NAPABANGON SIYA ng wala sa oras sa pagkakahiga nang pagmulat ng mga mata niya ay bumangad sa kanya ang bulto ng ama.
"Hi anak!" masiglang bati nito sa kanya na mas lalong kinunot ng kilay niya.
"What the hell are you doing here!? This is my room! And for your information, this is my house!" galit na galit na sigaw niya sa kanyang ama.
"A-ahh.. A-anak gusto ko lang bumawi sa'yo.." mahinang sambit nito na nakayuko pa sa kanya.
Marahas siyang bumuga ng hangin na para bang hindi makapaniwala sa sinabi nito. "Bumawi!? Ang lakas rin ng loob mong sabihin 'yon. Sa pagkakaalam ko, hindi ka naging ama sa'kin! Kahit kailan! Hindi mo ko tinuring na anak kaya wala kang karapatang sabihin 'yon sa'kin!" malakas na sigaw niya. Punong-puno na siya sa mga pinagsasabi ng ama niya.
"A-anak.. Sana kalimutan nalang natin ang nakaraan...Sana mapatawad mo na ako, Anak.." sambit nito na buong tapang sinalubong ang galit na galit na mukha niya.
"Kalimutan!?" mapait siyang napatawa sa sinabi nito. "Ano!? Sa palagay mo ba na madali lang 'yong kalimutan lahat. Lahat-lahat ginawa ko para lang magustuhan mo 'ko! Ginawa ko lahat para lang turingin mo kong anak. Pero wala eh! Tapos sasabihin mo lang na kalimutan 'yon lahat!" sigaw niya. Galit at sakit ang nararamdaman niya habang sinasabi 'yon.
Hindi niya naramdaman na may tumulo na palang luha sa mga mata niya. Doon lang niya napagtanto nang lumapit ang ama niya at pinunasan ang basang pisngi niya.
"T-tahan na anak.. P-patawad anak.. Patawarin mo si Papa.." puno ng pagsisisi na sabi nito habang pinupunasan ng mga kamay nito ang luha niya.
Malakas na tinulak niya ang ama at tumayo. Wala siyang pakialam kung nasaktan ito sa pagtulak niya. Ano!? Ganoon nalang 'yon! Babalik lang ito kung kailan masaya na siya sa buhay niya! Kung kailan hindi na niya gusto pang maalala ang mga paghihirap niya sa puder nito!
Naglakad siya patungo sa drawer niya at kumuha ng sampung libo at marahas na tinapon sa mukha ng ama niya.
"Sampung libo para sa pananahimik mo. Huwag na huwag ka nang lumapit sa'kin! Umalis ka na din sa pamamahay ko. Hindi imbetado ang mga taong kagaya mo." aniya at lumabas ng silid.
Habang naglalakad patungong kusina para uminom ng tubig ay nakasalubong pa niya ang kasambahay na si Maria.
"Magandang umaga sa'yo, Sir!" masiglang bati nito sa kanya na sinagot niya lang ng ngiti.
"Magluluto po ba ako ng marami para sa iyong ama?" nakangiti paring sabi nito sa kanya.
Nagtagis ang bagang niya sa narinig. "Ikaw ba ang nagpapasok sa taong 'yon?" tanong niya.
"Ahhm ang ama niyo ho ba ang tinutukoy nyo? Opo. Sabi niya gusto niya pong makabawi sa inyo kaya pinapasok ko." nakangiting anito.
Malalim na bumuntong hininga siya bago nagsalita. "Maria, sa oras na papasukin mo pa ang taong 'yon, hindi na ako magdadalawang isip na tanggalin ka." seryosong sabi niya at natatakot na tumango naman ito sa kanya.
Nagpatuloy siya sa paglalakad patungong kusina at kumuha ng malamig na tubig mula sa refrigerator.
Habang umiinom siya ay nahagip ng mga mata niya ang kanyang ama na naglalakad patungong pintuan. Dala-dala nito ang binigay niya sampung libo. Hindi na siya nagulat
Napailing nalang siya dahil dito. May gana pa itong magdrama sa harapan niya pero tinanggap naman ang perang binigay niya. Ang galing!
"Ibang klase." aniya at inubos ang tubig na iniinom niya.
BINABASA MO ANG
Beyond the Sand- COMPLETED
Historia CortaYou'll never realize the value of what you have, until what you have is no longer by your side. How can you say sorry to the person you hurt the most when it's already too late? A Father's Day Special for you! Happy Father's day to all respectful fa...