CHAPTER 3

2 0 0
                                    


CHAPTER 3:

NAPAIGTAD si Eris sa sinabi ni Gray. Hindi dahil sa pagkagulat kundi dahil sa tono ng pananalita nito and on the sudden flash of anger sa mata nito, may takot syang naramdaman sa presensya ni Gray.

"Gray, anong ginagawa mo dito?" tanong ni Eris nang maka-recover na sya.

"Didn't you get the memo?" tanong ng lalaki habang ipinagpatuloy ang pagtanggal ng butones ng dress shirt nito. "Surprise inspection."

"Ikaw? Nasa inyo ang Hotel Del Celeste?" hindi makapaniwalang tanong ni Eris.

Bago sya ikinasal noon kay Gray ay sinabi ng ama na may pumayag bumili sa kanilang hotel pero hindi sinabi ng ama ng kung sino ang nakabili ng hotel.

"Nope, wala sa empire ang hotel, Eris" sagot ni Gray na tuluyang ng hinubad ang dress shirt nito at inihagis sa pinakamalapit na upuan. "Nasa akin."

"What do you mean?" tanong ni Eris habang mabilis na bumaba ng malaking kama. "Anong nasa 'yo?"

"Hotel Del Celeste is under The Theory's Holdings." Paliwanag ni Gray na nagsimulang buksan ang butones ng pantalon nito.

"Hindi ko main . . . teka nga, anong ginagawa mo?" tanong ni Eris ng makitang naghuhubad na ng pantalon si Gray.

Nagtatakang tumingin sa sarili si Gray, nasa tuhod na nito ang pantalon. "Naghuhubad?"

"Bakit?' natatarantang balik tanong ni Eris. "I mean, bakit ka naghuhubad?"

"Matutulog na ako, Eris." Tumaas pa ang kilay nito. "I sleep nude, remember?"

"No, I don't." mabilis na sagot ni Eris. "Hindi natuloy, remember?" balik sagot nya sa lalaking itinuloy pa rin ang paghuhubad ng pantalon.

"Bakit parang may panghihiyang sa boses mo?" sabi ni Gray na naupo na sa kama.

"Wala." Naiinis na sagot nya. "Pwedeng sagutin mo muna yung tanong ko?"

Bumuntung hininga muna si Gray bago tumingin sa kanya. For some reason, the same electricity she felt back then crawled on her skin. Hindi nya alam kung anong iisipin sa intensity ng titig nito. But one thing was for sure, kahit anong hilingin nito ay ibibgay nya. Masakit mang isipin ay tila hindi nagbago ang pagtingin nya dito. Ito pa rin ang idolong minahal nya ng husto.

"I need your help." Sabi nito pagkalipas ng ilang sandaling katahimikan.

"My help?" takang tanong ni Eris. "What for?"

"I need your help to keep the empire." Sabi ni Gray, hindi pa rin inaalis ang pagtitig sa babaeng nagpabaliktad ng buong mundo nya.

"How can I help?" tanong ni Eris.

"I need you to keep being married to me." Sagot ni Gray.

"Wait . . . what?" nagulat na tanong ni Eris. "Hindi mo ba natanggap yung mga papel na pinadala ko sa'yo?" Ang tinutukoy nya ay ang annulment papers.

"My lawyer got it." Pag-amin ni Gray. "Listen, we'll get to that pero hindi pa ngayon." Dagdag paliwanag ni Gray. "Probably next year at the most."

"Anong nangyari at mawawala sayo ang empire?" tanong ni Eris. "Diba automatic na sayo mapupunta yon dahil ikaw lang ang anak ng papa mo?"

Gray sighed. "Ayon sa iniwang will ni papa, mawawala sa akin ang empire if I don't take my marriage seriously." Sagot nya na hindi makatingin kay Eris. Hindi nya pwedeng sabihin na anak talaga ang magiging susi ng lahat.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 30, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sebastian Grayson (GRAY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon