CHAPTER 2:
CONMIGO EMPIRE, 2018
"YOU'RE KIDDING." Hindi makapaniwalang sabi ni Gray matapos basahin ang last will and testament ng kanyang ama.
Tatlong buwan na ang nakakalipas ng pumanaw ito at ngayon lang nya binigyan ng oras ang pagbasa ng will. He thought he knew what the will said. Ngunit nagkamali sya. Nakalimutan nya na tuso nga pala ang ama at hanggang sa hukay ay gugustuhin pa rin nitong diktahan ang buhay nya.
"I'm afraid not." Wika ng abogadong halata ang simpatya sa binata. "Pinag-aralan ng mabuti ni Miguel ang clause na ito sa kanyang will."
"At kapag hindi ko nagawa ang lahat ng ito ay mawawala sa akin ang empire?" tanong nya sa abogado.
"That sums it up." Sagot ng assistant ng matandang abogado.
Ayon sa Last Will and Testament ng kanyang ama, kailangang magkaroon sya ng tagapagmana sa loob ng isang taon mula sa araw ng pagpanaw nito. Kung hindi matutupad ang kundisyong iyon ay isasapubliko ang Conmigo Empire. Ibebenta ang stocks nito at hindi sya maaaring bumuli ng kahit isang porsyento ng kumpanya. Mananatili syang CEO ng Conmigo Empire ngunit sa ilalim ng board. Ang lahat ng ari-arian ng kanyang ama ay mapupunta sa charity. Ang tanging matitira lamang sa kanya ay ang ancestral home at wala ng iba.
Napabuntunghinga na lamang si Gray. Iba talaga ang kanyang ama, mula pa noong bata sya ay puro na ito kundisyon kapag mayroon syang gustong makuha. Gray was the only child of a shipping magnate, Miguel Conmigo. After a very long discussion with his father, he got the blessing to strum his guitar provided that he'd be playing CEO too the moment his diploma was printed. And played CEO he did. He was getting executive calls in a middle of a concert. Papers to sign while rehearsing. Lahat ng iyon ay ginawa ng binata manatili lamang sa pagtugtog kasama ang matatalik nitong kaibigan.
"I'll have my lawyer check this." Wika ni Gray bago tumayo at kunin ang makapal na brown envelope sa mesa.
"Of course." Tugon ng abogado na hindi na-offend sa gustong gawin ni Gray. "I knew you would say that so go ahead and discuss it with your lawyer." Tumatangong sabi nito. "Its Ace, right?"
"Yes, si Ace ang lawyer ko." Pag-sangayon nya dito.
Si Ace ang bokalista ng bandang The Theory. Isang matalik na kaibigan ni Gray.
"I'll wait for his call then." Sabi ng abogado na nagsimula na ring tumayo upang umalis. "Good day, Gray." Bati nito sabay abot ng kamay.
Kinamayan ni Gray ang matandang abogado at hinatid sa pinto bago kinuha ang cellphone mula sa bulsa.
"Castello speaking." Wika sa kabilang linya pagkatapos ng pangalawang ring.
"Conmigo here." Balik ni Gray na nakangiti. Ito ang biruan ng kanilang grupo mula ng nag-disband ang The Theory. Bawat isa sa kanila ay may propesyon na hindi nila akalaing makukuha pa.
Tumawa na rin si Jared Alexander Castello o mas kilala sa tawag na Ace. "Hey Mr. CEO, long time, no talk."
"Well Mr. Lawyer, looks like I need your services." Sabi nya dito.
"Please don't tell me na nasa prisinto ka. Marami akong naka-sched na hearing, hindi kita mapupuntahan." Biro ni Ace.
"Parang mas magandang ideya yung sinabi mo kaysa sa tunay na dahilan ng pagtawag ko." Sabi ni Gray na nawala na sa boses ang pagbibiro.
"Okay . . . you sound dire." Nag-aalala na ring wika ni Ace."Do I need to call back up?"
"Please do." Sagot ni Gray dito. "Same time, same place." Dagdag nya na ang tinutukoy ay ang The Event, ang bar and resto ni Ygo, ang keyboardist ng The Theory na isa ring kaibigan.
BINABASA MO ANG
Sebastian Grayson (GRAY)
Romancefan·girl - ˈfanɡərl/ informal noun a female fan, especially one who is obsessive about comics, movies, music, or science fiction. Tila sumobra ang pagiging fangirl ni Eris Kay Sebastian Grayson, ang gwapong bahista ng The Theory na isang sikat na ro...