Chapter One

16.6K 465 13
                                    

"Are you okay?" hinihingal pa niyang unang tinanong sa akin.

"W-Where are they?" not that I'm concerned with those kidnappers but I was just curious. Nakarinig ako ng palitan ng putok ng baril kanina.

Masyadong naging mabilis ang pangyayari. He shook his head at hinawakan ang braso ko. Napatingin ako sa kamay niyang humawak sa akin.

"Let's go." he said and dragged me out of the car.

Nagmamadali niya akong hinila patungo sa isa pang sasakyan na tingin ko'y sa kanya. Nadaanan namin 'yong mga kidnappers ko na halos humandusay sa sementadong kalsada. Napasinghap ako when I saw blood on their legs and arm.

Mabilis niya akong pinasok sa kanyang sasakyan at kinabitan ng seatbelt. Pagkatapos ay umikot naman siya papasok sa driver's seat. He started the car's engine and drove off.

"What happened to them?" halos mataranta kong baling sa kanyang nagmamaneho.

Sumulyap siya sa akin. "Obviously I shot them." he said na parang wala lang.

My mouth formed into an O. "Y-You killed them?!"

"I didn't." sabay sulyap niya sa sideview mirror ng sasakyan. "Damn it."

Napatingin narin ako sa likuran namin and I saw my kidnappers' car na nakasunod na sa amin. My eyes widened.

"Oh my gosh!" singhap ko. "They're still alive! At sinusundan nila tayo. I don't want to die yet!" I panicked. "What should we do?!"

"You'll really die if you won't shut up." may bahid ng pagkairita niyang sinabi sa akin. His eyes were focused on the road at pabilis pa lalo ng pabilis ang takbo ng sinasakyan namin. "I'm driving kaya tumahimik ka nalang muna so that I could focus." he said.

Huminga ako at nanahimik nalang sa kinauupuan. Napasigaw lang ako at agad napatakip sa tainga nang makarinig ng putok ng baril. Pinapatukan kami no'ng mga kidnappers ko!

"Oh God! Ayoko pa po mamatay. Please help us!" nakatakip parin ang mga palad ko sa aking tainga and my eyes were shut tight.

"Hawakan mo muna 'tong manibela." he said.

"H-Huh?" nataranta ako. "I don't know how to drive!"

"Just fucking hold it!" he said in a hurry.

Napalunok ako at nanginginig ang mga kamay na humawak sa steering wheel. Nakita ko ang pagkasa niya ng baril. Nagugulat parin ako sa mga nangyayari. And in a swift move ay nilabas niya sa bintana ng sasakyan ang halos kalahatid ng kanyang katawan. Tapos ay nakarinig muli ako ng isang putok ng baril galing sa kanya.

Muntik na kaming mabangga dahil hindi ako marunong humawak ng maayos sa manibela. Mabilis din siyang naupo muli sa driver's seat at bumalik sa pag-d-drive.

Buntong hininga akong napasandal sa aking seat. Nilingon ko 'yong sasakyang humahabol sa amin ngunit palayo na ito ng palayo sa paningin ko. Bumaling ako sa kanya. "You shot their tire?" singhap ko.

Hindi niya ako sinagot at focused lang siya sa daan. Pero mukhang gano'n na nga. Buntong hininga ko nalang binaling narin ang tingin sa dinadaanan namin. Lumalalim na ang gabi. At halos puro puno nalang ang nakikita ko sa magkabilang gilid ng daan. Tingin ko ay napalayo na kami sa city.

"Where are we?" I asked after a long while.

Sumulyap siya sa 'kin. "Check the GPS."

Napatingin ako sa cellphone niyang nakapatong sa dashboard. Kinuha ko iyon at agad hinanap kung nasaan na nga ba kami. His phone doesn't have a password and its wallpaper's just default. I'm not familiar to the place ngunit tingin ko ay tuluyan na nga kaming napalayo sa city...

Perfectly ImperfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon