after ilang oras na pagkabagot natapos na rin ang mahabang orientation namin, orientation palang namin dahil first day ngayon kaya bumalik na ako sa apartment na tinutuluyan ko walking distance lang siya sa school kaya nilalakad ko lang
andito na ako sa harap ng inuupahan kong apartment kaya pumasok na ako at nagbihis para pumasok sa trabaho
sumakay na ako sa motor ko at pinaharurot. isa't kalahating oras din ang layo ng pinagtratrabahoan ko sa apartment ko kapag gamit ko ang motor ko at mga dalawang oras at mahigit naman kung mag cocommute ako
asa harap na ako ng malaking bahay na ito kaya bumusina ako para maging hudyat na pagbuksan ako ng pinto ng mga guard at pinapasok na rin ako agad. pinark ko muna ang motor ko at oo may sariling parking lot ang bahay na ito dahil hindi lang ito basta bastang bahay lang
pagkapasok ko sa pintuan ay naagaw ko ang pansin ng tatlong tao nakaupo sa couch
" whoaaah yow reiju" at akmang makiki fist bump sakin ng sinamaan ko siya ng tingin
"hey chillax meyn dika parin talaga nagbabago dimo ba ako namimiss ilang buwan din kaya tayong hindi nagkita"
hindi ko siya pinansin at nilagpasan lang siya
"aba lokong to hoy reiju!"
inis na sigaw niya pero umakto na lang ako na parang walang narinig
"where's judge?" tanong ko
"in his office" sagot ni olivia na nakaupo at hindi man lang ako tinatapunan ng tingin dahil tutok ito sa librong binabasa niya
"how have you been?"
tanong naman ng babaeng prenteng nakaupo sa sofa kaharap ang laptop si venice na hindi rin ako makuhang tignan pero ganyan talaga sila wala silang pakealam sa mga nakapaligid sa kanila hindi maipagkakailang kambal ang mga ito dahil magkamukha na nga sila magkaugali pa
"none of your business" hindi ako yung taong nagkwekwento sa nangyayari sa buhay ko dahil who knows they might use it to get rid of you.
pagkasabi ko ay naglakad na ako papunta sa office ni judge pero may asungot na nakasunod pala sa akin
"reiju pansinin mo naman ako oh" sabay pout
"gross" sagot ko at tinignan ng napakasama dahil hindi niya bagay mag pout tsk sarap tadyakan pero hindi parin talaga siya tumigil dahil humirit pa siya
"sige na oh iha hug lang kita dahil miss na miss na kita please"
"arghhhh! STOP IT ASH WILL YOU? !!!" nangangaliiti kong sigaw dahil sa kakulitan niya bwesit
at bigla naman siyang nagulat dahil tinawag ko siya sa pangalan niya dahil ito ang unang pagkakataong na tinawag ko siya sa ilang taon naming pagkakakilala
"anong sabi mo? tinawag mo ako sa pangalan ko? pakiulit nga reijuuuuuu"
makikita sa mukha niya na sobrang nagulat siya dahil sa pagsabi ko ng pangalan niya at alam rin yang napipikon na ako kaya iniwan ko na siya roon at umakyat na papunta sa office ni judge na nasa second floor
andito na ako sa labas ng pinto ni judge pero nagdadalawang isip ako dahil mahigit isang buwan din akong hindi nagpakita pero sa huli mas pinili kong pumasok at magpakita sa kaniya. pagkapasok ko ay nakatalikod siya sakin habang nakaupo sa shivel chair niya
"its been a month reiju" sabay nang pag banggit niya sa pangalan ko ay kasabay ng pag ikot niya sa upuan niya. marahil ay nasabihan na siya na andito ako sa mansyon
"yeah" walang gana kong sagot
"here" sabi niya at inabot sakin ang isang black na envelope, binuklat ko ito at napangiti dahil ilang buwan din akong hindi nakatanggap ng proyekto
"san ka nagtago ng ilang buwan na pati si juno ay hindi ka ma trace!" kunot noo niyang tanong sakin
"who cares?" pabalang kong sagot habang ang tingin ko ay nasa envelope pa rin
"i care!" matigas na sabi niya at bahagya akong nagulat dahil sa sinabi niya pero agad din yung naglaho at napalitan ng dismaya ng may pahabol siyang sinabi
"alam mong ikaw ang pinakamaasahan dito pero hindi mo ginampanan ang trabaho mo. Alam mo ba kung ilang milyones ang nawala sakin ng umalis ka?! "
nadismaya ako dahil akala ko nag cacare nga siya sakin pero mas iniisip niya pa ang perang nalugi sa kaniya how stupid of me para isiping may nag aalala sakin tsk
"good then" mapaklang wika ko dahil sa dismayang nararamdaman ko
tumayo na ako at umalis sa lugar na yun na hindi nagpapaalam sanay na sakin si judge kaya pinabayaan niya na rin ako
bumama na ako at nakita kong naroon pa rin silang tatlo at tatayo na sana si ash pero sinamaan ko na siya ng tingin kaya tinaas niya ang dalawang kamay niya at umakto na parang sumusuko
napailing na lang ako sa inakto niya
dumiretso na ako sa pinapark-an ko ng motor ko at umalis na para bumalik sa apartment ko
pagkalapag ko ng bag ko ay binuksan ko agad ang envelope na binigay sakin ni judge kanina at napangiti ako dahil pwede na ulit akong pumunta sa h2 namin pinagbawalan akong pumunta dahil sa pagtataksil na naganap
and i got my first project again after almost 2 months at yun ay ang
PATAYIN ANG PAMILYANG REVERA
this is so exciting i can feel the adrenaline rush in my body and im looking forward to more projects that would be assigned to me.
----
![](https://img.wattpad.com/cover/151789451-288-k962774.jpg)
YOU ARE READING
BLOODY REVENGE
Mystery / ThrillerI consider myself as an outcast. I prefer being alone and shutting myself from this shitty world that is full of fake people and traitors. people used and abused my trust they made my life a living hell so i'll let them see a devil I AM SEEKING F...