Chapter 3.6

9 0 0
                                    

I fixed myself for the grand ball later. I didn't have much time to take a rest kanina, kasi niyaya ako ni Famous na mamasyal. When pasyal means, lakad dito-lakad doon.

Tonight i'm wearing the dress that Jaison bought for me. Nakapony tail ako ngayon while its ends are curled up. Light make up lang din ang nilagay ko sa mukha ko. 3 inches of high heel shoe. Add some pair of earings, braclet and DONE!

Hay! Sobrang effort ko naman ata. Well, ganyan talaga pag maganda. Ooops! Pagbigyan na.

"Angel, nandito na sundo mo." Sigaw ni kuya sa akin.

Nakalipat agad si Kuya dito, habang nasa galaan ako. Astig di ba. Masyadong atat angkinin ang buong bahay. Nandito na rin sila Manang. Nagleave kasi sya ng 1 month dahil sa anak nya. Kaya ang tahimik na mansyon, ayun maingay na ulit.

Lumabas na ako sa kwarto at naglakad papuntang hagdan.

I saw Ice sitting handsome sa sofa. Napansin kong na amaze sya sa angking ganda ko. Bakit? Tumayo lang naman sya sa pagkakaupo sa sofa at inabangan ako sa dulo ng hagdan. Wow! Daig ko pa sila Cinderella.

Dahan-dahan akong bumababa sa hagdan. Aba, pake nyo ba. Feel ko maging prinsesa ngayon.

Nang marating ko ang dulo ng hagdan ay. . .

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

natapilok ako.

EPIC FAIL!

Biglang sinalo ako ni Ice sa pagkakatapilok ko. Ang right arm nya ang sumambot sa aking bewang habang ang left naman ay nakaalalay sa mga braso ko.

"Ayos ka lang?" Kitang-kita sa kanyang caramel eyes ang pag-aalala.

"O-oo!" Sobrang lapit ng mukha nya sa mukha ko. Grabe walang kupas ang kagwapuhan ng Yelong toh.

"Tsk! Ayan ang napapala ng maarteng bumaba sa hagdan." - Kuya

Umayos na ako ng tayo ng marinig si Kuya.

"Kuya naman eh! Kainis ka." Pagmamaktol ko.

"Hoy! Napakabata mo pa para lumande!" Aniya ni Kuya

"FYI! Kuya i'm already 19 yrs old. At may karapatan na ako kiligin.At saka Kuya, baka nakakalimutan mo sa'yo ata ako nag-mana ng kaartehan." Pagmamalaki ko sa kanya.

"Hay naku! Oo na." Napa-facepalm na lang sya at tumingin kay Ice. "At ikaw naman Ice, bantayan mo tong panget na toh!" Tapos may binulong sya kay Ice. Nagtaka ako sa kung anong sinabi ni Kuya kay Ice, dahil tumawa ito ng mahina.

Nakakunot lang ang noo ko habang sila'y pinagdidiskitahan ako.

Pagkatapos ng usapan, ay walang habas na tinignan ako ni Kuya mula ulo hanggang paa. At napansin ko ang pagpipigil ni Ice ang pagtawa.

"Ergh! Di na kayo nakakatuwa! Tara na nga Ice." Hinatak ko sya palabas ng mansyon.

Nasa kotse na kami ngayon ni Ice at hanggang ngayon di mawala sa isip ko yung sinabi ni Kuya kay Ice. At ang mas di mawala sa isip ko ay ang mga matatamis na ngiti at tawa ni Ice. Ugh! Ang sarap alalahanin.

"Hoy! Wag ka nga ngumiti dyan habang nakapikit. Naiisip ko tuloy minamanyak mo na ako sa isipan mo eh!" Nagulat ako sa sinabing yun ni Ice.

"Ang kapal mo naman. Asa ka! At saka, ewww! Ikaw pagnasaan ko. No way!" Pagtataray ko sa kanya sabay cross arms.

Mukhang magiging mahabang gabi na naman ito para sa akin.

------------

Nakarating na kami sa hotel na pagdadausan ng Grand ball.

Nandito pa lang kami sa kotse, dahil ipapark pa nya ang kotse nya sa basement.

Nang makapark na kami. Hinintay ko syang pagbuksan ako ng pinto. Pero sa gulat ko sa ginawa nya.

Ang lapit ng mukha nya sa akin. At amoy na amoy ko ang mabangon pabango nya. Napapalunok na lang ako ng laway dahil sa kakaibang sensasyong dumadaloy sa buong katauhan ko.

Nilagay nya ang kamay nya sa seatbelt ko. Pumikit ako mariin dahil baka halikan na naman nya ako.

Pero ilang segundo lang narinig ko ang pag-click ng seatbelt ko, at nakabalik ulit sya sa pagkakaupo nya.

"Hahahaha! Not tonight Angel!" Tapos bumaba na sya ng kotse at umikot para pagbuksan ako.

I was sitting there dumbfounded. Huminga na lang ako ng malalim. Di ko inaasahan na mangyayari yun.

Nang buksan na nya ang pinto ay agad akong lumabas. At dahil sa pagmamadali kong lumabas ay muntik na ako mapasubsob.

At dahil mas mabilis si Ice ay nasalo nya ulit ako.

Damn you! Angel isa na lang strike 3 ka na.

"Ergh! I'm sorry. Clumsy much lang ako ngayon." Nakayuko kong sambit.

"Its ok! Nandito naman ako para sambutin ka" WTF! Kilig much! wahhhhh Why so sweet Ice?

"Ugh?!" Ayan ang ginawa mo sa akin. SPEECHLESS

"I have a gift for you." Ice said while smiling at me.

Shocks! Gift? From Ice pa! Wahhhh!

Pumunta sya sa likuran ko at may nilagay... Wait? Ano yung nilagay nya? I assumed it was a necklace, but I was wrong.

He put something in my hair. I think its a ribbon.

"Ano yung nilagay mo sa buhok ko?" Pagtatakang tanong ko.

"Its a diamond ribbon." He said as he hug me at the back.

Gosh! Yung mga nashave kong balahibo sa katawan ay nagsitayuan. Lakas ng electric shock na binibigay nya sa akin.

"Pero bakit ribbon?" Please makisama ang katauhan ko.

"Para maiba naman. Dahil ikaw ang pinakaunique na babae para sa akin." He said with a sweet and hot voice.

Kainis ka Ice! Di ko na kaya toh! Sobra ka na sa pagpapakilig sa akin.

"Tara na! Pumasok na tayo" Bumitaw sya pagkakayakap sa akin at nilahad ang kanyang mga kamay.

Pumasok na kami sa loob. Hanggang ngayon, kinikilig pa din ako. Ano ba nakain ni Ice at grabe nya ako pakiligin.

You Rule My WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon