CHAPTER TWELVE

34 1 0
                                    


Early bird catches worm, woooooossssshhhh kaya naman super aga ko gumising today. Ang sarap nga ng tulog ko yeh syempre mag katext kami ni Jervin kagabi. Saka inspired ee ..

"oh ang aga mo ata nagising anak" sabi ni mama nun nakita nya kong pababa ng hagdan.

"goodmorning ma" bati ko sa kanya

"sya, dumiretso ka na sa kitchen at kumain bago ka pumasok sa school" utos ni mama sakin

"yes po" hinug ko pa sya bago pumunta ng kitchen

"ang aga mo ata nagising?" sabi din ni papa nun nakita nya kong papasok ng kitchen. Andun na sya sa upuan nya at nag co-cofee.

"morning pa" nag good morning kiss pa ko sa kanya bago umupo sa upuan

"ang ganda ata ng gising ng anak ko" puna ni mama bago umupo sa upuan nya na katapat mismo ng inuupuan ko.

"palagi naman maganda gising ko ah" patay malisyang sabi ko

"is someone occupied your heart, baby?" hays ayan na naman si papa he used to call me baby.

"Papa, i'm not a baby anymore" naglagay ako ng egg saka hotdog sa plate ko and a cup of rice . My favorite breakfast , hmmmmm sarap...

"ok baby" kibit balikat na sabi ni Papa. "

"Malapit na pala yun graduation nyo" singit ni Mama sa sasabihin pa sana ni Papa

"Yes po, 2 months from now"

"Si Micah nga pala hindi na ata nagpupupunta dito" tanong ni Mama

"Naku Ma, may lovelife na po yun kaya hindi na kami masyadong nakakapag bonding" sagot ko

"ikaw kailan ka mag kaka lovelife anak?" si Papa nagsabi nyan, ang tsismoso ng tatay ko noh?

"Papa naman" sabi ko

"Hindi naman kita pipigilan tutal malapit ka naman ng gumraduate ng college, at isa pa may tiwala naman kami ng Mama mo sayo" tumingin si Papa kay Mama.

"Nag-usap na kami ng Papa mo about that anak" naka-smile na sabi ni Mama

Ang bait talaga ng parents ko, they are the best parents in this world ^_^

"Pero di ba po nag promise ako na after ko maka graduate saka lang ako mag lolovelife? tutuparin ko po yun" sabi ko sabay wink sa kanilang dalawa.

"Ikaw bahala" sabay pang sabi ni Papa at Mama.

Buti na lang hindi na nila ulit ako kinulit habang nagbe-breakfast kami.

After kong kumain umakyat na ulit ako sa room ko para gumayak dahil may pasok pa naman ako.

Inabot din ako ng almost one hour sa pag gayak at pag-aayos ng gamit ko.

Bumaba na ulit ako ng hagdan tapos nag paalam na ko sa parents ko.

Hindi ko na hinintay si Papa, balak ko kasi maglakad na lang tutal maaga pa naman.

Pag labas ko ng gate ng bahay namin nakita ko si Raffy, nakasandal sya sa may pader tapos parang may hinihintay. Napagpasyahan kong lapitan muna sya.

"alone?" sabi ko, yan din kasi yun sinasabi nya sakin palagi kaya ginaya ko lang.

Napatingin sya sakin saka nag-smile, ako naman nakaramdam ng something sa sarili ko ng nag smile sya.

"I'm waiting for you" sabi nya tapos nilagay nya yun dalawang kamay nya dun sa magkabilang pocket ng pants nya.

"bakit naman Mr. Yabs?" nabigla ako sa sinabi nya. Tama ba yun narinig ko? He's waiting for me daw .. oh oh !!

My Enemy is My DESTINY?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon