Unang Kabanata

1K 10 2
                                    

Unang pagkikita.


Habang naglalakad papunta ng parking lot, nakita ni Mikko ang isang babaeng nakatungo at umiiyak sa isang tabi. Agad niya itong nilapitan.

"Miss? Anong problema? Bakit ka umiiyak?" Tanong nito sa babae.

Tumunghay ito at matagal na pinagmasdan si Mikko bago sumagot.

Sa tingin ko nasa mid-20s pa lang ito. Niloko siguro ng boyfriend. Tsk. sabi ni Mikko sa sarili.

"Y-yung.. yung b-bag ko.. yung bag ko ini-snatch.." sabi nung babae habang umiiyak.

"A-ah.. A-ahm.." Natigilan si Mikko sa sinabi nito, hindi niya alam kung ano ba ang dapat sabihin dito. "A-ahm.. Ssshh. Tahan na, Miss. Hayaan mo na yun. Makakarma rin yun. Tumayo ka na diyan."

"HAYAAN?!" gulat nitong tanong sa mataas na boses. "Hayaan?! Nagpapatawa ka ba?! Hahayaan ko lang yun?! Andun lahat ng gamit ko! Lahat ng perang naipon ko nandoon, pati yung cellphone ko! Tapos sasabihin mong hayaan ko na lang?!! HA?!"

Hindi nakasagot si Mikko sa gulat.

"A-ahm.. S-sorry. S-sorry, hindi ko sinasadya.. H-hindi ko sinasadyang masigawan ka. Hindi ko na kasi talaga alam gagawin ko e." muli nitong sabi sabay tungo at umiyak ulit.

Pagtunghay ng babae ay wala na si Mikko sa harap niya.

"Argh! Ang tanga-tanga mo talaga, Christina! Bakit mo kasi sinigawan?! Umalis tuloy! Tch. Bwisit! Bakit ba kasi ang malas ko?! Sino na lang tutulong sakin nito?!" Inis na sabi ni Christina sa sarili niya nang mapagtantong wala na nga ang lalaking kanina'y dapat tutulong sa kanya.

Maya-maya..

"Oh.. Magpalamig ka muna." sabi ni Mikko, dala-dala ang paper bag ng isang convenient store na may lamang softdrinks. "Kainin mo na rin 'to." sabay abot ng burger.

"B-bumalik ka.." gulat na sabi ni Christina.

"Alangan namang iwan kita dito. Gabing-gabi na oh. Tumayo ka na nga diyan, dun tayo sa sasakyan. Saan ba bahay mo? Hahatid na kita." Tuluy-tuloy nitong sabi sabay naglakad papunta sa sasakyan niya sa di kalayuan. Sumunod naman si Christina na hindi pa rin makapaniwalang babalikan siya ng lalaking ito kahit na hindi tama ang inasta niya kanina.

"Anong address mo?" Tanong ulit ni Mikko at sinabi naman ni Christina ang address niya.

Aarte pa ba ko, siya na nga 'tong nag-ooffer. Hays.. Swerte pa rin talaga ko kahit papaano. Pero malas pa rin. Tsk. Sabi niya sa kanyang sarili.

Maya-maya pa'y nakarating na sila sa bahay ni Christina.

"A-ano.. A-ahm. P-pasok ka muna." Pag-aaya nito. Sumunod naman si Mikko.

"Pasensya ka na dito ah. Ano.. hindi kasi ako nakakapaglinis ng madalas dahil sa trabaho. Upo ka muna." muli niyang sabi sa nakatulalang si Mikko nang makapasok sila sa loob.

"Huy!" Panggigising niya dito.

"H-ha? A-ano.. bakit?" Gulat nitong tanong.

"Sabi ko umupo ka muna." Nakangiting sabi nito sabay tawa.

Ang ganda niya pala.. manghang sabi ni Mikko sa sarili. Madilim kasi sa parking lot kaya hindi niya agad ito napansin.

"Anong nangyari sayo?" takang tanong ni Christina.

"Ang ganda mo kasi.." wala sa sariling sagot nito.

"Ano?" muli niyang tanong.

"Ha?! A-ah.. Eh... W-wala. Kako, pwede bang humingi ng maiinom?" Pagpapalusot ni Mikko.

"Ah! Oo nga pala!" Gulat na natatawang sabi ni Christina. "Pasensya na, nakalimutan ko. Teka lang ah."

Ang ganda niya talaga lalo pag natawa.. Sobrang simple lang niya pero napakaganda. Buti na lang at di ko naisipang iwanan ito at baka kung ano pang nangyari sa kanya kung sakali. Muli niyang sabi sa kanyang sarili.

"Ito oh." Sabi ni Christina sabay abot ng orange juice sa binata.

"A-ah.. Eh.. S-sorry ah. Pero di kasi ako nainom ng orange juice. Allergic kasi ako dyan."

"Talaga ba? Alam mo ako rin. Nagpapantal-pantal ako sa kahit anong may orange flavor. Ewan ko ba doon sa kasama ko kung bakit ito ang binili. Alam naman niya yun eh. Sige wait lang ah, papalitan ko na lang." Sabi nito habang tumatawa.

Makalipas ang ilang minuto, bumalik ang dalaga dala ang dalawang baso ng iced tea at sandwiches.

"Oh, kain ka na rin. Nako, salamat talaga ha. Kung wala ka, baka ano nang nangyari sa akin doon. Pasensya na rin sa pagsigaw ko sayo. Hindi ko talaga sinasadya."

"Okay lang yun. Hindi naman kasi talaga ko nagalit o nainis man lang 'non. Naiintindihan ko yun. At hindi rin ako madaling magalit." Pagpapaliwanag ng binata na nagpangiti sa dalaga.

"Napakabait mo naman. Ingat ka ha, baka kunin ka na ni Lord." Pagbibiro nito sabay tawa habang si Mikko naman ay nakatingin lang.

"Ay, sorry. Na-offend ba kita? Joke lang naman." Pagpapaliwanag ni Christina.

"H-hindi, hindi.. Ano.. A-ang cute mo kasi pag natawa." Nahihiyang sabi ng binata.

"A-ahh. Hehe." namula naman ang pisngi ng dalaga sa narinig niya.

Maya-maya ay nagpaalam na si Mikko para umalis.

"Ingat ka ha! Salamat ulit." Ngiting-ngiting sabi ni Christina kay Mikko na pagtango naman ang isinagot at saka pinaharurot na ang sasakyan.

Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon