CHAPTER SIX

46 1 0
                                    

Nandito ako ngayon sa may bench na nasa ilalim ng punong acacia, I was patiently waiting for Jervin. Mas nauna kasi natapos yun subject ko kaysa kanya kaya ayun ako tuloy ang naghihintay kahit alam ko namang hassle for a girl like me. Saka nasa kabilang building pa yun kanila , accounting major kasi si Jervin.

So ibig sabihin, 2 building away from here pa yun lalakadin nya para makarating dito.

"Hi, sorry for waiting"

Napatingin ako sa nagsalita and as expected si Jervin nga, ampogi nya talaga hayssss.

"Ya, it's ok"

"Lets go?" inilahad nya yun kanang kamay nya para alalayan akong tumayo, gentleman huh?

"Sure" then I nod.

Matagal ko ng crush si Jervin, but as what i've said ayoko pa ng boyfriend. Saka hindi naman nya ko pinapansin dati, ay wait pinapansin pala kaya lang not that too much. Marami kasi syang fans, campus hearthrob ba naman eh.

Dumiretso kami sa parking lot, then sumakay kami sa kotse nya, maganda yun car nya , mayaman naman kasi sila.

Nagdrive lang sya ako naman tahimik lang, parang bigla na lang akong walang masabi? ang awkward lang ng feeling......

Habang nasa loob kami ng kotse nya walang nag sasalita samin, nakatuon lang yun pansin nya sa pag dadrive. Ayoko naman sya'ng kausapin baka kasi hindi sya sanay na nakikipag-usap habang nag dadrive.

After 15 minutes, huminto kami sa isang park. Pinark nya yun car sa may gilid tapos bumaba na then binuksan nya yun door sa side ko, then hinawakan nya ko sa left wrist tapos inalalayan nya ko pagbaba, KINIKILIG TULOY AKO SHET .........

May maliit kaming pathway na dinaanan and to my surprise o_O

hindi pala park yun pinuntahan namin?

May mini resto na napapalibutan ng mga maliliit na ilaw, pag tingin ko sa left side may mini stage tapos may kumakanta tapos may mga table na simple lang. Cool huh???? simple yet elegant .... bakit hindi ko ata alam toh??? I SO LOVE THIS PLACE na .. maaya nga si Micah dito minsan.

Dumiretso kami sa isang table na bakante yun malapit dun sa mini stage, ang ganda nun boses ng kumakanta.

Hinili nya yun isang upuan paatrad tapos dun nya ko pinaupo, sya naman dun sa may tapat ko.

Lumapit samin yun isang lalaki na nasa mid-30's tapos may inabot na menu. Si Jervin na pinaorder ko pati na din ng sakin, wala kasi ako sa sarili ko, namesmerize kumbaga.

After ilang minutes sinerve na yun pagkain namin.

Nag-usap lang kami habang kumakain, getting to know each other lang muna hahah. Syempre naman daw ai, di naman pwedeng kami na agad agad diba? Di pa naman ako magmemenopause para madaliin yun love story ko, so ayun nga nagkwentuhan lang kami ng kung ano-ano . Masarap din pala syang kasama, joker pa nga minsan at mukang magkakasundo kami....

Halos isang oras din kami dun ng mapagpasyahan naming umuwi na, hinatid nya ko sa bahay namin.

Buti na lang pinapasok sya nun guard dun sa may gate ng subdivision, kasi kakilala naman pala nya yun. Dating guard daw yun sa subdivision na tinitirahan nila kaya nun nakita syang nagdadrive nun kotse pinapasok agad sya.

Pagdating namin sa tapat ng bahay, Inaaya ko syang pumasok pero sabi nya next time na lang daw, kaya yun umuwi na din sya hinintay lang nya akong makapasok bago nya pinaandar yun car nya.

****

Galing ako ng cafeteria ng mapansin kong nakaupo si Kylah dun sa may bench, lalapitan ko pa nga sana sya kaya lang biglang dumating si Jervin.

My Enemy is My DESTINY?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon