Chapter Two

13.1K 464 15
                                    

"Hey," nilapitan ako ni Alec.

Nahinto kasi ako sa paglalakad dahil sumakit na 'yong mga paa ko sa suot na heels. Tumigil narin sila Lolo at 'yong kasama niya para balikan kami.

Tumango ako. "I'm fine. Huhubarin ko nalang siguro 'tong sapatos ko."

"Mukhang galing pa kayo sa isang salu salo?" puna ni Lolo marahil sa suot at ayos namin ni Alec.

Tumango ako. "Opo." and it's actually my birthday...

"Here." nilahad ni Alec ang kanyang likod.

Agad akong umiling. "H-Hindi na..."

"Come on." medyo naiinip niyang pilit sa akin.

Kinagat ko nalang ang ibabang labi at dahan dahang lumapit sa likod niya. Napangiti sa amin 'yong dalawa. We resumed walking and the whole time I was conscious kung nabibigatan na ba siya. Ngunit parang hindi naman niya iniinda ang pagpasan sa akin.

"Galing kaming bayan para magbenta ng mga pananim na gulay at prutas. Hapon na nang makarating doon kaya ito at ginabi ng uwi." ani Lolo.

Napatango tango ako sa sinabi nito. They must be farmers, then?

Medyo may kalayuan pa nga 'yong sinabi nilang baryo. At noong makarating na kami doon ay bumungad sa akin ang isang maliit na pamayanan. Sarado na ang mga bahay na gawa sa kawayan at nipa. Ngayon lang yata ako nakakita ng isang bahay kubo in person. Ganoon ang mga bahay na narito.

"Dito na po ako, 'Tang." paalam sa amin ng nakilala kong si Edwin.

Tumango sa kanya si Lolo. Binaba narin ako ni Alec at sumunod na kami sa matanda patungo sa isang bahay na medyo nasa dulo. Kumatok ito sa pinto at ilang sandali ay pinagbuksan kami ng isang Lola.

"Lydia, ihanda mo ang isang kuwarto at may mga bisita tayo." salubong ni Lolo rito tapos ay bumaling siya sa amin ni Alec. "Ito ang asawa kong si Lydia." pakilala niya.

Ngumiti sa amin 'yong matandang babae at tumuloy na kami sa loob ng maliit na bahay. I've noticed that they don't have electricity here at gumagamit lamang sila ng mga lampara.

"Good evening po." I politely greeted the old woman.

"Nako, magandang gabi din sa inyo." she kindly greeted us back.

"Nakita namin sila sa daan pauwi. May sira yata 'yong dala nilang sasakyan." Lolo Manuel explained to his wife.

Tumango ito sa kanyang asawa at bumaling sa amin. "Mabuti naman at napili ninyong sumama muna sa Lolo Manuel n'yo. At malalim na ang gabi." she said and let us sit sa isang kawayang sofa na naroon sa maliit nilang sala. "Taga Maynila pa kayo?"

"Opo." Alec who was beside me answered.

Pumasok muna sa isang silid si Lola. Bale may dalawang kuwarto sila doon.

"Nakapaghapunan na ba kayo?" habol ni Lola habang papasok doon.

Bumaling ako kay Alec at tumango naman siya. Nakakain narin ako ng dinner kanina sa party. "Opo Lola, nakakain na po kami. Salamat." I said.

"Alam kong wala kayong dalang damit. Kaya gamitin mo nalang muna ito, hijo." Lolo Manuel handed Alec some clothes. Bumaling siya sa akin. "Siguradong magkakasya din naman sa 'yo ang mga damit ng Lola Lydia mo." ngumiti ang matanda sa akin.

I returned his smile. Ngayon palang ay nakikita ko ng mabubuti silang tao.

"Salamat po." Alec thanked the old man. Ngumiti lang ito sa kanya.

"Handa na ang kuwarto. Tingin ko naman ay magkasintahan kayo kaya ayos lang sigurong magtatabi kayo sa isang silid?" ani Lola noong muli siyang makalabas mula sa silid na mukhang hinanda niya para sa amin.

I felt my cheeks heated at her word. Magkasintahan? 'Di ba ang ibig sabihin no'n ay magboyfriend at girlfriend. Unti unti akong tumango sa kay Lola na unti unti rin napangiti. Ayos lang. Nakakahiya naman kung magdedemand pa kami ng isa pang kuwarto. Kami na nga itong nakituloy lang. Bumaling ako kay Alec at naabutan siyang nakatingin din sa akin. Bigla akong nakaramdam ng awkwardness kaya napaiwas nalang ako sa kanya ng tingin. 

"Siya, magpahinga na kayo at siguradong maaga pa ang punta n'yo bukas sa talyer, Manuel?" kinausap na nito ang kaniyang asawa.

Pumasok na kami ni Alec doon sa silid. We were both silent. Kinatok kami saglit ni Lola para ibigay 'yong damit na pwede kong suutin. Ngpasalamat ako at muli ng sinarado ang kahoy na pinto.

"Uh," tumingin ako kay Alec habang hawak 'yong mga damit.

He nodded and got out of the room para makapagbihis na ako. Habang nagbibihis ay naririnig ko ang usapan ng tatlo sa labas. They talked about going to the car repair early morning tomorrow. Pagkatapos ay nahiga na ako sa kama at hinintay nalang si Alec. He entered the room after a while. Wala narin akong naririnig na usapan sa labas at mukhang pumasok na sa kuwarto nila sila Lolo Manuel at Lola Lydia.

Naipikit ko nalang ang mga mata nang magsimula siyang magbihis sa harap ko. I heard his low chuckle. Uminit ang pisngi ko. Matapos ang ilang sandali ay unti unti rin akong nagmulat at nakita siyang nakabihis na. Kinuha niya sa tabi ko ang isang unan at nagsimulang ilagay 'yon sa lapag. Agad akong napabangon.

"Dito ka nalang sa kama. Kasya naman tayo dito." I said, concerned.

Umiling siya at sinabing ayos lang siya doon sa baba. Nahiga na siya doon. Bumuntong hininga nalang ako at wala ng nagawa. Nahiga akong muli sa kamang gawa rin sa kawayan at pinikit ang mga mata.

Sa kalagitnaan ng pagtulog ay nagising ako. Nahirapan na akong matulog kaya bumangon ako. Nagising ko yata si Alec at bumangon narin siya to check on me.

Bahagya akong ngumiwi. "I can't sleep. Sobrang init." amin ko. Sinubukan kong punasan ang namuong pawis sa aking noo.

Alec tried to open the room's window para makapasok raw ang hangin. But I stopped him dahil natatakot ako. Paano kung kagaya sa napanood kong isang filipino horror movie ay may pumasok na aswang sa may kalakihang bintanang 'yan.

He just laughed a bit at my reason. Sumimangot ako. Pero hindi niya na tinuloy ang pagbubukas n'on. Sa halip ay naghanap siya ng pwedeng maipamaypay doon at lumapit sa akin. Naupo siya sa gilid ng kama and started fanning me. Medyo nagulat ako sa ginawa niya.

"Sige na. You go back to sleep now, papaypayan kita." he said, smiling a bit.

Umawang ang labi ko ngunit unti unti rin sinunod ang sinabi niya. Nahiga akong muli doon at nagpatuloy siyang mapaypayan ako. I then closed my eyes at sa pagod siguro sa mahabang gabi ay agad na akong nahila ng antok.

Naisip ko pa sila Mommy at Daddy. For sure ay nalaman na nila ngayong nawawala ako. At sigurado rin na sobra na silang nag-aalala para sa akin. Mom and Dad... huwag na po kayong mag-aalala sa akin. Nakawala na ako sa mga kidnappers na 'yon and is now safe here. May nagligtas po sa akin. Niligtas ako nitong lalaking nasa tabi ko ngayon at pinapaypayan ako para makatulog ng maayos at mahimbing.

Perfectly ImperfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon