Kabanata 1

210 2 0
                                    

Kabanata 1: Buhay-buhay


HALOS umusok ang aking ilong sa eksenang nadatnan - dalawang taong hubo't hubad na naghahalikan sa kama ko ang agad na bumungad pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa bahay.

"Anak ng pating naman kayo, Ico! Ano 'yang ginagawa n'yo?" singhal ko sa onse anyos na batang lalaki at sa kasama niyang dalagita na sa tingin ko ay matanda ng tatlong taon sa huli.

"Ate Magda!" nanlalaking matang sigaw nito, "Magpapaliwanag ako," dagdag nito. Tumingin ako doon sa babae na naabutan kong nagbibihis na.

Naka-pameywang akong humarap kay Ico, "Ikaw bata ka, ang bata-bata mo pa, lumalandi ka na," piningot ko ang tainga nito sa kahalayang ginawa.

"Aray ko! Ate naman!"

"H'wag mo 'kong ma-ate-ate  naman d'yan ha!" bumaling ako doon sa dalagita, "At ikaw naman, lumabas ka na sa pamamahay ko. Labas!" kumaripas agad ito ng takbo.

Wala sa sariling napahilot ako sa 'king sentido.

"Ico naman, tutuliin ka pa nga lang sa susunod na linggo, kumikereng-keng ka na agad. At ang lakas ng loob mong ipakita 'yang supot mong kargada doon sa babaeng kakaregla pa lang," nabwi-bwisit kong sermon sa batang lalaking ngayon ay nakayukong bubulong-bulong.

"E kung sinagot mo ako? E 'di sana ikaw 'yong kahalikan ko," bulong nito na abot sa 'king pandinig.

"Hoy! Patuli ka muna, boy!" sabi ko sabay batok dito.

"Aray!"

Lagot! Napa-sobra ata sa lakas ang pagbatok ko.

"Hala, Ico, sorry!" hinging paumanhin ko rito. Nakasimangot itong tumalikod at padabog na umalis sa bahay.

Hay! Galit na naman ang baby Ico namin.

***

Naalimpungatan ako nang may marinig na sigawan sa labas ng bahay. Siguro nag-aaway na naman sila Aling Rita at Aling Osang. Ang dalawang matandang iyon ay ang dakilang tsismosa sa lugar namin at kahit kailan ay hindi magkasundo ang mga ito.

Sumilip ako sa bintana upang makita kung ano ba talaga ang ingay na 'yon.

"Aba naman, Osang! Iyang anak mong malandi ay pagsabi-sabihan mo na layuan si Bert ko!"

"Ang kapal mo naman! Hoy, Rita, para sabihin ko sa 'yo na 'yang kinakalantari mo ang buntot nang buntot na parang aso sa anak ko," saad ni Aling Osang na namumula na ngayon sa galit, "At 'wag mo ngang matawag na Bert ang ulol na 'yon dahil kahit na anong itawag mo do'n sa gunggong na 'yon ay hindi na babango ang pangalan ni Berto," mataray na dagdag nito.

Si Berto ay ang kinakasama ngayon ni Aling Rita. Kalahati ng edad ng huli ang tanda nito kay Berto. He's one of the certified tambays  here in our place. Walang ibang ginawa kung 'di ang uminom at manigarilyo. Maganda si Aling Rita na tingin ko noong kabataan niya ay laman siya ng pantasya ng mga kalalakihan dahil sa taglay nitong alindog at kahit na may edad na 'to ay may asim pa s'ya. Ang swerte na rin ni Berto dahil bukod sa may asim pa si Aling Rita ay ito rin ang nagpapakain sa mga anak nito. Dahil nga sa biyuda na at malalaki na ang mga anak at may mga sariling pamilya ay wala itong nagawa kung 'di ang suportahan na lang din ang mga anak ng kinakasama.

"Ang kapal naman ng mukha mo para sabihing sunod nang sunod si Bert d'yan sa malandi mong anak. E ano 'yong nabasa kong palitan nila ng messages sa FB? At ang pag-se-send ng mga hubad na litrato ng de pungas mong anak kay Bert," labas na ang litid nito kakasigaw.

"Hoy! Hindi gan'yan ang anak kong gaga ka. Retokada!" ganting sigaw naman ni Aling Osang. Kung sabagay 'di rin nito maiiwasang mainggit dahil higit na may ibubuga si Aling Rita kaysa dito.

Ang Bayarang Babae - MAGDA (R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon