Nung pag kagising ko bumangon agad ako sa kama at dumiretso ng Cr para mag hilamos, napatingin ako sa salamin, simula ngayon mag babago nako kakalimutan ko na lahat ng pesteng nangyari sa buhay ko, ang ganda ganda ko para mamroblema no, okay "Kaya mo yan zoey ikaw paba?!" napangiti nalang ako sa repleksyon ko sa salamin,Tutal bukas pa naman yung pasukan, Mas mabuti pang pumunta nalang ako sa apartment ni Amber tapos yayain ko syang mag bar hays sana wala yung asungot nyang boyfriend na napakaingay ng bunganga na mukang bullfrog!
Bumaba nako ng hagdan at nag paalam kay mama na pupunta ako sa apartment ni amber, Kilala naman ni mama yun kasi since elementary bestfriend ko nayun! Close din ni mama si tita andrea nanay amber.
Sumakay nako sa motor ko, Oo may motor ako kala nyo lalaki lang pwedeng mag motor? Pinatakbo ko ng mabilis at nung nakarating nako sa tapat ng apartment ni amber agad akong umakyat, Kinatok ko ang pinto
"Sino ba yan? Inaantok pako e"
"Ungguy! Ako to si zoey!"
Nung pag bukas nya ng pinto agad nyakong hinila papasok ng apartment nya sabay sarado ng pinto umupo ako sa sofa.
"O kamusta naman ang broken hearted girl ng taon?" nakataas ang kilay na sinabi ni amber
"Okay nako no, tsaka Hindi naman dapat pinag aaksayahan ng oras yung mga walang kwentang tao" Naiinis kong sabi ayoko ng pag usapan to, Kumukulo yung dugo ko kapag naaalala ko yung gagong nikko nayun!
"are you sure patingin nga ng mukang okay, Parang hindi naman?" natatawang sabi ni amber, napansin nya sigurong naiinis ako kaya tumigil sya
"Alam mo girl, Makakayanan mo yan ikaw paba? Sus chicken lang yan sayo no, lalake lang yan ang dami pang lalaki sa mundo, Yung mas deserving sa pagmamahal mo, tsaka anong feeling ng nikko nayun ngunit naloko kanya gwapo na sya? Fffft muka ngang dinaanan ng 10 willer truck yung pag mumuka non! Tsaka bestfriend alam mo Nung una palang hindi kona talaga gusto yung hilatsa ng muka nyan, nakita ko lang na masaya ka sa kanya noon kaya di nako tumutol sa inyo"
"Wag na nating pag usapan yun naiinis lang ako!"
"Madami pang lalake sa mundo, yung mas deserving sa pagmamahal mo"
Ayoko ng magmahal! Lolokohin lang naman ako ng mga lalaking yan tama na yung minsan akong nag pauto at naloko, tama naNiyaya kong mag bar si amber, mamayang gabi saglit lang naman, Nag aalanganin yung muka nya, kasi pasukan nadaw bukas kaylangan nyang matulog ng maaga, dami pang palusot e for sure naman Dahil kay bull frog nanaman yun, pero ilang minuto lang nakumbinsi ko rin sya sabi kona hindi ako matitiis ng bestfriend ko nato ako paba?
Umalis nako sa apartment ni amber 7:Pm kami mag kikita sa bar later sana walang asungot! Nakooo.
It's 4:Pm palang ayoko munang umuwi, Ng mapag pasyahan ko na dito nalang muna kumain sa chowking Favorite fastfood koto ever. Nag order lang ako ng dalawang beef chaofan, Yeah yan yung madalas kung orderin since highschool, ang sarap kasi Kumain nako, Hay namiss koto yung ganito parang walang problema, Inenjoy kolang yung pagkain ng may napansin akong nakatayo sa harap ko,
"Miss may nakaupo ba dito? Wala na kasing vacant sit e" Napatingin ako sa paligid, oo nga punong puno yung chao king ngayon ramdam kong naiilang sya ilang minuto na pala syang nakatayo sa harap ko.
"Wala!" cold kong sabi, Ayoko ng mapalapit sa lalaki, kung pwede nga lang hindi kona to kausapin kaso sobrang sama ko naman non, napansin kong naupo na sya binilisan ko nalang yung kain ko kahit ramdam kong tinitignan nya ko, ugh nakaka irita
"dahan dahan baka mabulunan" pabulong nyang sabi akala naman nya di ko narinig tinignan ko sya sabay irap, Binilisan ko nalang yung pagkain ko sabay Umalis nako nang sasakay nako sa motor ko napansin ko yung lalaking kaharap ko kanina papunta sa direksyon ko
"Miss sayo yata to oh" inabot nya sakin yung bracelet, i said thanks without looking at him. Then bumalik na sya sa loob, Yun yung bracelet na binigay sakin ni nikko nung first monthsary namin, nakaukit don yung pangalan naming dalawa tinitigan kolang sya naiinis nanaman ako, sabay tapon sa basurahan, Hindi kona kaylangan yon wala namang kwenta,
Pagkauwi ko sa bahay, Naligo na agad ako, maaga pa naman mag si 6 palang namili nako ng susuotin ko White shirt na may nakatatak na possitive, Then black pants at black rubber shoes, Hindi naman ako mahilig mag dress ewan koba feeling ko babaeng babae ako kapag ganun, Mas okay na sakin yung ganto, Boyish look! Simple pero may dating. Nag patuyo lang ako ng buhok then i texted amber, Kung andun na sya, And she replied kakarating nya lang sa bar.
Buti nalang wala si mama, kaya makakatakas ako ngayon.
__________
Pinark ko muna yung motor ko, Then pumasok nako sa loob, Shit siksikan ang daming tao sunday kasi last na ng bakasyon Ang daming sumasayaw sa dance floor na akala mo walang bukas, Yung iba panay yosi, Yung iba naman nasa medyo madilim na part habang nag hahalikan. Ewww!
Umorder muna kami ng tig isang tequila,
Pag kabigay ng bartender sa tiquila nilagok ko kagad to, nakailang shot pa kami ni amber ng bigla nyakong hinatak sa dance floor, Nakakahiya Hindi ako marunong sumayaw Hinihila ko si amber paalis ng dance floor pero ang higpit naman ng kapit nya sakin pabalik.
"Enjoyin na natin to, Bestfriend wag kang kj tuturuan kita gayahin moko" sabay taas ng kamay nya habang sumasayaw ginaya ko nalang sya ang sagwa shit! pinag bigyan ko nalang sya napapansin kong parami ng parami ang tao sa dance foor kaya hinatak kona si amber palabas, Palabas na sana kami ng---- mabangga ako ng isang lalaki,
"wtf!' Naiinis nyang sabi "Nextime Tumingin ka sa dinadaanan mo, Hindi ka naman siguro bulag!"
Tinignan ko sya ng masama "Ako pa talaga titingin sa daan ha, e kung tumitingin ka rin sa dinadaanan mo edi sana hindi mo ko mabubunggo!" naiinis nako onti nalang masasapak ko nato! Inaawat nako ni amber
"Andrew What's happening here pare?" sya yung lalake kanina sa chao king so barkada pala sya ng malnourish nato!
" There's a girl na mag papansin nanga lang mang bubuggo pa di nalang sabihin kung gusto ako o ano tsss!" naiinis nyang sabi Kung sya lang din wag na!
" Kapal ng muka mo Kung sayo lang wag na uy! Mas gugustuhin kopang mag madre nalang sa kumbento kesa mag papansin sayo yuck!" sigaw ko sa kanya kung mag papansin lang pala sa kanya nako mag tomboy nalang ako!
Natawa nalang yung ibang tao sa paligid, Yung iba namang babae ang sasama ng tingin sakin nako kung nakakamatay lang ang tingin kanina pa siguro ako deadbol
Hindi na sya nakapag salita!
"Wala ka pala pare e" Natatawang sabi nung lalaki sa chao king kanina
Napansin kong pinag titinginan na kami ng mga tao sa loob ng bar kaya hinatak ko na si amber palabas pero bago pako makalabas ...
"May araw karin sakin!" Sigaw nya
BINABASA MO ANG
I Hate That I Love You
Narrativa generalePaano pag nalaman mo sa sarili mong unti unti ka ng naiinlove sa taong kinakainisan mo? Hahayaan mo bang mas lalong mahulog yung loob mo sa kanya? O hahayaan mo nalang kalimutan yung namumuong feelings mo sa kanya? (june16218)