Kabanata 8 KAIBIGAN

400 18 0
                                    

Nandito ako ngayon kasama si
Sherryl at Emilio. Wala ngayon
si Julio at Macario dahil may
Pinagawa sa kanila ang supremo
sa Maynila.

"Ate Floresa lagi ba talagang nagsusulat si kuya Emilio?"
Tanong ni Sherryl.

At napatingin naman kami kay
Emilio ngayon na tahimik na nagsusulat. Napatango naman
ako sa kanya.

"Nakakatakot kasi siya eh, pagtitignan
niya ako para niya akong papatayin."
Natatakot na bulong ni Sherryl.

"Tara na nga sa loob, pabayaan
muna natin ang kuya Emilio mo
diyan." Sabi ko kay Sherryl at
umalis na kami.

Nandito kami ngayon ni Sherryl
sa kwarto at inaayusan niya ako
ng buhok.

Napansin ko ring maganda si Sherryl
makinis ang mga balat nito at hindi
siya masyadong maputi yung tama
lang. Mahaba din ang mga buhok nito
at kissable din yung lip color niya.

"Ayan Ate Floresa, ayos na yung buhok mo." Sabi niya sa'kin nakita
ko namang naka-braid na yung
hair ko at mas gumanda pa'yun
nung nilagyan niya ito ng mga
flower clips.

"Salamat Sherryl." Sabi ko sa kanya
naiingit nga ako sa name niya eh
Sherryl ang ganda pang millenial

"Walang anuman po." Sagot niya.
Umupo naman siya sa harapan ko
at tumingin sa bintana sa kwarto.

"Alam mo ate, ang swerte mo madami
kang kaibigan kagaya ni kuya Emilio,
Macario, Julio pati narin ang Supremo." sabi niya. Napatingin naman ako sa kanya.

"Wala akong naging kaibigan simula
nung bata pa ako. Tanging mga magulang ko lamang ang kalaro
ko." Dagdag niya. Nakita ko ring
may namumuong luha sa mata
niya.

"Kaya nung pinatay sila... Wala na..
hindi na ako' naging masaya." At
dun tuluyan ng tumulo ang luha
niya. Hinawakan ko naman yung
balikat niya at niyakap ko siya.

Nakakalungkot kasi hindi magiging
ganito kalungkot ang buhay ni Sherryl kung hindi dahil sa mga
Kastila.

"Wag kang malungkot Sherryl nandito
kami para sa iyo. Hindi ka namin
iiwan." Paniniguro ko sa kanya pero
maraming kong tumango lang siya.

Nakatulog ng dahil sa kakaiyak si
Sherryl. Grabe ang bata niya pa
pero ganito ang naging buhay niya.
Kinumutan ko siya at umalis muna
sa kwarto upang makalanghap ng
sariling hangin.

"Oh, Floresa narito ka pala." Sabi ni
Supremo nung makababa ako.

"Ah, opo pinatulog ko lang po si
Sherryl. Iyak po kasi siya ng iyak."
Sabi ko sa kanya. "Bakit hija anong
nangyari kay Sherryl?" Tanong niya.

Nandito kami ngayon sa sala at
sinabi ko sa kanya ang lahat ng
sinabi sa'kin ni Sherryl.

"Mga walanghiyang Kastila talaga
iyan! Ng dahil sa kanila hindi
magiging gano'n ang buhay ni Sherryl." Galit na tugon ni Supremo.

Napatihimik rin kami saglit ngayon
ko lang nakita ang seryosong mukha
ng isang Andres Bonifacio.

Nakakatakot promise ➡😯😯

Mamaya-maya ay may inabot sa'kin
si Supremo na isang punyal.

"Ayan nga pala ang punyal mo Floresa
lahat kaming kasapi ng katipunan ay
may punyal at may palatandaan."
Paliwanag ni Supremo. Binuksan
ko naman yung cover nung punyal
at namangha ako nung may nakita
akong bulaklak na nakaukit du'n.

"Ang ganda naman po nito." Proud
kong sabi habang tinitingnan ko
yung punyal.

"Si julio ang nag-ukit ng sampaguita,
at siya rin ang gumawa niyan." Sabi
ni Supremo. At dahil du'n nanlaki ang mga mata ko.

A Love Since 1890. (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon