CHAPTER 1

6 0 0
                                    

CHAPTER 1:

HOTEL DEL CELESTE 2015

"NANDYAN NA SILA." Excited na sabi ni Akit habang nakatingin sa pintong unti unting bumubukas habang lumalakas ang sigawan sa labas ng ballroom ng hotel.

"Places ladies." Sabi naman ni Chelle na nagsimula ng lumakad palayo sa kanilang grupo pagkatapos nitong kumaway sa kanila.

"Goodluck sa ating lahat." Sabi naman ng pinakabatang si Loise.

"Kinakabahan talaga ako sa plano natin." Bulong naman ni Keisha habang nakatingin sa papalayong sina Akit at Loise.

"Don't worry, Kei." Sabi ni Eris habang hinahawi ang buhok ng namumutlang si Keisha. "I got everything under control." Dagdag pa nya na sinabayan ng confident na ngiti.

"Sabi mo eh." Nakangiting balik ni Keisha bago ito humalik sa kanyang pisngi at lumayo na rin sa kanya.

Muling sumulyap si Eris sa pintuang ngayon ay isinasara na ng mga bodyguards ng limang binatang pumasok sa ballroom at syang panauhing pandangal ng gabing iyon.

Ang limang binata na miyembro ng bandang The Theory. Nauuna sa kanila si Ace, ang fashionista-ng bokalista ng banda. Kasunod nito ang gwapo ngunit sobrang mahiyaing keyboardist ng grupo na si Ygo. Ang nakangiting kumakaway sa mga tao sa paligid ay ang main guitarist na si Mario, ang pinakabata at pinakamakulit sa lima. Ang sumasaway namang lalaki sa bunso ng grupo ay si Duke, ang drummer ng banda. Ngunit hindi napansin ni Eris ang taglay na kagwapuhan ng apat na naunang mga lalaki dahil ang buong pansin niya ay nasa pinakahuling pumasok sa ballroom. Si Sebastian Grayson Conmigo o mas kilala sa pangalang Gray, ang bahista ng grupo. Ang kanyang agenda sa plano.

"This is it, Eris." Bulong nya sa sarili. "Ito na ang huling pagkakataon mong maging masaya." Humugot muna ng malalim na hininga ang dalaga bago lumakad papunta sa kanyang pwesto habang hindi inaalis ang paningin kay Gray.

Muling inalala ni Eris ang plano nya at ng apat na bagong tuklas na mga kaibigan, ang makapiling kahit isang gabi lang ang bawat miyembro ng banda.

Pero para sa kanya, ang gabing ito ay higit pa sa pagtupad ng pantasya ng isang fangirl. Ito ang huling pagkakataon nyang maging malaya bago sya ipakasal ng ama sa lalaking napili nito para sa kanya at para sa hotel.

Pag-aari ng pamilya ni Eris ang Hotel Del Celeste at nitong nakaraang linggo lamang ay sinabi ng ama ang plano para sa hotel. Balak ng ama na i-merge ang hotel sa isang malaking kumpanya upang mas lalo itong lumago. Ngunit hindi lamang ang hotel ang balak nitong i-merge. Kasama sya sa balak nito. Ipapakasal sya sa anak ng may-ari ng kumpanyang hindi nya alam kung sino at ano upang ng sa ganon ay hindi pa rin maalis sa pamilya ang hotel.

Umiyak sya at nagmakaawa sa ama. Sinabing kaya nyang patakbuhin ang hotel ng mag-isa ngunit walang nagawa ang kayang pagsusumamo. Buo na ang pasya ng kanyang ama at wala ng makapagpapabago pa dito.

Kaya't ngayong gabi ang una at huling nyang pagrerebelde. Tapos na syang maging mabait at masunuring anak. Ngayong gabi, sya muna si Eris. Isang babaeng naghahangad ng pagibig at pagkalimot, kahit isang gabi lang.

Naupo si Eris sa bar stool at umorder ng orange juice. Muling hinanap ng tingin ang lalaking panandaliang nawala sa kanyang paningin. Nahanap nya ito sa gilid ng entablado na may kausap na matandang lalaki. Halata sa mukha ng binata ang pagkabagot sa nagaganap na usapan. Maya maya pa'y sumulyap ito sa kanyang direksyon kaya't mabilis nyang nilihis ang tingin, sinadya nyang ipakita sa mukha ang pagkapahiya na nahuli sya nitong nakatitig dito. After all, it was part of the plan. Ilang sandali ang kanyang pinalipas bago muling tumingin sa binata. This time, Gray was no longer looking at the man he was speaking with. Nakatitig na si Gray sa kanya at hindi nito iniwas ang tingin ng pinagtaasan nya ito ng kilay. Ngumiti lamang ito at muling binaling ang tingin sa kausap.

Sebastian Grayson (GRAY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon