Four

75 1 0
                                    

#3 // Unexpected Surprises

"Fate is like a strange, unpopular restaurant filled with odd little waiters who bring you things you never asked for and don't always like."





Icelle's POV

Naginat inat ako habang humihikab. Nakaupo na lang ako sa edge ng kama habang nakatingin sa bintana. Malapit ng sumikat ang araw. Wala naman akong pasok ngayon dahil Sabado na.


Ginawa ko na ang morning ritual ko. Yung ligo chuchu na yan. Pagkatapos kong magtooth brush at lahat na, lumabas na ako sa bathroom at nagsimula ng magbihis. Kumuha ako ng pangalis na damit dahil gusto kong gumala kung saan saan ngayon. Ang suot ko ngayon ay shorts na katamtaman lang ang ikli. Di sya masyadong maiksi. Nagsuot din ako ng pink na polo at puting sando na fit, panloob.


Medyo wavy ang buhok ko kaya hinayaan ko nalang. Tumingin ako sa salamin at tinignan ang sarili ko. Di ako naglalagay ng kung anong make up dahil lip gloss lang ang nilalagay ko. Salamat naman at di muna ako maglalagay ng disguise ko.


Nagsapatos na ako at lumabas na ako sa kwarto. Dumiretso naman ako sa kusina para magluto ng omelet. Nung naluto na, naghain ako ng isang platong may laman nang kanin sa lamesa at nilagay na din ang omelet sa plato ko.


Susubo na sana ako ng biglang narinig ko ang cellphone kong nagriring. Istorbo naman sa pagkain eh. Wala akong buhay na tumayo at naglakad sa may sala at kinuha ang cellphone ko para sagutin ito.



"HELLO!?" Pasigaw kong pagsagot. Nakakainis naman kasi eh.

[ Ay, galit? Hi Morisse! ]

"Lea? Tsk. Istorbo ka talaga sa buhay ko. At wag mo akong matawag na Morisse."

[ Nakakatampo ah. Sila Mom at Dad pwede pero akong anak nila di pwede? You don't do that to me! ] Pustahan tayo na nakapout 'to. Umirap nalang ako sa kawalan sa mga pinagsasabi nya.

"Alam mo, wag mo nga akong dramahan dyan. Ano bang kailangan mo dahil dapat kumakain na ako ngayon pero umepal ka eh."

[ Wala lang. Sige bye! I love you. See you soon best friend kong ubod ng sungit. ]

"Aba't langya 'to-" Napabuntong hininga nalang ako ng ibinaba nya ang tawag. Yung totoo? Ako ata ang dapat magsabi ng 'You don 't do that to me' eh.




Padabog akong bumalik sa lamesa at nagumpisa nang kumain na di natuloy kanina. Pagkatapos kong kumain at maghugas ng pinggan, lumabas na ako sa bahay para pumasyal.



Habang naglalakad ako, may mga tumitingin sakin o napapalingon. Ano naman problema ng mga 'to? Nagkibit balikat lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Pagkatapos ng ilang minuto, nasa harapan na ako ng mall. Pumasok ako sa loob at namangha sa loob. Ang rami kasing mga boutique. Ngayon lang din ako nakapunta dito.



Kagaya ng kanina, ang raming tumitingin sakin. Ano ba meron? Sa pagkakaalam ko naman wala akong dumi sa mukha at ayos naman ang suot ko ah. Tumingin ako sa likod ko pero wala naman akong nakikitang tao na pwede nilang pagtinginan. Nagkibit balikat nalang ako at nagpatuloy ulit sa paglalakad.




Papasok na sana ako sa isang store ng may humila sakin. Kumunot noo ko at napalingon sa nanghila sakin. Bahagya namang nanlaki mga mata ko, pero napalitan agad yun ng simangot at matalim na tingin. "Woah there hot head. Wag ka munang mainis."



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 18, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Song Without A Title (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon