Inis.Iyon ang una kong naramdaman umagang umaga pa lang. Hinihintay na humupa ang traffic patungong airport.
"Putang traffic ito!!" at hinampas hampas ni Emilia ang manibela ng kotse ko. Inis ko siyang binatukan.
"GAGA! Nandito ang may ari ng kotse kaya pwede ba hinay hinay naman diyan! Akala mo kaniya ito eh! Kung ako nalang kaya ang nag drive diyan! Minumurder mo masyado itong kotse ko!" I nagged at her. Pinapainit niya lalo ang ulo ko!
"Gosh. Sino ba namang di ma iinis?! Kapag na late ka sa flight mo sayang yung pag bo book ng flight! Kala mo naman mura!" pag sagot sagot niya sa akin.
"Pwede ba tumahimik kayong dalawa? Umuusad na ang traffic nagbabangayan pa kayo diyan?! Kanina pa may bumubusina sa atin!" untag sa amin ni Chad.
Supportive talaga silang dalawang sa akin. Matutupad na daw kasi ang pangarap nila para sa akin. Kaya heto sila at hinahatid ako patungong airport. Gamit pa talaga ang kotse ko tutal ako naman daw ang ihahatid nila. Sayang daw yung gasolina.
Pagdating namin sa airport. Tuluyan na ngang nabaliw si Emilia. Pinag titinginan na kami dito dahil sa paghagulhol niya ng iyak. Yung iyak na parang namatayan ng mahal sa buhay.
Si Chad naman ay tatawa tawa lang. Niyakap ako ni Chad. Napatigil sa pag iyak si Emilia.
"Hoy! Ano yan?! Pinagtataksilan ninyo ako?! Mga hayop kayo!!" parang baliw na sigaw sa amin ni Emilia. Sabay kaming napalinga linga ni Chad sa paligid. Shit pinagtitinginan na naman kami. Pahamak talaga!
Buti nalang talaga at tinawag na ang flight ko. Dali dali akong lumayo sa kanila. Pinapagalitan pa ni Emilia si Chad na parang baliw. Ramdam kong hinahanap ako ng Emilia ng di niya ako makita sa may gilid niya. Nakita niya akong papalayo na. Hahabulin niya sana ako kaso pinigilan siya ni Chad.
"HOY, HYORI!! TAWAGAN MO AKO AH! GAMITIN MO ROAMING NUMBER MO! WAG NA WAG KANG MAGDADALAWANG ISIP NA SAYANGIN YUNG LOAD MO PARA SA AKIN! WAG KANG KURIPOT! PARA NARIN MAY EBIDENSIYANG SA KOREA KA NGA PUMUNTA! BYEEEE! INGAT KA DOON! IPASALUBONG MO NALANG SA AKIN SI PARK JIMIN AT SI KAI! WAG MO NG BALUTIN! IBIGAY MO SAKIN NG HUBAD--" sigaw ni Emilia sa akin na hindi natuloy dahil kinaladkad na siya ni Chad palabas ng airport. Tinakpan ko nalang ang aking mukha dahil sa kahihiyan.
Nang makatapak ako sa hagdan paakyat sa eroplanong sasakyan ko patungo sa destinasyon ko ay huminga hinga ako ng hangin. Goodbye for now Philippines! Susundan ko lang ang makapagpapasaya sa akin.
Nang makaupo ako ay dali dali kong sinubukan na umidlip. Mahirap na baka mahilo ako.
Lumipas ang ilang oras ay ginising ako ng isang flight stewardess. Ngumiti lang ako sa kaniya at nagpasalamat.
Lumabas ako ng eroplano at sumiklab na naman ang excitement sa akin. Kinuha ko ang aking camera. I took a picture of the whole place.
"Incheon Airport" basa ko sa pangalan ng airport. Dahan dahan lang akong naglalakad. Hindi alam kung anong gagawin.
Pinalo ko ang ulo ko ng parang tanga at yumuko. I took a deep breathe. Napataas ang ulo ko ng may maalala.
Nagpatuloy ako sa paglalakad at inalala ang napanood kong journey sa facebook nung isang blogger. The page is Travel with Unnie.
Nakalabas ako ng airport ng walang kahirap hirap. Pinagpatuloy ko ang paglalakad at nanlaki ang mata ko ng makitang pamilyar ang daanan. Ito ang palagi kong nakikitang lugar kung saan kinukuhanan ng litrato ang mga kpop idols. Nag isip ako ulit.
"Tama! Sa video pagkalabas may taxi na sinakyan si Unnie." pagkausap ko sa sarili. Naghintay ako ng taxi at tamang tama namang may paparating. Sumakay agad ako at malakas na bumuntong hininga. I feel relaxed.
"Eodigayo?" napatingin ako sa taxi driver. Oh fuck! Korean korean! Halos mag panic ako. Bakit ko pa kasi naisip na tumigil sa pag ka kpop fan yan tuloy di ko na masyadong maalala yung ibang expression! And I didn't even study about this!
"Eottoke!" yun ang unang lumabas sa bibig ko. Lol naguguluhang tumingin sa akin si Manong taxi driver. Hyori! Isip isip!
"I'm sorry but can you speak english?" tanong ko sa kaniya na may kasamang pagdadasal ng tahimik. Sana naman marunong mag english ito!
"Ah. Your not korean." natatawang sabi ni manong. Hoooo! Buti naman.
"Where are you going?", tanong ni manong naman. Napakalma naman ako. I scan the notebook that I was holding. Nandito na lahat lahat ng mga kakailanganin ko sa pagsurvive dito sa Korea except a translator na kailangang kailangan ko talaga. Nabasa ko yung hotel daw na titirhan ko.
"Lotte Hotel" nag aalangan kong sagot. Bahagyang natigilan si manong sa sagot ko. Masyado akong na didistract sa music. It was Spring Day by BTS.
Tinignan ko nalang ang notebook. May nakadikit ditong isang card na may nakalagay na "T Money" at Upass. Ano namang gagamitan ko nito? Mukhang alam yata ni Chad kung ano ang nasa isip ko bago niya binigay ito dahil may sagot na kaagad siya sa papel. Nakalagay dito ay maaari ko daw gamitin ang T money card pambayad sa bus, taxi at subway trains at convenience store at shopping places. Cool! Parang black card lang!
I scan the whole notebook.
'Hyori, pagdating mo diyan sa Korea. Malamang walang signal yang cellphone mo. Kaya bumili ka ng bago. Huwag kang kuripot. Basahin mo lang ang notebook nandiyan nakalagay ang kailangan mong gawin para magka internet access ka at mapanatiling maayos pa ang pera mo. Sanayin mo ang buhay mo sa isang simple at peaceful na lugar na iyan, yung hindi ka masyadong mahirapan. Easy access yung ibang bagay. Goodluck!'
Sakto namang pagkatapos kung basahin iyong sulat ni Chad ay huminto na ang taxi.
"Magkano po? Este how much is the fare?" tanong ko.
"Do you have card?" tumango naman ako sa tanong ni Manong. Inilahad niya ang kaniyang kamay sa akin. Ibinigay ko naman yung T money ng maintindihan ang ginawa niya.
"Kamsahamnida." sabi ni manong driver at binigay sa akin ang card. Bumaba naman ako.
Napanganga nalang ako ng makita ang nasa harapan ko. Takte! Ito na yata ang pinakamalaking building na nakita ko sa tanang buhay ko! Namilog ang aking mga mata at excited na pumasok sa hotel o condominium na iyon. Napahinto ako. Hala! Baka nag iilusyon lang ako baka naman katabi lang nitong building na ito ang titirhan ko o baka nasa likod? Ay ewan! Papasok nalang ako.
Nang makarating ako sa reception agaran naman akong binati ng mga receptionist. I smiled at them. I was distracted again by the loud music. It was Spring Day again and there are some BTS standees in some vacant places.
"Annyeonghaseyo-" pinutol ko na ang receptionist bago pa niya paduguin yung ilong ko.
"I'm sorry but can you speak english?" sabay ngiting alinlangin. Ngumiti naman sa akin ang receptionist at tumango.
"Yes, maam. Do you have a reservation?" tanong niya.
"Can you check for Hyori Riego please?" pakiusap ko. Tumango naman siya at may tinignan sa computer.
"You have a reservation, Maam. Room 56. Here is the room card and code. Enjoy your stay." nakangiting binigay ng receptionist ang card at isang resibo ng kwarto. Halos tumakbo naman ako patungong 56 floor dahil sa sobrang pagka excite.
Tulala akong nakaharap sa pintuang nasa harapan ko. Di ko palang binubuksan alam ko ng malaki ito. I enter the code and swipe the card. Nalito pa ako nung una pero kumalma naman ng bumukas ito.
YOU ARE READING
His Fangirl
FanfictionThe pictures aren't mine. I just found it on twitter. Credits to all of you