Ikaw at ako ay pinag tagpo sa hindi ina-asahang pagkakataon.
Gusto kita at gusto mo rin ako kaya mabilis na naging tayo.
Bawat araw na kasama kita ay walang kasing saya,
simula noong sinagot mo ako.
Barkada mo at markada ko ay iisa kaya madalas ay magkasama tayo.
Hindi lang tayo basta mag syota kundi kaibigan din kita.
Karamay sa problema at sandalan kapag ako'y natutumba.
Ngunit paglipas ng panahon ay bilang bumilis relasyon natin ay biglang nawalan ng tamis.
Ikaw ay umalis ng wala man lang matinong paalam sa akin.
Mundong binuo nating dalawa biglang gumuho habang ikaw ay papalayo.
Wala akong nagawa kundi pagmasdan ang paglisan mo.
Katawan ko'y biglang namanhid dulot ng sakit.
ito'y napa-bagsak sa lupa at napa-luhod ,Ako'y hinang-hina ngunit wala na sa akin pa ang magtatayo dahil sa iyong pag-layo.
Mundo ko ay binalot ng kalungkutan parang kwartong tinanggalan ng pintuan,
Kailan man ay hindi na ito muli pang mabubuksan.Ito ay nilalaan ko sa aking kaibigang nawalan ng minamahal.
BINABASA MO ANG
Tula ng pusong Nasaktan
De TodoAng salo-ubin ng pusong sawi sana inyong pakingan ang damdaming nasaktan at patuloy paring nasasaktan ..