LOVISE' POV
Nakarating na din kami sa school.
Wushu! >.<
Ang aga naman ata mantrip ng mga lasing na yun.
Buti na lang andun si Patrick. Wahaw. Close?
Pero nahagip ng mata ko si Loiue eh.
Alam ko andun sya.
Bakit kaya di niya kami tinulungan? Ganun pala siya. Tsk.
Oh well, wala din akong balak na hingin ang tulong niya. Mas ok pang mapasama ako ke----
Oo na. Hihingi pa din ako ng tulong no matter what.
Hanubayan! >.< ang aga aga ang lalim ng iniisip ko.?!
"Besfie hoy! Anu ba naman yan? Ang aga aga ang Lalim ng iniisip mo!!"
"Wala to. Naisip ko lang yung nangyari kanina."
"Naku! Wag mo nang isipin yung mga panget na yun. Masisira lang araw mo! BTW, may assignment ka na sa Math?"
"Ah.. Eh.. Oo naman.."
"Great. Pakopya naman ako. Pretty please! Ginabi kasi kami ng uwi nila Bettina ee hindi ko tuloy nagawa.."
At bilang isang mabuting bestfriend, buong puso kong binigay yung assignment ko. Pero nagulat ako nung...
"Bettina copy ka na din oh! Ang bait talaga ng bestfriend ko no?" ngising ngising sabi ni Lhara.
Bestfriend nga ba talaga ang turing sa akin nito? Thugh 2 years na kaming mgbestfriend marami akong di alam sa kanya. Minsan naiisip ko ginagamit nga lang kaya niya ako? Pang cover up? Pang linis ng kalat niya? Kopyahan? Ganun ba talaga ang turing sakin ng BESTFRIEND ko?
"Besfie wag mo kong tingnan ng ganyan. Mas Maganda ako sayo! Haha!"
Napayuko na lang ako.
"Lovise may naghahanap sa'yo! Gwapings ha?!" sigaw nung classmate ko.
Lumabas ako.
"Oh Pat? Napadaan ka?"
"Just checking. Ok lang ba kayo?"
"Ayos lang kami. Di ba nga binugbog mo na sila? Ganito oh! *Demo* Booogsh! Kyaaaaah! Boogsshh!"
"Haha. Maniniwala na sana ako kaso may tunog ee."
Binatukan ko nga.
"Aray naman!"
"Kaw kasi eh!" sabay pout.
"Osige na cute ka na! Tara sa canteen?"
"Libre mo ko?"
"Libre mo ko. Ako savior mo eh."
"Osige. Teka kukunin ko lang pera ko."
Pagpasok ko,
"You have to win this game Lhara coz if not, matatanggal ka sa grupo and you'll be stuck with that nerdy girl forever." sabi ni Bettina.
Sasagot pa sana si Lhara kaso nakita niya ako.
"Aalis ka?"
"Ah. Oo sa canteen lang.."
"Ah. Okay.."
Awkward.
Lumabas na ako. Ano kaya yung pinag uusapan nila? Ako ba yung tinutukoy ni Bettina? aish naman oh!
"Humahaba na naman yang nguso mo.."
"Ewan ko sayo Abellada!"
"Ay sorry naman Padilla! Si Lizette hindi sasama?"
"May kasama syang iba."
"Tara na"
......
FASTFORWARD"So mahilig ka sa chocolates?"
"Oo naman. Lalo na Fererro!"
"Eh bulaklak?"
"Yuck? Anu namang gagawin ko dun? Libre mo na lang akong Kwek Kwek at fishball matutuwa pa ko!"
"Eh? Ang wierd niyo palang mga babae!"
May naisip ako bigla.
"Bat di mo itry?"
"Ang alin?"
"Maging babae!"
"Ha?"
"Tara sa garden!"
At wala siyang kapalag palag nung lagyan ko ng make up ang muka niya. Pinonytail ko pa yung buhok niya.
"Lovise nangangalay na muka ko!"
(A/N: Nangangalay na muka? Panu yun? :D)
"Eto na patapos na.. Tadaaaaah!" *bigay salamin*
"Ow em gee! Ang ganda ko sister!"
Laughtrip. Ang hottest varsity player ng school nagbabakla baklaan? haha. Cool.
"Haha. Pat Picture! Smile!"
At game na game siyang nagpose.
"Lam mo Pat, tingin ko magkakasundo tayo."
"Tingin ko din."
"Friends?"
"Yeah. Friends.."
Hindi ko alam pero masaya ako na kasama ko si Patrick.
And now we're officially friends.
-----
PATRICKS POV
Its a great day. I'm happy coz I was able to save my Girl.
----------------------
BINABASA MO ANG
Lucky He's Inlove with Me (ON GOING, ACCOUNT REACTIVATED)
Teen FictionSinasabi nila yung ibang tao dumating yan hindi para mahalin ka kundi para turuan ka lang magmahal. At dahil nga inlove ka, isisiksik mo pa din ang sarili mo kahet na ang maging ending ay ang happiness ng taong mahal mo kung san HINDI ka kasama.Pero...