...
...
...
Dedicated to all KathNiel Fans...
...
...
...
Walang taping ngayon. Ako? Nasa sala lang, naglalaro ng Temple Run. Katext ko si Kath kani-kanina lang. Pero nagpaalam at gagawa daw muna ng assignment para sa home school course niya.
“Dj, anak...Aalis na ako hah. May taping pa ko ngayon eh,” narinig ko sabi ni Mama. Tumingin ako mula sa nilalaro ko, siyempre after kong mapause iyon, mahirap na at baka mamatay pa –
“Wag mong pabayaan mga kapatid mo hah. Si JC, nasa galaan nanaman,” sabi ni Mama.
“Opo...Gusto niyo po bang ihatid ko na kayo?” tanong ko sa kanya.
“Huwag na anak. Magpapahatid nalang ako sa driver. Salamat nalang. Tsaka di ba andami mong assignments ngayon?” sagot niya. “Gawin mo nalang iyon.”
“Opo Ma...” tugon ko sabay balik sa laro.
“Dj...Wag tamad...Magsimula ka ng magsagot ng mga assignments mo...” sabi ni Mama.
“Opo Ma...” sagot ko ulit.
“Matawagan nga si Kath...Sasabihin ko na ang magaling niyang special friend ay hindi pa nagsisimulang magsagot ng assignment niya,” sambit ni Mama sa malakas na boses.
“Opo Ma –” Mga ilang segundo bago nag-process ang sinabi niya sa utak ko. Nanlaki ang mata ko at agad akong tumingin sa kanya. Dahil nga mabilis ang paglingon ko eh nahulog ako sa sofa. “Ma! Please! Wag mong sabihin kay Kath. Please...Please...Please...Magagalit nanaman iyon sa akin eh. Kakabati lang namin nung binigay ko si Nacho at Cola eh.”
“Eh kasi naman. Ang tamad-tamad mo. Kasalanan mo rin yan,” sabi ni Mama. “Sinabi na niyang mag-aral ka eh pero hindi mo sinunod. Ayan...Nag-away tuloy kayo. Napabili ka tuloy ng 44K na mga aso. Nilagnat ka pa dahil nga ang laki ng nagastos mo.”
“Ma! Hindi ako nilagnat!” sigaw ko. Takte. Nagkataon lang na nagkasakit ako after kong mabili ang mga aso at dalhin sa kanya. Itong si mama, inasar na ko na nilalagnat kapag gumastos ng malaki. Wala naman akong pakialam sa 44K na yun. Ang mahalaga, ayos na kami ni Kath.
BINABASA MO ANG
Daniel's Assignment (KathNiel OneShot)
RomanceKathQuen – (n.) ...ang....hmmmm...ahhhmmmm...no comment... (See also: Adet, six hundred and seventy four ACCOUNTS, correlation method, directly proportional, solid daw, genius, JaoMik, PBB Teens, bigas, spaghetti, Sex Bomb Girls)