nakarating na ako sa h2 at sinalubong ako ng naparaming mga guards na nakabantay sa harap pa lang ng gate. bale tatlo ang headquartes namin
h1 ay ang mansyon ni judge
h2 kung saan naparaming tauhan at dito rin ang pinaka main, dito nagaganap ang mga meeting namin;
h3 naman ay ang mansyon para sa mga exclusive na tauhan ni judge, nakalaan ang mansyon na iyon para tirhan nilaalam kong gulong gulo na kayo pero to make it clear to you nagtratrabaho ako sa isang organisasyon na pinamumunuan ni judge na mas kilala sa underground society bilang SNAKE hindi kami parte ng mafia o yung mga pipitchuging mga gangster kuno. parte kami ng organisasyong kami mismong mga myembro ay hindi alam ang layunin, sumusunod lang kami sa nakakataas kung ano ang ipapagawa sa amin at si judge palang ang kilala naming nakatataas dahil hindi pa namin kilala o ka idedeya sa kung sino pa ang ibang namumuno sa organisasyong ito
wala kaming karapatang tumanggi o magreklamo kung ano ang inutos sa amin dahil kamatayan ang parusang ipapataw sa kung sinong lumabag ng kagustuhan ng nakatataas o ang mga SNAKE HEADS.
magmula nang nawala ang mga magulang ko nagpalaboy laboy ako kung saan dahil sa sobrang musmos palang ako noon at wala pang kamuwang muwang kung paano mamuhay mag isa, natagpuan ko na lang na nandito ako sa mansyon dahil dinukot ako ng mga alagad ni judge. dito na ako namulat sa mundong kinagagalawan ko ngayon, bata palang ako ibat ibang krimen na ang nakita't nasaksihan ko
at pitong taon ako nung umpisa akong pumatay ng tao dahil tinuruan ako ng organisasyon na ito kung paano mamuhay at bumangon ng mag isa, wala ka dapat pagkatiwalaan dahil maging ang mga tinuturing mong kaibigan na parang kapatid ay pwede kang traydorin
minulat ako sa konsepto na kung hindi ka papatay ikaw ang mamamatay.
si judge na ang tumayong ikalawa kong ama dahil siya na ang nagalaga sa akin. at the age of 17 i graduated with the degree of Bachelor of Science and Medical technology ngunit dahil sa ginusto kong umalis muna sa organisasyon na ito naisipan kong pumasok sa eskwelahan; not to learn but to escape and hide
all my documents are fabricated so they will not be suspicious to my identity
hindi ko napansing natulala pala ako habang minamasdan ang h2 kaya pumasok na ako dahil baka magalit pa si judge kapag late ako
pero hindi katulad sa mansyon nila judge na makakapasok ka agad ibahin mo rito dahil samut saring pag iimbistiga pa ang dadaanan mo bago ka tuluyang makapasok sa loob kahit na myembro ka ng organisasyon wala ka paring lusot pwera nalamang sa mga SNAKE HEADS
kasalukuyan akong kinakapkapan ng guard at pagkatapos dito ay dadaan ako sa isang metal detector scanner machine
nung natapos akong inspeksyunin ay dumretso agad ako sa elevator ng mansyon para pumunta sa third floor. exclusive lang ang paggamit ng elevator na to para sa mga may matataas na ranko at ang piling body guards ni judge para pumunta sa third floor. ang mga HEADS at kaming mga may matataas na ranko ang pwedeng pumunta sa third floor.
pinindot ko na ang close button pero bago pa ito tuluyang magsara may humarang sa pintuan ng elevator at kung minamalas ka nga naman si ash ang nakasabayan ko
"reijuuuuuuuuuuuu!!!" yayakapin na sana niya ako pero bago pa niya ako tuluyang mayakap ay sinalubong na siya ng bunganga ng dala dala kong baril
"whoah whoaah! not a good joke reiju" tulo pawis niyang sabi habang nakataas ang dalawa niyang kamay dahil alam niyang hindi ako magdadalawang isip na iputok yun sa kaniya
"im not good in joking, yah know"pagkasabi ko nun sa kaniya ay biglang bumukas ang elevator kaya tumakbo siya paalis
umalis na rin ako at nagtungo sa opisina ni judge para sa meeting, pagkabukas ko ng pintuan sa opisina ni judge ay ang dalawang body guards ni judge ang naroon pagkakita nila sa akin ay tumayo at nagbigay galang sakin pero hindi ko na sila pinansin, binuksan ko na lang ang isa pang pintuan sa loob ng office ni judge dahil nandoon ang conference room.
pagkabukas ko ay naagaw ko pansin nilang lahat pero wala akong sinalubong kahit isang mata sa kanila at natitiyak ko rin na ako na lang ang wala pa dito dahil isa na lang ang bakanteng upuan, naglakad ako papunta sa upuan ko pero kasabay ng hakbang ko ang mga mata nilang nanlilisik at ang iba ay nagtataka kung bakit andito ako
tsk ilang buwan lang ako nawala hindi naman ilang dekada.
umupo na ako sa pinaka una katabi si judge
"continue" iyon na lang ang sinabi ko dahil para silang nakakita ng isang patay na nabuhay muli dahil hanggang ngayon hindi pa rin sila nakabawi sa reaksyon nila maliban na lang kila judge, ash at ang dalawang kambal na si olivia at venice
"yan lang ba ang sasabihin mo reiju?!!!" galit na sigaw ni judge
tinaasan ko lang siya ng kilay dahil hindi ko maintidihan ang gusto niyang iparating
"tell me bakit hindi mo pinatay ang asawa ni Dion?"
"so?"
mas lalong tumaas ang kilay niya at any minute right now ay pwede niyang pasabugin ang bungo ko
"hindi mo ba naisip na baka magsumbong ang babaeng yun sa kabilang panig at gamitin yun para maghiganti!!!"
"hindi naman niya alam na ako ang pumatay sa kaniya" alam kong magagalit siya kapag nalaman niya na hindi ko pinatay ang asawa ni uncle dion at ang anak niya, may anak si uncle pero hindi yun lingid sa kaalaman ni judge dahil ang alam niya namatay ang anak ni uncle dion bago palamang to ipanganak
"sa tingin mo ba wala siyang ideya na ikaw ang pumatay sa kaniya! sayo ko binigay ang proyektong ito dahil ang alam ko ikaw ang pinaka maasahan ko rito! Pero nagkamali ako!! Tell me may iba kapa bang dahilan kung bakit hindi mo pinatay ang babaeng yun?"
hindi na lang ako nagsalita dahil wala rin namang akong matinong rason

YOU ARE READING
BLOODY REVENGE
Misteri / ThrillerI consider myself as an outcast. I prefer being alone and shutting myself from this shitty world that is full of fake people and traitors. people used and abused my trust they made my life a living hell so i'll let them see a devil I AM SEEKING F...