Chapter 1.2

31 2 1
                                    

Nandito na kami ngayon sa stall na kung saan ililibre ako ng unggoy na ito ng favorite ko. Katabi lang nito ang school namin. At dahil inasar nya ako kanina, ehh lulubusin ko na ang pagkakataong ito.

"Hoy, siopao! galit ka pa rin ba? Sorry na! di ko naman sinasadyang takutin ka." pagmamakaawa ni Jaison sa akin.

Lintik ba naman akong takutin...

-------

flashback

Lumapit ako sa puno na kung saan sya nakatayo kanina... And I saw a white small paper. There is a note inside... As read it, I suddenly froze like no one can bring my life back. My blood is draining me. My heart started to pound hard. Na tanging kaba ko lang ang naririnig ko. Dahil sa over shocked ako. Biglang may kamay na gumapang sa mukha ko.... at tinakpan ang bibig ko...

Shit di ko pa gustong mamatay ng maaga... Ang dami ko pang pangarap sa buhay.

Dahil takot ko bigla kong kinagat ang kamay nya. Nang mabitawan na nya ako ay hinampas ko sya ng bag ko.

"WALANG HIYA KA.... (hampas) ANG KAPAL NG MUKHA MONG TAKUTIN AKO.... EHHHH DI MO NAMAN AKO KILALA.... WALANG HIYA KA... HAYOP KA!"

Di ko na alam ang sinasabi ko sa lalaking binubugbog ko.

"ARAAYYYY!!!! ARAAYYY!!!! TAMA NA ANGEL ANG SAKIT!!!!"

pagmamakaawa nya sa akin. Natauhan ako sa lalaking nagsasalita...

"Jaison!! Ikaw??? Anong ginagawa mo dyan??"

pag-aalala kong tanong sa kanya.

Inalalayan ko syang bumangon dahil na rin sa natamo nyang sugat.

"Ako nga dapat magtanong sa'yo eh! Bakit mo naman ako binugbog? Gusto mo bang wasakin ang mukha ko? Inaamin ko naman na may kasalanan ako sa'yo, pero di ko alam na brutal ka talagang babae ka!"

nakita ko biglang nagtampo ang mukha nya.

"Sorry na potchi! ehh grabe ka naman kasi. Pwede mo naman akong tawagin. Bakit mo pa kailangang takpan ang bibig ko! Akala ko kidnaper na!" pagpapaliwanag ko. "Sorry na!"

di nya pa din ako pinansin!

Hanggang sa ilang segundo ay nagsalita na sya.

"Kiss muna ako!" ngumuso sya na parang ready na.

Biglang namula ang pisngi ko, at dahil dun napasigaw ako. Nag iba ang aura ng mukha nya na kaninang todo ngiti, ngayo ay takot.

"Errr! Jaison Lim!"

end of flashback

--------

Hay! pasalamat sya at best friend ko ang unggoy na toh! Hay naku!

"Oo na! Para namang kaya kitang tiisin!" nakalumbaba kong sinabi sa kanya.

"Ayun naman pala! kaya lab na lab kita bes pwen eh!! Pero teka, kanina ko pa napapansin ang katahimikan mo. May problema ba? Siguro narealize mo nang mahal mo na ako noh?"

tinitigan ko na lang sya at ngumiti ng pilit.

"Sabi ko na nga ba eh! Wag ka mag-alala 'BABE' nandito lang ako" sabay akbay sa balikat ko! Nagpintig ang tenga ko sa narinig ko.

"Pervert! Wag ka nga assuming. Ang panget mo kaya para magustuhan kita. At saka wag ako ung landiin mo. Ayun oh!" Sabay turo sa isang babaeng kanina pa kami tinitignan!

Kinawayan at kinindatan pa si Jaison. Tapos biglang lumapit sa amin.

"Hi handsome! Is this seat taken?" said the girl with a flirty accent.

"I think, both of you should talk" sabay tayo ko. Pero di umalis ang manyak kong best friend.

Grabe naman talaga ohh! I decided to go to a mall para makapag-aliw man lang. Sobra akong naistress sa nangyari kanina!

Nag window shopping lang ako dun! Lakad dun, lakad dito! At nung dumilim na i've decided to go home. Walking distance lang naman ang village namin papuntang mall kaya di na ako ng commute pa uwi.

As I walk alone on a dark alley, I felt some thing weird. Pakiramdam ko may sumusunod sa akin. I don't know but it gives me the creeps. Kaya binilisan ko ang paglalakad. Konting  hakbang na lang malapit na ako sa gate namin. Pakiramdam ko palapit ng palapit na sya sa akin. Nang nasa tapat na ako ng gate ay biglang humawak sa braso ko.

"What the?!"

"Akala ko ba nakauwi ka na kanina? eh bakit ngayon ka lang?"

Nakahinga ako ng maluwag ng makita ko si Jaison.

"Nag gala muna ako sa mall. Nagpahangin lang. ehh bakit ba? akala ko ba may date kayo nung girl! Anong ginagawa mo dito?"

"Wala naman! Ang boring nya kasi, kaya iniwan ko na!"

"Playboy as ever! Pasok na ako, i'm tired. Bukas na lang tayo mag-usap ulit! Pagod na ako!"

"Oh sige, just checking you! bye goodnight!"

"i'm not asking!"

"BYE!"

Sa wakas umalis na sya. Gadh di ko matake un ah! akala ko kung sino na. Si Jaison lang pala. Pero bago pa ako makapasok ay may naramdaman akong kaluskos sa tabi ng bahay. Malayo ang mga kapit-bahay namin! Mga puno ang nasa tabi namin.

Sinilip ko kung may tao dun. Dahan-dahan akong lumapit. Patuloy pa rin ito sa pagkaluskos. Nang hinawi ko na ang damuhan. Lumabas ang isang cute na kuting. Kinuha ko ito at pinasok sa bahay.

Nilagay ko sya sa kitchen at pinakain. Natuwa ako dahil ang cute nya.

Bigla akong nakaramdam ng pagod, kaya pumasok na ako sa kwarto ko. Naligo at nagbihis ako. Inaayos ko ang gamit ko nang mapansin ko ang note.

"I'LL BE WATCHING YOU!"

You Rule My WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon