Chapter 15

95.8K 3.2K 691
                                    

Chapter 15

"Mallory!" malakas ang boses ni Aaric kaya kaagad akong napalingon habang naglalakad ako patungong bahay. He grinned widely at me and ran the distance between me and the rice field. Nakita ko rin si Sage sa may di kalayuan pero hindi ata niya ako napansin dahil abala siya sa pagkikipag-usap sa isa sa mga tauhan nila. "Hi!" he said, panting heavily.

I smiled politely at him. "Nag-aani ulit kayo?"

"Oo eh, kinulang ang stocks sa Manila," wika niya at ibinagsak sa lupa ang hawak na pruner. He groaned and stretched his back. "I'm so damn tired. Itong si Sage ay ayaw tumigil. Kanina pa kami dito. Hindi pa kami nakakapagpahinga simula nang dumating kami galing sa eskwelahan!" he complained.

Tumawa ako sa kaniyang sinabi. I was about to open my mouth when I saw Sage approaching us. Nakasimangot siyang nakatingin sa aming dalawa. "What are you doing, Aaric?" he asked in a dangerous voice. "Marami pa tayong trabahong gagawin."

Aaric dared to roll his eyes dahil nakatalikod siya kay Sage. Pagkatapos ay nagpaskil ito ng pekeng ngiti sa mukha at binalingan siya. "Of course, boss! Kinakausap ko nalang naman si Mallory, eh..."

Sage glared at him. Tatawa-tawang bumalik si Aaric sa palayan sabay dampot ng kaniyang pruner. Tipid kong nginitian si Sage.

"You're going home?" he eyed my books and my shoulder bag. Tumango-tango ako. Sage had been spending his time on the community service these past few days. Kung hindi naman doon ay nasa palayan siya at nag-aani. Kaya naman hindi ko na siya madalas makausap sa school. Tuwing lunch naman ay sumasabay ako kay mama sa faculty para kumain.

"You might want to come to the house later on," he wiped the sweat on his forehead using the back of his hands. "My parents are away. I'm baby-sitting Zahra again..." sumama pa ang kaniyang mukha sa pagka-mention ng kaniyang kapatid.

Umaliwalas ang mukha ko. "Does that mean I don't have to climb over your fence anymore?" biro ko.

Umangat ang isang gilid ng kaniyang labi sa aking sinabi. "Yes, Mal. You don't have to sneak to my room..." he said playfully.

Namula ang buong mukha ko sa kaniyang pagkakasabi. "P-Pupunta lang ako doon mamaya." Nauutal kong wika. Humalakhak si Sage sa aking inakto. "Alis na ako!" I yelled and sprinted out of his sight. Hinihingal pa ako nang makarating sa bahay. I quickly stripped my clothes and took a bath.

I changed into a pair of rugged jeans, ankle boots, and white shirt. Maputik ang daan ngayon sa gubat dahil ulan nang ulan. Nagpulbo din ako nang kaunti at itinali ang aking mataas na buhok. I'm thinking of cutting my hair these past few days dahil naaalibadbaran ako sa init ngunit iniwakli ko ang ideya. I once read a novel that says boys like girls who have long hair.

Uminit na naman ang pisngi ko. Eh ano ngayon kung ganoon ang gusto nila? Wala naman akong dahilan para hindi ipaputol ang aking buhok.

Sage suddenly entered my mind in my carousel of thoughts. Sobra akong pinamulahan kaya dinagdagan ko pa ang pulbo sa mukha. Ano ka ba naman, Mallory! Para kang tanga...

I gathered my books and pen inside my bag. I figured I would have to do my assignments today at their mansion. My mother will not be home until 7 in the evening. Ako ang inutusan niyang magsaing ngayon kaya kailangan kong umuwi bago pa man gumabi.

As usual, I took the shortcut to their house through the forest. The dried leaves crunched under my boots as I made my way to their mansion. Ilang pulgada pa lamang ang layo ko sa kanila ay tanaw ko na kaagad ang dalawang itim na kabayo kung saan nakasakay si Sage at Aaric. Napatigil ako sa paglalakad. I never had an idea he knew how to ride a horse!

The Billionaire's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon