"GOODNESS!THE SEA BREEZE IS SO REFRESHING!"
"YES, IT IS!"
"LET'S GO SWIM!"
Akmang tatayo na si Green ng biglang tinapon ni Ian ang kaniyang hawak na ballpen. Tumama ito sa ulo ni Green. Galit na sinugod ni Green si Ian. She was choking him habang pasabunot naman na hinawakan ni Ian ang buhok niya.
"Ouch! Ian, masakit! Ano ba!"
"Bitawan mo muna ako!"
Binitawan naman ni Green at pareho silang hinihingal dalawa. Bumalik na sila sa pwesto kanina at nagseryoso ulit na ginawa ang sariling mga thesis papers.
Yes, you heard it right? Thesis papers! And its a summer for pete's sake at narito kami gumagawa ng thesis papers! That bitch of a professor! Tinotoo niya nga talaga!
I fetch out my phone and play a music. Nahinto sila sa kani kanilang ginagawa at matalim akong tinitigan.
"What?" patay malisya kong tanong. Bumuntong hininga sila.
"Come on, Hyori. Stop it. We don't need the distraction." naiinis na sabi ni Keant at binalik ang tingin sa kaniyang laptop.
"Your too mean. Ang boring kaya dito, masyadong tahimik." malalim na hininga ang ginawa ni Keant. Kinuha niya ang cellphone ko. I thought he is going to confiscate it pero in on lang niya ang music.
Napangiti ako. See? They will never hate kpop and treat them as distraction.
"Anong chapter ka na, Lucas?" tanong ko sa katabi ko.
"Risk and Safety na ako." tumango lang ako.
We've been making this for almost a month now at sigurado akong wala nang matitirang panahon para sa aming bakasyon.
"Thank, God!I'm done!!!!" maligayang maligayang nagsisigaw si Keant at tumatakbo na papunta sa dagat. I'm almost done already. Mas lalo ko pang binilisan ang paggawa. Almost 1 hour ng natapos na ako sa aking Thesis Paper. Sabay sabay kaming anim na tumayo at nag unat.
"LIGO NA TAYOOOOO!!!" sigaw ni Keant sa amin. Dali-dali kaming nag unahan sa pagtakbo at paglangoy sa dagat.
Alas siyete na ng nakauwi ako sa bahay. Naabutan kong nag hahapunan pa si Ate.
"Saan ka na naman nagpupunta at ginabi ka?" tanong ni Ate sa akin. Tumabi ako sa kaniya at nag sandok ng ulam.
"Ginawa lang namin ang thesis papers namin."
"Mabuti naman kung ganun. Nababawasan na ang pagka stress ko sayo ng kunti." natawa nalang ako.
Lumipas ang mga araw na magaan na ang turing sa akin ni Ate. Hindi katulad noon na hindi ako halos pinapansin. At ngayon nga may oras pa siyang ihatid ako sa school.
"Galingan mo ang defense. Kaya mo yan!" she cheered for me. I just smiled dahil kinakabahan ako. Umalis na ang kaniyang sasakyan. Pumasok na ako sa gate. Hindi tulad noong may pasok na may bumabati sa akin pagpasok palang pero ngayon sobrang tahimik na mas lalong nakapagpapakaba sa akin. Iniisip ko na kung anong gagawin ko kung hindi ako makapasa.
"AHHHHHH!" napasigaw ako at tinignan ng matalim si Keant na bigla bigla nalang nang hahawak ng balikat. Sobrang lamig pa naman ng kamay niya.
"Kinakabahan ka noh?" pang aasar niya sa akin. I smirked.
"Sino bang MAS kinakabahan sa ating dalawa?" pang aasar ko pabalik. Hinawakan ko ang kamay niya.
"So sino nga ang mas kinakabahan sa atin?" pang aasar ko ulit at sabay pataas sa kamay niya ng bigla niya akong yakapin. Nabitawan ko ang kamay niya. Nabigla ako. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya hinayaan ko nalang siya.
YOU ARE READING
His Fangirl
FanficThe pictures aren't mine. I just found it on twitter. Credits to all of you