Ikaapat na Kabanata

529 7 0
                                    

Gusto kita.


Pauwi na galing sa opisina si Mikko nang maisipan niyang dumaan kila Christina. Dumaan muna siya sa isang restaurant para bumili ng pagkain.

Pagkababa ni Mikko sa sasakyan ay saktong baba rin ni Christina sa taxi na sinasakyan nito.

"Oh, Mikko. Gabi na ha? Bakit nandito ka?" Gulat na tanong ni Christina nang makita ang binata.

"Ahh-" hindi natuloy ang pagdadahilan ni Mikko nang biglang bumuhos ang malakas na ulan.

"Nako! Tara sa loob!" Sabi ni Christina sabay takbo papasok ng gate.

Basang-basa na sila nang makapasok sa loob.

"Teka lang ha, kukuha lang ako ng towel." Sabi ni Christina.

"Sige." Sagot ni Mikko.

Maya-maya pa ay bumalik na si Christina dala ang dalawang towel at inabot ang isa kay Mikko.

"Bakit ka nga pala uli napadaan?" Muling tanong ni Christina.

"A-ano.. Aayain ko lang sana kayong kumain. Wala kasi akong kasabay. S-si.. si Jelly?" Pagdadahilan ng binata.

"Ahh. Ikaw ha. Alam mo kaunti na lang maniniwala na talaga kong gusto mo si Jelly." Natatawa nitong sabi. "Hindi, joke lang. Wala pa eh, gumimik na naman siguro yung babaitang yon." natatawang pa rin nitong sabi na nagpatawa rin kay Mikko.

Nang makapagpalit ng damit ang dalawa ay kumain na sila.

"Ilang taon ka na nga pala?" Biglang tanong ni Christina.

"20. Ikaw?"

"28, magtu-29 na this coming September."

Gulat na napatingin si Mikko kay Christina sabay tumawa.

"Really? You're kidding me, aren't you?" Natatawa pa ring tanong ng binata.

"No, I'm not." Natatawa ring sagot ni Christina.

"Seriously? You know, you do not really look like a 29 year old lady, or even 20. I thought you're just 16." Natatawa pa rin ang binata.

"I know. Marami na ring nagsasabi sakin niyan. Pero 16? Grabe, 18 naman."

"No, I really thought you're just 16 years old."

"If so, why you're still hooking up with me, then?" nag-aalangang tanong ni Christina na ikinagulat ng binata. "Joke! Ito talaga hindi mabiro. Joke lang 'no." Pagbawi nito.

"Because I like you." Seryosong sabi ni Mikko na nagpagulat naman kay Christina.

Hindi nakapagsalita ang dalawa. They are just looking at each others' eyes. Hindi nila napapansing unti-unti nang naglalapit ang kanilang mga mukha hanggang sa maglapat na ang kanilang mga labi.

They kiss slowly but passionately as if they've been longing for that. As if they missed each other so much. But Christina ended the kiss.

"S-sorry." Nakayukong sabi ng dalaga at dinampot ang mga plato at dumiretso sa kusina. Sinundan naman siya ni Mikko.

"C-christina. Christina, teka lang." Paghabol ni Mikko.

"Umuwi ka na Mikko." Matipid nitong sagot.

"Bakit?"

"Masyado nang malalim ang gabi. Delikado na ang daan."

"Why did you ended the kiss? I know you want it. You want it so badly. You like me too, I can feel it. Anong pumipigil sayo?" naguguluhang tanong ni Mikko.

"Umuwi ka na."

"Christina-"

"I said, go!"

Nagulat si Mikko sa sigaw ni Christina kaya naman minabuti na lang niyang umalis.

Kasabay ng pag-alis ni Mikko ay ang pagpatak ng mga luha sa mga mata ni Christina na kanina pa niya pinipigilang bumuhos.

Noon pa ma'y ipinangako na ni Christina sa sarili na hindi siya magmamahal ng kahit sinong lalaki, pero nang dumating si Mikko sa buhay niya, nagbago ang lahat nang hindi inaasahan. Isinisigaw ng puso niyang gusto niya si Mikko, pero kabaligtaran nito ang sinasabi ng isip niya.

"Hindi.. Hindi pwede." sabi ni Christina sa sarili.

Hindi pa rin makapaniwala si Mikko sa nangyari. Gulung-gulo siya.

Bakit? May nagawa ba kong mali? Anong pumipigil sa kanya? Naguguluhang tanong niya sa sarili. Pero hindi pa rin ako susuko. Matigas niyang tugon.

***

Kinabukasan, habang naglilinis ng bahay si Christina ay may kumatok sa pinto at nagulat siya nang bumungad sa kanya si Mikko.

"M-mikko." Nauutal na sabi ni Christina.

"A-ahm. Napadaan lang ako para ibigay ito. B-baka di ka pa kumakain." paliwanag ng binata sabay abot ng isang paper bag na may lamang pagkain.

"M-mikko.. hindi mo naman kailangang-"

"Gusto kong gawin ito. Please, Christina. Just let me do this, kahit ito lang." pagmamakaawa ng binata.

"S-sige. A-ahm... H-halika na, sabayan mo na ko." Sabi ni Christina at dumiretso na ng kusina, sumunod naman si Mikko.

Habang kumakain ay tahimik lang ang dalawa. Hanggang sa magpaalam nang umalis si Mikko ay wala pa rin sa kanilang bumabanggit sa nangyari kagabi.

"Y-yung tungkol kagabi... ahm.." Hindi na natiis ni Christina at siya na ang naunang magbanggit nito.

"Forget it. It's okay. Sorry kung nabigla kita. Sorry kung naging masyado kong mabilis. Hindi na kita pipilitin kung ayaw mo talaga. Sorry, Christina."

"G-gusto rin kita." Nagulat si Mikko sa isinagot ni Christina, maging siya ay nagulat rin sa sinabi niya. Ngunit hindi niya iyon pinagsisihan, mas gumaan pa ang pakiramdam niya nang sa wakas ay nasabi na rin niya ang matagal na niyang itinatagong nararamdaman para kay Mikko.

"T-talaga?" Gulat pero masayang tanong ni Mikko.

"Oo, Mikko. Gusto kita. Nung una pa lang na makita kita, kung paanong hindi mo ko pinabayaan at hinatid mo pa ako dito. Yung halos araw-araw na pagpunta mo dito para lang magdala ng pagkain. Yung pagpapatawa mo sa akin palagi, lahat yun. Lahat ng iyon naappreciate ko. Yun ang dahilan kung bakit nahulog ang loob ko sayo. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya nung sinabi mong gusto mo rin ako. Natatakot ako dahil ipinangako ko sa sarili ko na kahit kailan ay hindi ako magmamahal ng kahit na sinong lalaki pero handa akong harapin ang takot kong iyon. Handa akong labanan iyon dahil gusto kita. Mahal kita, Mikko." tuluy-tuloy na sabi ni Christina habang umiiyak.

"Sshh.. Umiiyak ka na naman." Sabi ni Mikko habang pinupunasan ang mga luha sa mata ni Christina. "Stop crying. Wag ka mag-alala, sabay nating haharapin yung takot na yan. Mahal din kita, Christina. Mahal na mahal." Niyakap niya ng mahigpit na mahigpit si Christina at ganoon din ito sa kanya.

Masayang-masaya si Mikko ngayong nalaman niyang mahal rin siya ng kaisa-isang babaeng hindi niya inaasahang mamahalin niya ng sobra.

Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon