Chapter 1

75 4 0
                                    

Paalam na---

Paalam n---

Paalam---

Paala---

Paal---

Napabangon ako na humihingal at tumutulo ang pawis. Nandun na naman siya sa panaginip ko, pero hanggang ngayon hindi ko pa rin siya makilala. Ang sabi nila, napipili nalang yun randomly ng subconscious natin kung sinu-sinong tao ang pumapasok sa mga panaginip. Pero ang pinagtataka ko lang, mga t-two weeks na sunud-sunod na siya lang ang napapaginipan ko. Ang lalaking yun, ang lalaking yun na palagi akong kinakausap at kinukuwentuhan sa panaginip ko. Palagi ko siyang tinatanong kung sino ba siya pero palagi niya kong  sinasagot ng...

"Kilala mo ko Tatiana."

Napapaismid nalang ako tuwing sinasagot niya yun, aware akong kontrolado ko ang mga nangyayari sa panaginip ko pero siya lang ang tanging iba sa lahat. Siya lang ang 'bagay' na nandun na hindi ko ginawa at kontrolado. Nakapagtataka at the same time nakakacurious. I always do this kind of thing, lucid dreaming. Since I was 8 years old up to now na mag s-sixteen na. Nagsimula ang lahat ng mabasa ko to sa isang article sa internet. I'm wondering how could those people controlled their dreams. Paano nila ma kokontrol ang sariling panaginip? I researched  and researched and researched at dumating ang araw na gusto ko ng gawin din yun. Pagkatapos kong gumawa ng mga kailangan gawin ng araw na yun, pumasok na ko sa kwarto at handang matulog. Of course, I prayed although there's nothing to worry about. Iba pa rin kapag nagdasal na atleast kung may mangyari man, nakapaghanda ako. Ginawa ko yun at naging okay naman ang lahat, walang may nagyari at hanggang sa kalaunan na gabi-gabi ko ng minamanage at nakokontrol ang sarili kong panaginip.

Napabalik ako sa realidad ng tumunog ang ringtone ng cellphone ko.

For the rest of my life...
For the rest of yours...
For the rest of my life...
For the rest of ours...

Gelo's calling...

"Hello."

"Baby," 1 week din na hindi ko narinig ang boses niya.

"Oh?" Sumandal ako sa headboard at pero pinapakinggan ang sa kabilang linya.

"I miss you," napapikit ako ng narinig ko yun.

"Talaga lang," pabalang kong sagot sakaniya

"Baby naman eh, alam mo naman yun diba?" Palambing niyang sabi saakin

"Yeah, right." Tinatamad kong sagot sakaniya.

"Baby," pagbabanta niyang tono na tumigil na ko kakasungit sakaniya.

"Napatawag ka?"

"Hindi ba pweding makausap ang girlfriend ko?"

"Natatandaan mo pa pala na may girlfriend ka, akala ko hindi na," narinig kong napabuntong hininga siya.

"1 week tayong hindi nakapag usap o kita manlang pero yan ang sasabihin mo saakin?!" mataas ang boses na sabi niya.

Napatawa ako ng peke at napairap kahit hindi niya ko nakikita.

"Yun nga eh, isang linggong walang komunikasyon. Isang linggong hindi kamanlang nag text at tumawag. Isang linggong wala manlang akong alam sa mga pinangagawa mo."

"Alam mo namang busy ako eh," dahilan niya

"Hindi ka busy, alam ko iyon. Wala ka na sa basketball team diba? Tapos wala naman kayong mga ginagawa masyado sa klase. Ang sabihin mo pinag lalaanan mo na naman ng oras ang ibang babae lalo na ang ex mo!" Tuluy-tuloy kong sabi sakaniya, nakakainis na eh. Palagi nalang ganito. Mag dadalawang taon na yung relasyon namin pero walang nagbago. Wala siyang pinagbago.

"Ito na naman ba pag -aawayan natin?! Paulit ulit ka nalang eh. Nakakabanas na, nakakairita!" Pasigaw niyang sabi na kinainit lalo ng ulo ko.

Napabuntong-hininga ako, alam kong naiinis siya saakin at nagsasawa na.

"Feeling mo na hindi ako nasasaktan?!" Pigil iyak kong sabi

"Yan ka na naman Tatiana eh. Nag dadrama ka na naman. Konting bagay at issue pinapalaki mo, nakakapunyeta." Napatulo ang luha ko. Ang kapal talaga!

Tumahimik nalang ako at hindi sumagot sakaniya, ayaw ko ng palakihin ang gulo kaya ma's mabuti pang manahimik nalang.

"Magkita nalang tayo mamaya sa coffee shop. 4 pm," malamig niyang sabi saakin.

"I lov---" *toot *toot*

Tinapon ko ng mahina ang cellphone sa kama at humiga ulit. Mahal ko si Gelo, sobrang mahal pero palagi nalang akong nasasaktan. Tuwing magkikita kami at magkakausap puro away nalang. Ganito nalang palagi.

Ayaw ko man magkompara pero hindi ko maiwasan, ang laki ng pinagkakaiba ni Gelo at ng lalaking sa panaginip ko. Yung lalaki na yun ang tipong "aalagaan" ka niya while Gelo is the "aggressive yet sweet," type of a guy. Sana lang makilala ko na yung lalaking yun, kahit sabihin na nating "lucid dreaming friend" ko lang siya, well atleast  alam ko ang pangalan niya at nag eexpect din ako na magbabago na ang boyfriend ko. Sana lang...

Sana lang maging masaya ako sa pagkikita namin mamaya.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

This work is purely came from the author's imagination. Some ideas, events and other instances here are similar to others... Please bare with me. I'm not really a newbie when it comes in writing but this will be my 'first and serious publish story' here in wattpad. Thank you in advance:)

Kindly leave your opinions, comments and your expectations about this story, so that I could identify what "writing skills or writing type" that you want. Please po? :) Thank you. God bless:*

Lucid GuyWhere stories live. Discover now