Chapter 1

12 1 0
                                    

A/N:

☆ ☆ ☆

Eto na magsisimula na ang storya ni Diwata.. haha

Dont forget to post a comment kapag may concerns at suggestions.. hehe

And also vote na rin po

~dhywatss

…………………………………

Diwata's POV:

"Hay salamat !!" :-O sabi ko habang naguunat ng katawan, katatapos lang kasi ng shift ko dito sa coffee shop at uuwi na ako para naman makapagpahinga na

"Friend, sabay na tayo umuwe" sabi ni Kara habang kinukuha ang mga gamet niya sa locker

Naglalakad na kame ni  Kara pauwe hindi naman kalayuan ang bahay namen sa shop. Si Kara sa subdivision nakatira, ako naman sa gilid kame ng subdivision nakatira "iskwater" ang tawag ng iba sa lugar na iyon.

Dun na ako lumaki sa lugar na iyon, kaya hindi na ako takot kahit pa sinasabi ng iba na marami daw masasamang loob ang nagsama sama dun

Halos magkakakilala nanaman kame ng mga kapitbahay namen at para sakin mabubuting tao naman ang mga nakatira sa lugar namin

Mga kapos nga lang talaga kame, karamihan walang trabaho kaya kung anu-ano na lang pinapasok para makadiskarte ng pantawid ng pangangailangan sa araw-araw

"Gurl, dito na ako ah magkita na lang tayo bukas sa school, sige bye bye na" ( ^_^ )/~~pagpapaalam niya saka bumeso sa akin

Nandito na pala kame sa tapat ng subdivision nila, nauunang daanan ang lugar nila bago sa amin.

"Ah sige gurl, bye. Kita na lang tayo bukas" :) sagot ko sa kanya. At naghiwalay na kame pumasok na siya sa gate ng subdivision at ako ay nagpatuloy sa paglalakad.

Hindi naman kalayuan ito sa kanila. Nakikita ko na ang mga bahay sa lugar namin, mapapansin dito ang mga pinagtagpi-tagping kinakalawang na yero na para sa mga taga-rito ay tinatawag na bahay, dikit dikit ang mga bahay may kakitiran din ang mga daan at umaalingasaw rin ang hindi kaaya-ayang amoy na bumabalot sa lugar na iyon. Mapapansin din ang dami nang mga taong nakatambay sa daraanan ko, nasa bandang gitna pa kasi ang bahay namin merun din dung ilog na hindi na maganda ang anyo nagkalat kasi ang mga basura dito at pati ang tubig nito ay wala ng linaw. Kung iisipin talaga mukhang walang pag-asa ang mababakas sa lugar na ito at dito sa lugar na ito ako bumubuo ng mga mumunti kong pangarap sa buhay na gusto kong marating.

-Bahay

"Nay, nandito na po ako" bati ko sa nanay ko sabay ng pagmano ko

Naabutan ko siyang nagbibilang ng mga barya, barya na kinita niya sa pagtitinda ng kakanin at banana-q. Hindi naman kalakihan ang kinikita niya sa pagtitinda sapat ng masasabi para lang makaraos at may pantawid ng gutom sa araw.araw

"Nandyan kana pala anak, teka ipaghahanda lang kita ng makakain mu" pag-aalok niya, tatayo na sana siya nang pigilan ko

"Wag na po inay ako na pong bahala maghanda ng makakain, kumain na po ba kayo ? " pagsasaway ko sa kanya, alam kong pagod din naman siya sa paglalako ng paninda "Kumain na din po ba sila Marco at Aya ?"

"Oo, kumain na ako at kumain na din sila wag mu na sila intindihin kumain ka na dyan"

Agad naman ako nagtungo sa kusina para kumuha ng pagkain

Hindi naman kalakihan ang bahay namin sapat lang para samen nila inay at ng dalawa kong kapatid

May kwarto na tinutulugan namen ni inay at aya, sala na si marco ang natutulog, kusina at banyo

Wala na kameng tatay, Hindi naman wala na eh patay na iniwan nya lang kame nung mga bata palang kame, kaya ang nanay namen ang nagtaguyod saming magkakapatid

Bilib ako sa Nanay ko kasi napalaki niya kame ng maayos kahit na hirap na hirap na siya. Naitaguyod niya kame sa pamamagitan ng paglalako ng kakanin at banana-q

Una ko munang tinignan ang maliit na medyo nangingitim na kaldero ng kanin, merun pa naman laman sinandok ko na ang natirang kanin sa kaldero at umupo na ako sa upuan at binuksan ang nakatakip na ulam sa lamesa.

"nak, sayo na yang pagkain dyan sa lamesa" sabi ni inay mula sa salas

"Opo inay!!" sagot ko. Nang mabuksan ko na ang tinabing ulam para sa akin ay nagsimula na rin akong kumaen

Pagkatapos ko kumaen ay hinugasan ko na agad ang mga pinagkainan ko para wala ng kalat sa kusina. Dumiretso na ako sa kwarto at nagpalit na ng damit, kinuha ko ang gamit ko sa school at gumawa ng assignment

Lagi na lang ganito ang pakiramdam ko tuwing nasa bahay, panganay kasi ako kaya tuwing andito ako ay napakaseryoso ko ramdam na ramdam ko kasi ang mga problema namin at kelangan ko lage mag-isip ng mga dapat kong gawin para makatulong at lagi din akong nangangarap ng kung anu-ano para malibang.

Wala naman masama mangarap eh, tsaka libre lang din basta wala akong inaagrabyado eh okay na yun. Nagsisikap din naman ako para matupad ko yung mga pangarap kong iyon.

Panibagong araw nanaman bukas sa school. Makikita ko nanaman yung makulit na lalaki, maarteng babae, matapang na guro at ang iba pang mapang husgang estudyante ng Springfield University

Pero sa ngayon kelangan ko munang magpahinga at bukas ay panibagong pagharap ko nanaman sa realidad

"Goodnight" sabi ko pagkatapos ko magdasal at humiga na ako sa banig. Nahikab na ako at hangang sa akoy makatulog

___________________

A/N:

♥ ♥ ♥

HAYY!! YAWN!! Nakatapos din ng isang chapter ..

Kaya ko to' AJA!! ahaha

Nakakalungkot din naman talaga ang istorya ni Diwata, mabigyan kaya siya ng kaginhawaan sa buhay ??

Well, kelangan nyo lang mag vote .. ahahah

Jowkie !!

post ur comment for what bothers you !! hehe

sa next update ko ay ang makulay na buhay ni Diwata sa Springfield U.

hahaha ..

Salamat po !! MWAPS :-*

XD

~dHyWatss ♥ ♥ ♥

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 13, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fake it until You Make itTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon