Suko Na

24 5 0
                                    

By:Jazzmine Yee

"Suko na".
At tigilan mo na ang mga salitang
"Kaya pa".
Umpisahan mong paniwalain and sarili mo na
Hindi ka naman dapat lumaban.
Hindi totoong,
Mananalo ka sa digmaan.
Dahil sa umpisa pa lang,
Talo ka na,
Hindi mo na masasabing
Maayos pa yan,
Hindi ka na niya mahal.
Hindi totoong
Kaya ka niyang ipaglaban,
Tunay na
Hindi ka mananalo sa laban na pinasok mo,
Hindi mo dapat iniisip na
Kaya mong protektahan ang kung anong meron ka.
Dahil sa umpisa pa lang,
Talo ka na.
Hindi mo na dapat sinasabi ang mga katagang
Kaya pa,
Dahil ang totoo,
Wala ka nang pag-asa.
Kalimutan mo na ang salitang
"Kakayanin mo pa, kaya mo pa".

Reverse:
"Kakayanin mo pa, kaya mo pa"
Kalimutan mo na ang salitang
Wala ka nang pag-asa.
Dahil ang totoo,
Kaya pa,
Hindi mo na dapat sinasabi ang mga katagang
Talo ka na.
Dahil sa umpisa pa lang,
Kaya mong protektahan ang kung anong meron ka.
Hindi mo dapat isipin na
Hindi ka mananalo sa laban na pinasok mo,
Tunay na
Kaya ka niyang ipaglaban,
Hindi totoong
Hindi ka na niya mahal.
Maayos pa yan,
hindi mo na masasabing
Talo ka na,
Dahil sa umpisa pa lang,
Mananalo ka sa digmaan.
Hindi totoong,
Hindi ka naman dapat lumaban.
Umpisahan mong paniwalain and sarili mo na
"Kaya pa".
At tigilan mo na ang mga salitang
"Suko na".

Poètes d'amourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon