Chapter 10: Chivalry University

178 6 0
                                    


Naglalakad ako sa corridor ng eskwelahan. Lahat nakatingin. Namamangha sa akin ang mga kalalakihan.
Nagtataasan naman ang kilay ng mga kababaihan.

Taas noo akong naglakad. Wala akong ka pake pake sa kanila.

Habang naglalakad, nakita ko sa unahan ang mga kabataang nag-aaway..
TSS. Typical scenario.

Lalampasan ko na sana ang kagulahan ng biglang nasagi ako ng isang lalaki. And take note! Hindi ako natumba kundi SIYA!
Lampa.

"Hutttaa!"

Pagmumura niya.

"Bat ka nakaharang?!"

"..."

Dumeritso nalang ako. Wag na nating patulan ang mga bata. Haha.

"Hoy!! You can't leave me like this"

Humarap ako sa kanya gamit ang isang malamig na ekspresyon.

" ikaw ang naka bangga hindi ako"

Malamig Kong sabi.
At ng dahil dun, nanlikisik na tumingin siya sa akin.

"How dare you!"

Susuntukin niya sa sana ako sa mukha kaya ngalang, iniwas ko ito ng pasimple lang. Yung bang parang ulo lang ang iniwas. Tapos ang ibang parts ng katawan ay nanatili sa pwesto.

Suntok sa kaliwa, at tsaka parang binali pakanan ang ulo.
Suntok sa kanan, inihiga ang ulo sa kaliwa.

Suntok deritso sa mukha...

Tsaka ako yumuko at sinabing...

"Bow"

At ayun ang nagging hudyat para maghagalpakan sa tawa ang madla. Effortless na pag- Iwas.

Samantalang siya, ginamit na yata ang lahat ng enerhiya.

Sa bawat suntok niya, nakikita ko ang pag-angat ng inserted niyang polo.

Sa kaliwa tumaas
Sa kanan tumass.

At pagyuko ko, ay tuluyan ng naitaas ang kanyang polo ...
At doon, nakita ko ang brand ng kanyang brief.

GC.

When analyze, it simple means...

Gaisano Capital.

Cheap.

"Bakit mo naiiwasan?!"

"TSS"

"Hutangina! Anong klaseng babae ka!"

"Tss"

"Puro ka TSS! Ahas ka ba?!"

Oo.. Gusto ko sanang sabihin. Pero wag nalang. Hindi kasali sa misyon ko ang may cat fight ..

Pero di doon natatapos ang ginawa niya.

Ngayon sinipa niya ang kanang paa ko gamit ang kanang paa niya.

Itinaas ko lg ito.

Sipa sa kaliwa...

Itaass ang kaliwang paa.

"Hutta!"

Nagmumura na naman siya. Di matanggap na hindi niya ako matamaan.

at ng dahil doon... Tumalsik ang sapatos niya.

At nakita ko ang medyas niyang may butas .

Taghirap ba sa pilipinas?

"Urggghhhhhh!!!!"

Nagagalit niyang sigaw.

"Magbabayad ka!!"

Nanggigil niyang sabi habang dinuduro duro niya ako.

"Walang akong pera"

"You'll pay for this!"

" I dont have money"

"Huttaaa!!! Maghanda ka!"

"Always ready"

"Pagsisihan mong kinalaban mo ako!!!"

"Okay"

Then nag walk out ako. Pero ayaw yata akong tantanan nito.

Naramdaman ko ang kanyang kamay sa balikat ko na nais akong ipaharap sa kanya.  Pero di ako natinag.

Sa oras na nilapat niya ang kamay niya sa balikat ko, mayayanig ang katauhan niya

Hinila niya...

Walang nanyari... Nakatalikod parin ako.

Hinila niya ng mas malakas,

Nasa posisyon parin ako.

Ngayon, naramdaman ko ng dalawa na ang ginagamit niyang kamay..

Hinila niya. 

Wala paring nangyari.

"Huta!! HHooohhh! *hingal* b-bakit ang lakas mo?"

Ngunit di ko na siya sinagot.

Inulit na naman niya ...

Ngayon mas nilakasan niya pero wala parin talaga.

Para siyang bata na hinihila ang nanay dahil di pinayagang bilhin ang laruan.

Kung nasa lupa lang siguro kami, Malang may butas na to dito. Tapos lalagyan mo nalang ng halaman then tutubo na.

Halos mag slide na siya.

Tsk. Kawawang bata.

"Hoohh!! * hingal* t-teka... W-wait lang!"

Hingal na hingal siya. Parang hinabol ng dalawamput anim na aso. Haha!

Dapat di natin pag aksayahan ang mga tao na walang kwenta.

Naglakad na ko palayo.

Bahala siya.

~End of chapter 10~

Don't forget to vote, comment, share and follow! Thankies!

~Mariey_Chen

She's the Modern Medusa Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon