Prologue

19 2 2
                                    

Mararangyang kagamitan, Magarbong kasuotan, Mamahaling Sasakyan..

''Yeah, and by next week my boyfriend and I will go to Paris.''

''Well, My Dad told me lang naman na I can go shopping in Italy''

Parang andali dali lang nila sabihin yun .. Madali lang sa kanila kasi madame silang pera at hindi na kelangan pang mamroblema pa.

Pinagmamasdan ko ang mga estudyante dito sa cafe habang nagkwe-kwentuhan at nagyayabangan ng kung anu-ano

Samantalang ako kelangan q pa magbanat ng buto para lang makaraos sa araw-araw at kelangan ko pang doblehin para naman makatapos sa pag-aaral.

'Hayy!!' kelan kaya ako makakaranas ng mga karangyaan.

Imagination....

''Mamimili ako ng sapatos sa Paris mamaya, kung pwede mo ba ako samahan babe''sabi ko habang namimili ng damit sa store ng GUCCI

''Babe may lakad aq papuntang Japan mamaya nakalimutan mo na ba na kasali aq sa drag racing ngayon dun''sabi ng binata na bitbit ang mga paperbag ng mga pinamiling damit ni Diwata

''Aw, oo nga pala babe sorry pero panu yung sapatos ko ? '' :'( pagmamaktol ko

''Dito ka na lang sa Mall mamili, tska diba kakabili mu pa lang nung isang araw ni hindi mo pa nga nagagamit yun ah'' sambit nya ''Kaya samahan mo na lang ako, gagamitin natin yung private plane namen'' B-)

''Wow ! talaga babe isasama mo ako ?! '' tuwang tuwa kong sabi habang nakapili na ako ng Gucci dress

''Ahaha Oo naman ikaw pa ! , Mahal na Mahal kita Babe'' pagmamalaki ng binata

''Ahehe, Mahal na Mahal din kita babe tara muna sa cafe medyo nauuhaw na ako eh'' tapos ko na din naman bayaran ang mga pinamili ko sa cashier at nagtungo na kame sa isang High-Class na cafe dito sa Mall

''Miss, isang dark mocha frappe nga''

.. end of Imagination

''Miss, isang dark mocha frappe nga, hey miss?''

''Ui! Tulala ka nanaman dyan ! , may customer na oh.'' panggugulat sakin ni Kara

''AH! ahm sorry mam, can I take your order?'' pagkabigla kong sambit

''I said 1 dark mocha frappe, it seems that your not focussing on your job'' pagtataray ng babae, maganda sya mukhang mayaman pero mukhang panget ang ugali

''Im really really sorry mam, hindi na po mauulit'' :-[ paghingi ko ng paumanhin at agad-agad ko nang inihanda ang order nung babaeng mataray

''Mam, Here's your dark mocha frappe Im sorry mam for waiting and thank you po ! '' :-)

Hindi na sumagot yung babae at kinuha na ang kanyang order

saka umalis. Bigla namang natawa si Kara sakin

''Alam mo friend!, nakakatawa ka talaga sa itsura mu kanina ! Hahaha XD '' natatawang sabi ni Kara

-.- nakakainis talaga tong kaibgan ko, well si Kara nga pala ang BESTFRIEND KO ! sya ang nag-iisa kong bestfriend. Kababata ko, kaklase ko at hangang dito eh katrabaho ko din sya

Halos hindi na nga kame mapaghiwalay alam niya rin halos mga nangyayare sa buhay ko. Hindi naman niya kelangan magtrabaho agad kasi mayaman naman sila pero dahil gusto niya ako makasama eh nagtrabaho na din siya.

Sa Tito niya tong coffee shop, pinilit lang niya yung tito niya para lang makapasok ako dito at pati siya

Wala siyang arte lahat nga kinakaya niya kaya super napapabilib talaga ako sa lahat ng ginagawa niya.

Magaling siya tumugtog ng gitara, piano at mag drums. Magaling din siya kumanta at Magaling din dumiskarte kaya lahat halos ng problema nya yakang-yaka nyang nareresolba.

Naalala ko tuloy nung una kameng magkakilala mga bata palang kame nun.

FLASHBACK...

Naglalakad ako sa park para bumili ng ice cream kasi binigyan ako ni Nanay ng limang piso para sa pagtulong ko sa kanya sa pagtitinda ng banana-q.

Bitbit ko pa nun yung bilao ng napaubos kong tinda. Nakabili na ako ng ice cream at hindi ko pa ito natitikman ng may makita akong bata na kasing edad ko lang umiiyak '' WAHHH HUHUHU T_T''ito habang inaaway siya ng mga batang lalaki na nakasakay sa swing, nilapitan ko sila at inawat sa pang-aasar sa batang babae

''ITIGIL NIYO NGA YAN !!''

itinaboy ko sila gamit ang bilaong bitbit ko at dali-dali naman silang nagtakbuhan palayo sa amin pero ang batang babae ay tuloy pa rin sa pag iyak kaya naman ang ice cream na dapat ay para sakin ay ibinigay ko sa kanya upang tumahan lang siya.

Inabot naman niya ito at ngumiti

''Salamat ah'' at tumakbo ito papunta sa isang babae na mukhang may edad na.

Tumalikod na ako sa kanya at magsisimulang lumakad nang may marinig akong boses ''Ito para sayo'' yung batang babae na tinulungan ko kanina ay inaabutan ako ng ice cream kasama na niya yung medyo may edad na babae

Gulat kong inabot ang ice cream na bigay niya sakin

''Mommy, iniligtas niya po ako dun sa mga umaaway sakin knina ang lakas nya nga po eh para siyang superhero kasi nagtakbuhan yung mga umaaway sakin eh, ang galing galing nya po talaga *^o^* ''sabi nang batang babae sa Mommy nya pala yung babaeng may edad

''Wow ang galing mo naman iha ! Salamat sa pagligtas ng anak ko ah'' pasasalamat sakin nung Mommy nung bata '' Sige iha aalis na kame ah, Salamat ulit '' :-)

Tumango lang ako bilang tugon sa kanya. At pinagmasdan ang likod nya nang ito ay mag umpisang maglakad. Natutulala na lang ako

Nagbalik lang ang diwa ko nang may yumakap sa akin, yung batang babae ''Ako nga pala si Kara, minsan maglaro tayo dito park ah !! *^o^* '' at kumaway na habang tumatakbo papunta sa kanyang Mommy

'' DIWATA !! DIWATA ANG PANGALAN KO !! '' sigaw ko sa kanya habang kumakaway :-D

''SIGE DIWATA!! SALAMAT AH !! '' pasigaw din nyang sabi dahil medyo nakakalayo na sila.

...end of FLASHBACK

''Friend !! , tulala ka nanaman ?? hahaha .. anu nanaman ba iniimagine mu dyan ? share ka naman ahahaha '' ^_^)Y natatawang pambibigla sakin ni kara

Oo nga natutulala nanaman pala ako, tsaka bakit ba tungkol kay Kara ? eh kwento ko to eh. ehehe... :-P

Nakalimutan ko magpakikilala sa inyo Ako nga pala si Marie Diwata Joaquin , hehehe 16 yrs. old from Quezon City, Metro Manila, PHILIPPINES !!! *^o^*

Ahahaha...

Sa 1st Chapter ko na lang sisimulan ang kwento ko ^_^)Y

♥ ♥ ♥ ♥

Author's Note:

Hello there !! ;-)

Salamat sa mga bumabasa na nito..

Comment lang kayo para maitama ko at mas magkaroon pa aq ng mas malawak na Idea .. hehe

Tsaka wag niu kalimutan mgVOTE !!

ahahaha ..

Thank you talaga

Sa Unang chapter mas makikilala na natin ang bida nang kwentong ito .

And be ready 'coz may mga drama din ito, pagpasensyahan na lang minsan kung may pagka corny .. ahehe suggest lang po kau ..

pwede kaung magsuggest ng mga character at matitinding pambanat !! hahaha

KEEP ON SUPPORTING THIS STORY PO !! ♥

~dHyWatss☆ ☆

Fake it until You Make itTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon