Prologue

85 5 0
                                    

Arie's POV

Medyo makulimlim na at maggagabi na rin. Tila nakikisama sa akin ang panahon.

Handa na ba ako sa gagawin kong 'to? Kakayanin ko ba? Gusto ko nang wakasan 'tong sakit na 'to.

Nandito ako sa rooftop ng 15-storey hotel building na pagmamay-ari ng pamilya namin.

Matagal ko nang binalak at pinagplanuhan ito. Kaya alam kong ito lang ang sagot para matigil na ang sakit na nararamdaman ko.

Nanlalabo na ang paningin ko dahil tuluy-tuloy ang pagpatak ng mga luha mula sa mga mata ko. Masakit na rin ang ulo ko. One more step and I will fall off the building.

Huminga ako nang malalim at kinalma ang aking sarili. Sabay nito ang pagtigil ng pag-agos ng mga luha ko sa pisngi ko.

I smiled. This is the best decision I've ever made.

"Who the hell are you?" dinig kong tanong ng isang lalaking hindi ko alam kung sino dahil nasa likod ko siya.

Unti-unti ko siyang nilingon. At nagulat ako na may hawak siyang bote ng alak. At halatang lasing na siya dahil sa itsura niya.

Gusot-gusot na damit.

Magulo ang buhok.

Malusog na eye bags.

Mapupungay na mga mata.

Mapulang mga labi.

Tiyak na may pinagdadaanan ito katulad ko. Pero nagulat ako nang bigla siyang nawalan ng balanse at bumagsak sa sahig.

Nanlalaking mga mata ko siyang tinignan. What the heck?! Nawalan siya ng malay!

"Hey! Heeeey!" sigaw ko pa.

Agad akong bumaba sa sinasampahan ko at lumapit sa kaniya. Namumula na siya, hindi ko alam kung dahil sa alak o kung ano.

I get my phone in my pocket. I immediately dialed for emergency call.

"Hello?! Hello?! Help us. May nawalan ng malay dito! Please. Okay. Wait. Uhhhhm, Monteverde Hotel. Rooftop, Miss! Thank you!" nagpapanic kong tawag sa mga rescue.

"Mister?! Are you ok?" tanong ko habang tinatapik tapik siya sa pisngi. Hindi ko alam ang gagawin ko. Masyadong mabilis ang pangyayari.

After a minute or two, ay bumukas ang pinto sa rooftop at lumabas ang mga rescuers na may dalang first aid kit at stretcher.

They did something that I didn't know. The guy was fine, thank God! Nakahinga ako nang maluwag sa nalaman ko.

"Take care of him!" sigaw ko sa mga rescuer.

"Yes, Ma'am!" responde nila sa akin at ibiniba na ang lalaki para madala sa ospital.

"Ma'am, kaano-ano po kayo ng lalaking iyon?" pagtatanong sa akin nung babaeng nakadamit din na pang rescue at may hawak siyang booklet at ballpen. Hinihintay niya lang akong sumagot.

"H-hindi ko siya kilala." sabi ko. Totoo naman eh. Nakita ko na lang siya tapos bigla namang natumba.

"I see, thank you po! We'll check nalang po kung may dala siyang identification cards." sabi niya pa.

"Okay, you may go now. Thank you for quick response." I said sincerely.

Tinanguan niya na lang ako at sumunod sa mga kasama niya pang iba.

Tch, ano bang trip no'ng lalaking iyon?! Nakakapurwisyo siya! Inis akong bumaba ng building at sumakay sa kotse ko.

Kung kailan nandoon na tsaka pa napigilan. Hays. Magiging ok na sana eh.

Tss, wala akong balak na puntahan yung lalaking 'yon sa ospital. Manigas siya.

Wala na ako sa mood, tss. Naalala ko yung itsura niya. Hindi siya familiar. Matipunong pangangatawan, mabango kahit nakainom na, at... at... gwapo, may itsura.

Nag-drive na ko then I parked my car sa harap ng Gazillo Bar. Sa labas pa lang, dinig ko na ang sounds. I think I need a break, nakakapagod na araw.

"A-Arie?" tawag sa aking nung nasa likod ko. Pamilyar ang pangbabaeng boses niya.

"Antonette." pilit akong ngumiti sa kaniya. Tch, kung minamalas ka nga naman.

"Wow, wala ka pa ring pinagbago. Taong walwalera ka pa rin." taas-kilay niyang usal sa akin. Aba, mataray.

"Excuse me. I'm just passing by." kahit hindi. Ayoko lang dumami ang idadada nito. Tss.

"Oh, it seems not." she said with a smirk. Ang pangit mo, lalo na ng ugali mo. Bitch!

"I don't care and I don't give a fuck." tinalikudan ko siya at tsaka pumunta sa counter.

Agad akong nag-order. Psh, badtrip. Kung kailan lumalayo ako sa realidad may asungot pa rin.

She's Antonette Aureo. My ex-best friend. My mortal enemy in everything. Pero lamang ako sa kaniya. Dahil ako ang minahal nung mahal niya.

Kahit saglit lang, minahal niya ako.

Hays. Goodluck sa akin dito.

Basta Ako Masaya (A Sad Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon