Chapter 3

24 4 0
                                    

Hello everyone^_^ thank you sa mga nagbabasa ng kwento ko kahit hindi gaano kaganda, pero i'll try my very best na masatisfied kayo. Ang hirap po sa totoo lang na mag isip ng next na mangyayare sa kwento kaya please pagpasensyahan niyo na ah? Comment kayo please, gusto kong malaman kung nagustohan niyo ba or hindi yung kwento ko. Kung ano pa ang kailangan ko i-improve, etc. Para magawa ko :) Salute ako sa lahat ng mga authors dito sa watty. Hihi;) Mwa:* Shout out kay kuya Sic Santos slash owwsic! I love you babyyyy :***** Mwemwemwe ;)
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Bakit?" napapalunok ako para pigilan ang mga luha na nagbabadya ng magsilabasan sa mga mata ko. Ang sakit, ang sakit sakit na ganito lang mangyayare saamin.

"May gusto na akong iba," hindi ko iniwas ang tingin ko sakaniya at nanatili lang nakatingin sa mga mata niya. Alam kong ito na ang huling beses na matitigan ang mukha niya lalo na ang kaniyang mga mata.

"T-talaga? Gusto ka din ba niya?" napakunot ang noo niya at kalaunan ay napatawa ng sarcastic

"Anong klaseng tanong yan?" masungit at iritable niyang tugon sa tanong ko

"Wala ba kong karapatan na malaman?" sumandal ako sa upuan

"Does it matter?"

Nagsulubong ang kilay ko.

"Ibabalik ko yun tanong mo saakin, anong klaseng tanong yan?" naiinis ako sakanya, kung umasta siya parang wala lang ang lahat.

"Gusto ko siya. Mahal ko din siya," hindi siya nakatingin saakin, tinuon niya ang tingin sa inomin niya.

"Hindi mo sinasagot ang tanong ko sa'yo."

"Bakit ba gusto mong malaman?" Impossible, this guy is really impossible and unbelievable. Kung tanga ka, mas tatanga ka pa lalo.

"Ano mo ba ko?" nakataas ng kilay kong sabi sakaniya

"Ex-girlfriend," tumitig siya sa mata ko na kinaiwas ko.

"Obviously, bago mo ko naging ex, girlfriend mo pa ko. Kaya normal lang dapat kong malaman ang lahat," naka poker face kong sabi sakaniya.

"Sabi niya oo pero may gusto din siyang iba," napatawa ako sa sinabi niya, wow ha. Ang galing naman, madami siyang pagpipilian.

"Payag ka sa ganun?"

"Oo," napatahimik ako sa sinabi niya, binasa ko ang labi ko. Piniligilan kong huwag umiyak sa mga nalalaman ko.

"Kayo na bang dalawa?" tinago ko ang kamay ko sa ibaba ng mesa ayaw ko na makita niya na nakatikom ito ng napakahigpit

"Hindi pa, nililigawan ko palang siya eh," napatingala ako ng bahagya ng maramdaman kong tutulo na ang luha sa mga mata ko. Masakit marinig galing sakaniya na kahit alam niyang may iba din itong gusto, okay lang sakaniya ito.

Tumingin ako sakaniya ng diretso

"Ang hirap tanggapin Gelo, hindi ko alam na sa dami na nangyare saatin. Masaya man o malungkot, maghihiwalay tayo ng ganito dahil sa ibang babae. Alam mo iyon? Ang oa man pakinggan pero parang tinutusok ng ilang libong karayom ang puso ko. Hindi mo alam kung gaano ko pinapangarap na 'sana' kahit bata pa tayo, hindi na to mawawala, hindi na mawawala ang pagmamahal natin sa isa't isa kahit anong mangyare. Na kahit anong sabihin ng ibang tao sa relasyon natin, hindi natin yun papansinin at mas lalong magiging matatag ang meron tayo. Nakakalungkot na mas pinili mo ang babaeng yon kaysa saakin. Nakakalungkot na mas pinili mo siya kaysa sa taong mahal na mahal ka at ikaw lang talaga. Naiinis ako sa'yo, binigo mo ko, hindi mo tinupad yung mga sinabi at pinangko mo. Sinungaling ka eh. Napakasinungaling mo, pinaasa mo ko. Sana tinapos mo muna ang relasyon natin bago mo siya niligawan o kaya sana pinaabot mo muna na mag dalawang taon tayo at pagkatapos nun, pwedi mo na kong hiwalayan. Hindi ka ba makapaghintay ha? May pasabi sabi ka pang "I love you" "Ikaw lang talaga" pero sa totoo pala, hindi ka makontento sa isa at naghanap ka pa rin ng iba," tuloy-tuloy kong sabi na napamaang sakaniya. Alam kong hindi niya ineexpect na sasabihin ko yun sakaniya dahil napaka kalmado ko lang kanina.

Lucid GuyWhere stories live. Discover now