Chapter 2

26 4 0
                                    

Nakasakay ako ngayon ng jeep papunta sa coffee shop na palagi naming pinupuntahang dalawa. I'm wearing my gray t-shirt, skinny jeans and doll shoes. Simple lang akong manamit, walang masyadong kaartehan sa katawan dahil dito ako komportable.

To: Gelo
Baby sorry na ah? Papunta na kong coffee shop. See you! Mwa:*

Pagkatapos ko siyang itext, tinago ko na ang cellphone ko sa bulsa. Bumaba ako agad ng jeep ng huminto ito sa coffee shop.
            C     O     F     F     E     A         

Pumasok na ko sa loob at tumitingin sa mga nakaupo kung nandun na ang boyfriend ko, umupo ako sa pinakadulo ng coffee shop na palapit sa wall. Walang masyadong tao ngayon dito. Lalo na Sabado ngayon. Walang maiingay na mga studyante.

From: Gelo
I'll be 15 mins. late. Maghintay ka muna diyan.

To: Gelo
Sige po:*

Hindi muna ako nag order, nakinig nalang ako ng music habang hinihintay siya. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit kinakabahan ako na ewan. Sana lang talaga maging okay na kami kasi natatakot akong iwanan niya. Napailing ako sa iniisip ko. Hindi ako iiwanan ni Gelo, mahal niya ko eh. Tama, hindi niya ko iiwanan kasi kung gusto niyang gawin yun sana matagal na, dahil palagi kaming nag-aaway. Inopen ko muna ang facebook account ko at tinignan ang messages kung may nag direct message saakin. Pinindot ko ang chat list ng makita kung wala namang may nag chat saakin. Hindi kami friends ni Gelo dito dahil naka block ako sakaniya. Baka malaman ng mga pamilya at kaibigan niya na may girlfriend siya. Mag dadalawang taon na kami pero hindi pa rin niya ko naipakilala sa parents niya. I've never been in their house to have a formal meeting with his family. Naiitindihan ko naman yun, kahit minsan kating kati na ang dila ko na sabihin sakaniya na ipakilala ako sa mga magulang niya. Hindi mayaman sina Gelo, hindi din mahirap. Pareho kami. Yung katamtaman lang na makakain ng sobra sa tatlong beses kada araw. Kilala ko ang mga magulang niya at mga taong malapit sakaniya, I always  stalk them through social media at kinukuwento niya din sila saakin. Palagi niyang nirarason saakin na ayaw pa daw ng mga magulang niya na mag girlfriend siya kung hindi pa siya tapos sa pag-aaral. Napapatahimik nalang ako kapag sinabi niya yun, alam kong hindi yun ang rason, dahil nag ka girlfriend na siya noon at pinakilala niya to sa pamilya at mga kaibigan niya. Hindi ko siya pinipilit na ipakilala ako sa mga taong importante sa buhay niya pero kahit ganun, masakit pa rin saakin. Dahil pinakilala ko siya sa mga magulang ko at tinanggap siya nila ito ng buong-buo. I know it's really unfair, that's why I'm waiting for that day to come. 5 minutes na kong naghihintay dito, 10 minutes left at makikita ko na ulit siya. Kahit pitong araw lang kaming hindi nagkita feeling ko sobrang tagal na yun, pumikit muna ako habang hinihintay siya. Hindi ko namalayan na nakatulog na ako.

"Tatiana," nakangiti sabi saakin

"Ikaw na naman?" biro kong sabi sakaniya na kinalungkot ng mukha niya

"Ayaw mo ba kong makita o makasama manlang?" nakaiwas tingin niyang sabi saakin

"Hala! Hindi naman sa ganun, yung akin lang kasi, hindi kita kilala o kahit alam manlang ang pangalan mo." Naglakad siya papuntang damuhan at sumunod naman ako sakaniya. Ito ang gusto kong maging setting ng panaginip ko ngayon. Napaka peaceful, hindi mainit at hindi masyadong malamig at katulad ng mga nagdaan kong panaginip, nandito na naman ang lalaki. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit magaan ang loob ko sakaniya kahit hindi ko siya kilala. Umupo kaming dalawa sa damuhan at tinanaw ang mga ibon na lumilipad. Ang ganda nilang tignan, ang dami nila parang sinisimbolo ito ng pagsasamahan ng mga tao, na kahit anong mangyare ang lakas ng pagsama sama nila ang nag bibigay pag asa sa bawat isa.

Lucid GuyWhere stories live. Discover now