Chapter Four

11.7K 421 18
                                    

Chapter Four

After lunch ay lumabas at umalis muli ang dalawang lalake. Nagpaalam na mangunguha ng kahoy panggatong si Lolo Manuel and Alec offered na samahan siya. Kaya habang wala sila I also helped Lola Lydia with the house chores.

"Halatang wala kang alam sa gawaing bahay." ngumiti si Lola sa akin.

Nakaramdam ako ng hiya sa sinabi nito. I tried doing the dishes at hinayaan naman niya ako. But I think hindi ko ito nagawa ng tama. "Sorry po."

Maagap niya akong inilingan. "Nako, wala kang dapat na ihingi ng paumanhin. Unang gabi mo palang dito ay nakita ko ng mukhang laki ka nga sa marangyang buhay. At siguradong may mga katulong kayo sa inyo."

I pursed my lips. She's right. But I'm also willing to learn. "Pwede n'yo po ba akong turuan, Lola? Gusto ko po matuto sa gawaing bahay." I told her honestly.

Ilang sandali pa siyang medyo nagulat sa gusto kong mangyari ngunit kalaunan ay napangiti rin. Then she started teaching me. She was patient. Nagsisikap naman akong matuto agad. And I think I'm doing it right already. Napapangiti ako sa aking sarili.

Nagwalis din ako sa buong kusina at sala. And I was enjoying what I'm doing. Nang medyo bumaba na ang mainit na sikat ng araw ay sumama naman ako kay Lola sa likod bahay kung saan may mga tanim siya doong gulay.

She also teached me how to do it sa kagustuhan ko rin matuto. Medyo mahirap at magbubungkal din ng lupa para makapagtanim ng saging. We also planted some sili and tomatoes seed. And the whole time I was really enjoying what we're doing.

"O, ayan na pala ang Lolo mo at si Alec."

Tumayo narin ako kagaya ni Lola at sumama sa kanyang maghugas na ng kamay. Pumasok kami muli sa loob ng bahay at gagawa raw ng meryenda sabi ni Lola. Naiiwan pa ang mga mata ko kay Alec na naglalagay ng mga nakuhang kahoy doon sa labas kasama si Lolo. Nang mag-angat siya ng tingin sa akin I immediately looked away. At nagmamadali ng sumunod kay Lola.

"Kumakain ka ba ng pritong saging?" Lola Lydia asked me habang tinatanggalan namin ng balat 'yong mga kinuhang saging mula sa puno nito kanina sa likod bahay.

I looked at her at agad na tumango. Though it was actually my first time na makakakain no'n. She started frying the bananas. May asukal din ito. Nang may may ilan ng naluto at nailagay sa lalagyan ay pinatikman sa akin 'yon ni Lola. Mainit pa kaya hinipan ko muna bago marahang kinagatan. Tumango ako kay Lola at nag-thumbs up nang malasahan ko na. It tastes good.

"Patapos na ito. Tawagin mo na si Alec at ang Lolo Manuel n'yo."

Sinunod ko ang sinabi ni Lola at muling lumabas sa may likod bahay. Nakasalubong ko si Lolo na papasok at inuhaw raw siya kaya iinom muna ng tubig.

"Handa narin po 'yong meryenda, Lolo." I told him pagkatapos tumango sa sinabi niya.

"Kung ganoon ay papasukin mo narin muna si Alec."

Muli akong tumango kay Lolo at tuluyan ng nakalabas sa likod. Bumungad sa akin ang topless na si Alec habang nagsisibak siya ng kahoy na gagamitin namin panggatong. Natigilan ako at ilang sandaling nanatili sa kinatatayuan. I felt myself gulped as I watched him sweating while doing it. Gumagalaw ang mga muscles niya sa braso sa pagsisibak. I gulped more. Nararamdaman ko rin ang unti unting pag-awang ng labi.

Ito yata ang unang beses na masilayan ko ang hubad niyang katawan. Even with his shirt on ay alam kong maganda ang kanyang pangangatawan. Ngunit hindi ko yata napaghandaan ang makita siyang ganito ka-hot sa aking harapan...

Halos mabuwal ako sa aking kinatatayuan when I saw him na nag-angat ng tingin sa akin. Naramdaman niya siguro ang presensya ko doon. I promptly composed myself at bahagyang tumikhim. "Pinapatawag ka nila Lolo at Lola. Handa na ang meryenda." I told him.

Ngunit ilang sandali pang nanatili ang tingin niya sa aking seryoso at halos hindi ko mabasa. May nakikita din akong parang amusement sa kanyang mga mata. I was about to turn my back because I can't stand his stare nang makita kong tumango siya at tumayo na mula doon sa ginagawa. Inabot niya ang kanyang t-shirt at muling sinuot. Nakita ko muling naggalawan ang muscles niya habang nagsusuot no'n. Pinilit ko nalang ang sariling mag-iwas ng tingin.

Nagpatiuna na akong pumasok sa loob ng bahay at sumunod naman siya.

Madaling araw nang magising ako at nakita ang ayos ni Alec sa aking tabi. He was already asleep. Nakasandal sa dingding sa ulunan ng kama at hawak pa 'yong pinampaypay niya sa akin. Kagaya nang nakaraang gabi ay ganoon parin ang ginawa niya para lang makatulog ako ng maayos. Napangiti ako at maingat na bumangon. Careful not to wake him up.

Kinuha ko 'yong hawak niya at unti unti siyang kinumutan. Hindi ko alam kung ilang minuto ko pang pinagmasdan ang natutulog niyang ayos. He's really so handsome. His hair's dark hindi kagaya ng sa akin na natural na brown. Makakapal at maganda ang ayos ng kanyang kilay. His lashes also are thick. Tapos ay matangos na ilong at mapupulang labi. Hindi rin kagaya ng akin na pink lang dahil sa kaputlaan ko. My skin is pale white. Ang sa kanya naman ay tama lang. He's not moreno at hindi rin masyadong maputi kagaya nitong balat ko. He looked peaceful in his sleep. Para siyang natutulog na anghel sa aking tabi.

Tapos ay naisip ko. May girlfriend na kaya siya? But with his looks. I doubt na wala pa. Parang bigla akong nakaramdam ng bitterness at lungkot sa loob ko nang maisip 'yon. Parang gusto kong hilingin na sana ay wala pa o pwede rin break na sila. I sighed. Ano ba itong mga naiisip ko.

Ilang taon narin kaya siya? Saan siya nakatira? Sino ang parents niya. At kung may mga kapatid ba siya. Ano ang trabaho niya bukod sa inaakala kong isa siyang bodyguard who's hired by my father? What's his hobbies and wants? Dahil baka may mga pagkakapareha din kami...

Hindi narin naman mainit. Kaya nang muli akong nahiga ay mabilis lang din akong nakatulog.

The next morning ay ganoon parin. Alec helps Lolo Manuel sa mga gawain sa farm. While I stay at home with Lola Lydia. Tapos na ang mga gawaing bahay kaya nagpaalam muna akong lalabas.

Naabutan ko ang mga bata doong naglalaro. Hindi ko alam kung ano'ng nilalaro nila but I think it's fun. I've never experienced this kind of childhood. Ang lumabas ng bahay at makipaglaro sa mga kapwa ko batang kaibigan. The only playmates I remember I had was our housemaids. They taught me naman ng mga laro kagaya ng taguan. But mostly puro playhouse lang at dolls dahil ayaw ni Mommy na pinagpapawisan ako at baka pa maaksidente habang naghahabulan sa loob ng mansion.

"Maglaro tayo ng taguan!" a girl told her playmates.

Bigla akong na-excite sa narinig. Alam ko ang larong 'yan! Lumapit ako sa kanila. There are more or less ten children there. Napatingin ang mga bata sa akin nang makita nilang nilalapitan ko sila.

"Pwede ba akong sumali?" I smiled at them.

Ilang sandali pa nila akong tiningnan na para bang na-w-weirduhan sila sa akin. Ngunit mayamaya pa ay ngumiti din sila sa akin at halos magkakasabay na tumango. My smile widened.

"Pwede din ba akong sumali?"

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang pamilyar niyang boses mula sa aking likuran.

"Kuya Alec!" the children then ran to him. I heard his chuckle.

Nilingon ko siya. Bahagyang nangunot ang noo ko. Magdadalawang araw palang kami dito but he's already this close with these children? Unti unti nalang rin akong napangiti. He looked more adorable being with kids.

"Pero ikaw na ang taya kuya kasi ikaw ang huling sumali." another younger girl from the group said.

Alec looked at me. Napangisi ako sa kanya. Tumango siya sa mga bata at tuwang tuwa naman ang mga ito. "Okay. Magtago na kayo." he said tapos ay sumulyap sa akin.

Tumalikod siya para magbilang. I excitedly hide with the kids.

Author's Note: Hello, readers! For copyright reasons I cannot anymore post this story complete here in Wattpad. Please continue reading this story on the Dreame app, or pledge to my Patreon creator page or join my Facebook VIP group for 150/month membership. To join VIP group kindly send a message to my Facebook account Rej Martinez or my Facebook page Rej Martinez's Stories. Thank you so much for your love and support!

Perfectly ImperfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon