Chapter 2.8

28 1 1
                                    

Angel's POV

"Hoy!"

"Ay pusang niregla!" Nagulat ako sa lakas ng pagbagsak ng mga libro sa harap ko.

"Seriously? May nireregla bang pusa?" And seriously, is he asking me this damn question?

"Oo, yung pusa ko. Kahit infant pa, niregla na." Binalik ko ang pambabara nya sa akin.

"Ows di nga?" Geh mang-asar ka lan.

"Sira! Sa tingin mo rereglahin ba ang pusa? Saan ka nakakita ng napkin para sa pusa?" Bawi ko sa kanya.

"I'll invent it for your cat." Pasalamat ka talaga at gwapo ka. Geh mambara ka pa. Ipapatapon kita sa sun. Para mabawasan ang gwapo dito sa mundo.

"Sure! Do it! Para parangalan kita bilang 'Stupid of the Year'" Akala nya huh!

"Ang hard mo naman sa akin Angel. Ganyan ka ba talaga magtrato ng gwapo! Bigyan mo naman kami ng hustisya." Nag-pout sya? :3

Oo gwapo ka, pero sorry ka, sa pinakagwapo lang ako nagbibigay ng hustisya.

"FYI! Bry, Hindi ka gwapo, cute ka lang." Nagkapalumbaba na lang ako, at tinuon ang atensyon sa pagbabasa.

"Iniisip mo pa rin yung kagabi?" He used his worried voice.

"Nope. Nandun naman si Ice kaya..." Natigilan ko nang maalala si Ice.

Oo nga pala, after the incident sa tapat ng bahay namin. He's back from being cold and masungit.

Kamusta na kaya yung lalaking yun. Di ko na sya nakikita sa tambayan. At classroom naman, di nya ako kinakausap. Kakausapin man, about the pageant naman ang pag-uusapan namin. Dapat pala sana di ko na lang sya nireject.

Ayoko din naman mag-assume. Hay!

Pero ang di mawala sa isipan ko ay yung stalker ko.

----------------

flashback

Ang himbing ng tulog ko ng may maramdaman akong kamay. Dahan-dahan ko binuksan ang mata ko. Dahil sa madilim ay binuksan ko ang lamp shade.

"Aalis ka na? Kadadating mo pa lang huh!" He's standing at my window at lalabas na sana. Pero pinigilan ko lang.

Don't be shocked kung bakit ganyan ako makipag-usap sa hood man na yan. Nakasanayan ko na kasi sya.

"Did I ruin your dream?"

"Actually, yes you ruined it. Because of you di ko makuha ang gusto kong lalaki" pagmamaktol ko sa kanya.

May laman ang sinabi kong yun. Totoo naman eh! Dahil sa lintik na rule, nareject ko si Ice. Oo inaamin ko I like him. Kasi he's challenging for me.

"Don't get mad at me. You signed it." Then umupo sya sa tabi ko.

I don't know kung naka yuko ba sya o natatakpan lang ng hood ang mukha nya.

"Sleep, I want to see you sleeping." utos nya sa akin. Ano sya batas? Bahay ba nya to?

"Wait? Are you drunk?"

"How did you know?"

"Well, obviously you smell like you drink alot of alcohols. I don't like drunk person sitting on my bed. So if I were you, get off your butt out of my bed." I said with an authority.

"Is that a command or a request? If that's both, No can do My Princess. Like I said, I want to see you sleeping and dreaming about the guy you like the most."

You Rule My WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon