"May load ka?" tanong ko kay Green.Nandito kami ngayon sa bench ng school ground namin. Summer vacation na pero heto pa rin kami sa school. Gumagawa ng mga requirements para makapasa daw kami. It's the month of April 2015. Mag fo fourth year college na kami sa susunod na pasukan kapag nakapasa kami.
"Meron. Waaahhh! Tangina!! Bias wrecker masyado si Suga ehhh!!" sabi niya at pinakita pa sa akin ang I need U MV ng BTS. May hawak si Suga na isang lighter at kung lalampas ang tingin mo diretso iyon sa saging niya. Shit! Pinause pa iyon ni Green at tinitigan.
"Tangina nito! Byuntaeee!!" sigaw ko sa kaniya at inagaw ang cellphone. Tumakbo pa ako papalayo sa kaniya. Madamot kasi iyan.
I opened Vidmate which is a video downloader. Agad kong hinanap sa youtube ang I Need U MV nila at dinownload. Huminto muna ako ng makalayo kay Green bago ginawa yun.
"WAAAHHHHH! HYORIII! HUWAAGG! SAYANG YUNG LOAD KOOOO! HUWAG IYONG HD!!" sigaw niya sa akin at nakita ko na nadapa siya. Tawang tawa pa ako habang pinanonood siya. After a few minutes natapos na ang pag download kaya kinuha ko na ang cellphone ko at ipinasa doon ang video.
Ganito kami lagi kapag may bago sa kpop o kdrama. Stream doon, download dito, stream ulit. The biggest struggle of being a kpop fan is living in a place with low internet connection. And Philippines is a country that has a poor connection.
"Bwesit ka talaga! Pag naubos yang data ko! Papatayin kita! Ikaw madami ka namang load ah! Bakit di ka mag download diyan!" sermon niya sa akin at malakas na inagaw ang cellphone sa kamay ko.
"Mahina signal sa bahay. Kailangan pang tumambay ka sa labas ng gate para magkaroon ng signal kaya minsan na lang ako nagpapa load." sagot ko at pasalampak na umupo sa bermunda ground.
"Ayy, grabe yung pa bath tub ni Jimin."
"May pa lollipop si Rapmon!"
"Ang pogi ni Jungkook habang naglalakad."
"May pa lighter si Suga!"
"2:32 bes. Type ko yung pasandal sandal ni Kookie sabay nakakalusaw na tingin sa camera."
"Hoy! Kanina pa kayo diyan?"
Sabay pa kaming napalingon kay Keant na bagong dating. Ganda na ng panonood namin eh!
"Ano yan?" he said and grab my cellphone out of my hand. What a jerk!
"I need U! Tignan niyo yung first performance nila sa MCountdown! May pa sailor silang lahat!" natatawang sabi ni Keant.
"Their choreo has bodyrolls that can make girls drool." nagulat pa kami ng magsalita si Lucas sa gilid ni Green. Napairap nalang ako sa kanila dahil pareho lang sila ni Keant na parang natatawa.
We searched for their first I need U performance and watched it.
"Omggggg! Those killer thighsss!!" nagsisigaw pa si Green habang ang dalawang boys naman ay ginagaya ang bawat moves nila.
Ako naman itong natatawa. Ewan ko. Its kind of hard for me to take the sexy bodyrolls seriously when they're all dressed in an adorable sailor outfits with shorts above their knees. They are so cute! I wanna pinch their soft cheeks!
"Bangtan! Bangtan! Bangtan!" we even shout the fanchant and hold our imaginary lightsticks.
"Hoy! Hindi niyo ba ako naririnig?!" sabay kaming napalingon kay Ian ng sumigaw siya. Nakapameywang siya habang suplado kaming tinitignan.
"Tinatawag na tayo ni Maam!" Nag uunahan pa kaming tumakbo patungo sa Record Office. Shit! Pangalawa ako habang nauuna naman si Green sa akin.
Nung nakapila na siya ay agad ko siyang hinila sa likod ko at ako na ang nauna. Tinulak tulak niya pa ako pero hindi ako natitinag.
YOU ARE READING
His Fangirl
FanfictionThe pictures aren't mine. I just found it on twitter. Credits to all of you