amo.
Hindi niya akalain na ang amo niya pala ang may-ari ng kompanya. Binigay nito ang buong kompanya sa kanya dahil may tiwala ang mga ito na mapapatakbo niya ang kompanya ng maayos. Sa loob ng dalawang taon, napagtagumpayan niya ang papatakbo ng kompanya. Mas lalong sumikat ang mga disenyo ng mga sapatos dahil sa tulong niya.
Napabuntong hininga siya at ipinaandar ang sasakyan patungo sa kompanya na matatawag na niyang sa kanya.
Pagkarating sa parking lot ay agad niyang ipinarada ito at saka lumabas ng sasakyan at pumasok sa kanyang kompanya.
"Goodmorning Sir Drew." masiglang bati ng mga trabahador niya.
Matamis siyang ngumiti sa mga ito.
"Goodmoring rin. How's work?" tanong niya sa mga ito.
"It's fine, Sir. Mas lalong tumaas ang rating ng mga sapatos dahil sa mga disenyo mo, Sir." sabi ng kanyang sekretarya habang sumasabay sa paglalakad niya.
Napangiti siya sa kinalabasan ng paghihirap niya.
"That's a good news." aniya at pumasok sa sariling opisina.
May napagusapan sila ng sekretarya niya tungkol sa kompanya at nang makaalis na ito ay napasandal siya sa sariling swivel chair.
"Hindi ko aakalaing makakamit ko 'to na walang ama sa tabi ko." bumuntong hininga siya at napailing. Hinding-hindi na niya papasukin ang ama sa buhay niya. Ayaw niya nang maghirap. Nagsasawa na siya sa pakiramdam na nahihirapan. I'm no longer your son, old man!
BINABASA MO ANG
Beyond the Sand- COMPLETED
Short StoryYou'll never realize the value of what you have, until what you have is no longer by your side. How can you say sorry to the person you hurt the most when it's already too late? A Father's Day Special for you! Happy Father's day to all respectful fa...