Dear No One

8 1 0
                                    

Haysstt.. Hindi ko pa rin alam kung ano bang meron kanina. Kasi pagkatapos ng mahabang katahimikan ay niyakap ulit ako ni Jimin at nginitian tsaka ako pinauwi.

Magpapapilit pa sana ako kaso naramdaman ko yung tensiyon sa hangin, kaya bandang huli ay tumango na lang ako at umuwi na lang din.

Habang padaan nga ako kanina sa gilid ni Suga ay nakayuko ako kasi nahihiya pa rin ako. Pero hinawakan niya yung braso ko kaya napatigil ako at napaangat ng tingin sa kaniya.

Ganun pa rin yung ekspresiyon niya. Kabadong kabado nga ako nun eh, pero ang sasabihin lang pala niya ay "Ingat sa pag uwi" kaya tinanguan ko na lang siya at umuwi na lang.

Dear No One (HIATUS)Where stories live. Discover now