Kabanata 2

175 2 1
                                    

Warning: SPG!

Kabanata 2: Ang pagsayaw ni Magda


ISANG oras na 'kong naghihintay rito sa kanto ng España, tutubuan na 'ko ng ugat ngunit ni-anino ng lalaking tumawag sa 'kin kagabi ay 'di ko mahagilap.

Alas diez ng gabi nang may tumawag — 'di rehistradong numero sa 'king cellphone, "Good Evening," pang-bungad na bati ng nasa kabilang linya. Malagom ang boses nito — lalaking-lalaki.

"Sino 'to?" Bastos man ang isipin nito dahil sa hindi ko pagbati ay wala akong paki. Sino bang tanga ang tatawag dis-oras ng gabi?

"I'm Walter. May I speak with Magda?" Kunot-noo akong tumitig sa kawalan. Ba't ako hinahanap ng estrangherong ito?

"Ako si Magda. Bakit? Anong kailangan mo?" tugon ko rito.

"Alas onse ng umaga, magkita tayo sa kanto ng España-Lacson." Napabalikwas ako ng higa nang marinig ang sagot nito.

"Ano ako hibang?" matinis kong sigaw sa kausap. Nawala ang antok ko dahil dito.

"I bring no harm. Don't worry," rinig ko ang mahina nitong pagtawa.

"Hindi. Hindi ako pupunta," mariin kong tanggi.

"Please say yes," mahinahong pakiusap nito, "this is about your foster father. Matagal mo na s'yang hinahanap, hindi ba?" Nanlalaking matang binuksan ko ang ilaw. Tinignan ko nang ilang ulit ang numerong katawagan ko.

"Kilala mo ang tatay ko? Pa'no m--"

"I will answer all your queries tomorrow. 11 a.m. sharp, okay?"

"Ano ba ta--"

"See you tomorrow! Don't forget, do'n sa kanto ng España-Lacson tayo magkita," mapaglaro nitong paalala.

Hindi ko alam kung ba't ko sinunod ang utos ng gagong estrangherong iyon na makipagkita ngayong walang kasiguraduhang magpapakita ang gago o 'di naman kaya ay nanloloko lang pala ito.

"Masyado talaga akong uto-uto!" malakas kong bigkas. May iilang dumaraan ang napapatingin sa 'kin. May narinig pa 'kong nagsabi ng "baliw".

Napanguso ako nang lumipas ang sampung minuto kong palugid kung darating nga ba ang lalaki o hindi. Luminga-linga ako sa paligid at tinignan kung may lalaking naghihintay. Ang sabi no'ng lalaki sa text niya kaninang alas nuebe y medya ay nakasuot daw s'ya ng maroon polo shirt. Bigo akong makakita ng lalaking may suot ng ganoon.  Napag-desisyunan ko nang umalis at sumakay ng dyip papuntang Quiapo. Isi-simba ko na lang ang pagkaasar ko sa estranghero.

"Oh, anong klaseng mukha 'yan? Ba't ka nakabusangot d'yan?" tanong sa 'kin ni Nay Myrna nang aksidente ko siyang makita papasok ng simbahan.

"Wala, Nay, naiirita lang ako sa init," pagsisinungaling ko.

"Gano'n ba? O s'ya, magsimba na tayo."

Mataman akong nakikinig sa sermon nang may kumalabit sa 'kin sa tagiliran.

"Miss, may nakaupo ba d'yan?" turo ng isang babae sa tabing pwesto ko. Ngumiti ako rito at umiling.

"Oh, great! Can I sit there?" tanong nito. Matamis na ngiti ang iginawad ko rito bago sumagot, "Oo naman."

"Thanks!" she beamed happily.

Ipinokus ko na lang ang paningin sa harap ng altar ngunit hindi ko pa rin maiwasang ibaling ang atensiyon sa katabing babae. Nakakahalina ang bango nito. I wonder what perfume she used. I bet it's expensive — expensive as her... shoes!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 11, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Bayarang Babae - MAGDA (R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon