Chapter 1

77 1 3
                                    

Arie's POV

Arghh. Ang sakit ng ulo ko. Sino ba naghawi ng kurtina?!

Ang init. Tanghali na dahil tirik na tirik na ang araw na nakasilip sa bintana ng kwarto ko. Hayyys.

Ang kalat ng kwarto ko. It's a big mess! Parang buhay ko. Napakagulo.

*knock knock*

Salubong ang kilay ko na makita ang madrasta ko. Yes, she's my stepmom. She's a monster, I really really mean it.

"Oh?! Ang alam namin ay uuwi ka nang maaga kahapon. 'Di mo naman sinabing uuwi ka pala nang umaga!" sarkastikong panenermon niya. Haha, kakatuwa.

"Can't you greet me a good morning first?" taas-kilay kong tugon sa kanya habang nakaupo sa kama.

"Aba. 'Di ka na talaga marunong gumalang?! Palibhasa 'yang nanay mo, iniwa---" putol na usal niya.

"Enough! Araw-araw nalang?! Sermon ka nang sermon, hindi naman ikaw yung mom ko! This is bullshit!" pagpuputol ko sa kaniya.

Kung galit siya, galit din ako. Ang kapal ng mukha. Puro pasosyal. Gold-digger. Bitch. Wala ng galang kung wala ng galang, eh hindi niya nga ginalang ang buong buhay kong nakasama siya sa ilalim ng iisang bubong!

Napatahimik siya at inirapan ako. Padabog niyang isinara ang pinto ng kwarto ko pagkalabas niya.

Lakas magwalk-out, 'di naman bagay sa kaniya.

*yawnnn*

Time to fix my bed.

Bago ko ayusin ang aking kama at gamit na nagkalat sa sahig ay nagbanat banat muna ako ng buto.

Masaya sana ang bawat umaga ko kung ikaw ang unang bubungad sa simula ng araw ko.

Napatigil ako sa naisip ko. Gan'to na lang ba talaga ako? Ang bigat lagi ng pakiramdam ko. Sinimulan ko na ang pag-aayos ng kama ko at ng kwarto ko.

After that, I went to my bathroom at dumiretso sa sink. I did my morning rituals and it took me half of an hour.

Nakakawalang-gana kumain 'pag ang madrasta ko ang nakakasama ko. Naaasiwa ako mukha niya.

"Hi, Mom!" sigaw ni Coryn pababa ng hagdan. Ang aga aga sigaw naman ng sigaw.

"Hi din, Ate Arie." mahinang bati niya rin sa akin. Ramdam na ramdam ko ang awkwardness at pagkailang.

She is Corynley Monteverde, my half-sister. Kapatid ko sa dad ko.

Kung ano ang ikinabuti ni Coryn ay ayon naman ang ikinasama ng budhi ni Tita Rina. Nanay niya ba talaga 'yon? Psh.

"Good morning din. How was your sleep?" pagbati ko sa kaniya no'ng nakaupo na siya.

"Ang ganda ng tulog ko, kaya ang ganda din ng mood ko. Ang gaan sa pakira---!" masayang tugon niya pero yung nanay niyang atrimitida ay biglang padabog na tumayo at umalis.

This is your second time of walking out. Tss. Ayaw niya kasing nagdididikit si Coryn sa akin.

"Sorry for that..." nakayuko niyang pagpapaumanhin sa akin.

"I'm used to it. Kaya kumain ka na. Alis tayo later, okay?" sabi ko bago isubo ang natitirang pagkain sa plato ko.

Parang nagliwanag ang mukha niya at tila kumikinang ang mga mata niya no'ng narinig niya ang mga sinabi ko.

"Really?! Yeyyy! Katokin mo ko sa kwarto 'pag aalis na tayo ah?" parang bata niyang tugon sa akin. Halata sa mga ngiti at galaw niya ang excitement.

Poor Coryn. Naaawa ako sa kaniya dahil hindi man lang siya nakakalabas labas sa bahay na 'to. Masyadong strikto ang nanay niya. 'Di ko na lang alam kung dadating 'yong araw na magrebelde 'tong anak niya. Tss.

"Sure, eat your breakfast na. Sa labas na tayo mag-lunch and merienda." sabi ko sa kaniya at tuluyan nang umalis sa dining room.

Tumuloy na ako sa kwarto ko at napansin ko ang photo album sa may ilalim ng kama ko. Pinulot ko ito sa ilalim.

Binuksan ko ito at may mga nahulog na litrato sa sahig. At nakita ko ang mga ala ala namin.

Parang huminto ang oras. The deafening silence made me feel that I'm alone. Ang mga litrato namin noon ang nakita ko sa sahig.

Tuluyang tumulo ang mga mainit na likido mula sa mata ko. Nanghihina ako. Nanginginig ang mga kamay kong pinulot ito at muling iniipit sa photo album.

Hindi ko kayang tignan. Ang sakit lang na ang mga litratong iyon ay nakunan sa mga mahahalagang araw sa buhay ko.

Litratong nakaluhod siya sa harap ko at may hawak na singsing. That was the night when he asked me kung pwede niya ba akong maging nobya.

Litratong naka-couple shirt at matamis na nakangiti sa isa't-isa. The day kung kailan niya nabihag nang tuluyan ang puso ko.

Litratong nakatalikod kaming dalawa na nakatingin sa sunset. It was a silhouette. The day kung kailan ay pinaramdam niyang hindi na ako iiwanan ng mga taong mahal ko sa buhay.

At mga litratong kaming dalawa lamang ang naroon. Masaya. Puno ng pagmamahalan. Hindi mo hihilinging mawala pa siya sa buhay mo.

Siya ang kasiyahan ko. Siya ang kabaliwan ko. Siya ang mundo ko. At siya ang buhay ko.

Siya rin ang kalungkutan ko. Siya rin ang katangahan ko. Siya ang nagwasak ng mundo ko. Siya ang pumatay sa buhay ko.

Siya ang dahilan at siya rin ang epekto.

Siya ang may sala, ako ang pinarusahan.

Wala eh. Nagmahal lang naman ako. Wala namang mawawala.

At 'yon ang akala ko. Ako mismo ang nawala sa landas ng buhay ko. Ako ang nawala sa hulog. Ako ang nawala sa sarili kong direksiyon.

Nagmamadali akong pumasok sa banyo at naligo. Parang wala ako sa sariling kumikilos. Parang multong lumulutang. Sabaw na sabaw ang utak ko. Nanlalambot ang mga tuhod ko. Hays.

Lumabas ako ng banyo pagkatapos kong maligo at mag-ayos.

Magbibihis nalang ako. At aalis na kami ni Coryn. Simple lang ang suot ko. Black and white striped shirt and a ripped jeans. I also bring my sling bag.

And there you go. After kong magprepare ay kumatok na ako sa pinto ng kwarto ni Coryn.

"Tara na, Ate Arie! Excited ako. Shopping!" halata naman sa kaniya ang pagkasabik.

Napangiti ako sa inasta niya at hinigit ko ang kamay niya para hilahin na siya palabas sa bahay. At napahinto kami sa harap ng sasakyan ko.

"You'll drive. I won't tell it to Tita Rina. Alam kong gusto mo 'yon. HAHAHAHA." natawa ako dahil sa laki ng ngiti niya.

Ibinigay ko sa kaniya ang susi ng Rolls Royce's Sweptail ko. Bigay sa akin ni Papa two months ago nung nalugmok ako sa kalungkutan.

Umalis na kami ng bahay papuntang mall. Ang bilis magpatakbo ni Coryn kaya ganoon na lang kami kabilis makapunta ng mall.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 19, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Basta Ako Masaya (A Sad Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon