PATRICK'S POV
Nagising na lang ako sa ospital.
Nakita ko na kinakausap ni Mama yung Doktor.
Nagulat ako na parang di na sya gulat sa mga pangyayari.
Hindi kaya alam talaga ni Mama?
Lumapit sya sakin.
“anak, ayos ka na ba?”
Hindi ko alam ang isasagot.
Di ba kaya ko nga tinago sa kaniya ay para di sya masaktan.
Pero ngayon, nasasaktan sya.
Bakit ganun?
“Anak, matagal ko nang alam to..’’
Nagulat ako.
“So i-ibig ny-nyong sabihin, yung mga sina-sinasabi nyo kanina, ----“
“Oo. Yun talaga ang ibig kong sabihin. Alam kong ayaw mong ipaalam pero anak, Mama mo ko. Malabong di ko yun malaman.”
Niyakap nya ako at tulad ng isang 7 year old boy na inaway ng kalaro, umiyak ako sa balikat ni Mama.
“Ma, bakit ganun? Bakit ako pa? Marami pa akong pangarap sa buhay.. Bakit ako Ma?!”
Umiyak ako ng umiyak.
“Ma, gusto ko pang makasama si Lovise, paano na sya pag nawala na ko?”
Natigilan si Mama.
Nag ring bigla ang phone ko.
MRS. LOVISE ABELLADA CALLING....
Sinagot ko.
“Yes, Babe?”
“Can we talk?” – Lovise
“Ah.. eh.. may practice kami ng basketball Babe eh. Teka tinatawag na ako ni Coach, maya na tayo mag usap ha?”
At binaba ko na ang tawag.
Ayoko ko nang malamn pa nya.
Ayokong masaktan sya.
“Anak, bakit di mo sinabi?”
“Ma, ayoko syang masaktan..”
“Pero anak, nasab---- ”
“Ma, magpapahinga na ako.”
Naintindihan naman ni Mama kaya lumabas sya.
Ayokong malaman nya. Masasaktan lang sya.
BAKIT PA KASI AKO!?
BAKIT PA AKO?!
LOVISE' POV
CALLING PATRICK....
Sinagot nya.
“Yes, Babe?”- Pat
“Can we talk?”
“Ah.. eh.. may practice kami ng basketball Babe eh. Teka tinatawag na ako ni Coach, maya na tayo mag usap ha?”
BINABASA MO ANG
Lucky He's Inlove with Me (ON GOING, ACCOUNT REACTIVATED)
أدب المراهقينSinasabi nila yung ibang tao dumating yan hindi para mahalin ka kundi para turuan ka lang magmahal. At dahil nga inlove ka, isisiksik mo pa din ang sarili mo kahet na ang maging ending ay ang happiness ng taong mahal mo kung san HINDI ka kasama.Pero...