Hyojin 006

6 0 0
                                    

HYOJIN

Kasama ko ngayon si Jimin at nag iikot kami ngayon sa dept store. Wala lang. Lakad lakad, hindi pa rin ako umiimik. Pero tuloy lang siya sa pagkuha ng mga bibilhin niya.

Ewan ko ba pero lutang pa rin ako. 'Di pa rin talaga ako makaget over. Call me OA, pero ang hirap lang mag adjust sa set up namin ni mama ngayon.

Nagulat naman ako ng may pumalakpak sa harap ko. Kaya naman inangat ko ang tingin ko at para tignan ang nag aalalang Jimin. Hayysstt, natulala nanaman ako.

"Bakit?" sabi ko pa habang tinilt ang ulo patagilid.

"Tinatanong kita, sabi ko kung ayos ka lang ba? Kanina ka pa nakatulala diyan" hindi ko alam kung ilang beses na, pero napapansin kong napapadalas ang pagbuntong hininga niya. Kasama na yung ngayon.

"Ah.. Oo... Sorry... Ayos lang ako" nag aalinlangang sagot ko pero ngumiti pa rin.

"Hyojin..."

"Ayos lang talaga ako" tsaka ko pinilit na lakihan ang ngiti. At napabuntong hininga nanaman siya.

"Ikaw ba? May problema ka ba? Kanina ka pa kasi bumubuntong hininga diyan"



































*





























JIMIN

"Ikaw ba? May problema ka ba? Kanina ka pa kasi bumubuntong hininga diyan" bahagya pa niyang itinagilid ang ulo niya na para bang sinusuri ako. Tinitigan ko lang siya at napailing din kalaunan.

"Wala eh ba--"

"Ikaw, ikaw.ang problema ko" halata naman ang pagkagulat sa mukha niya ng sagutin ko ang tanong niya. And for the nth time bumuntong hininga nanaman ako.

Hinila ko siya papunta sa isang parte ng dept store kung saan wala gaanong tao. Nakita kong naguguluhan pa rin siya kaya iniharap ko siya agad sa akin ng makarating sa destinasiyon.

"Ikaw ang problema ko Hyojin" pag uulit ko at bakita ko pang lalo siyang nagulat ng tawagin ko siya sa pangalan niya. Lagi ko kasi siyang tinatawag na Hyo-yo. "Kaya ikaw naman ang tatanungin ko, anong problema?"

Napayuko naman siya at unti onting humikbi. Nataranta ako, kaya naman niyakap ko na lang siya. Hindi ako galit, nag aalala lang.

"Hindi ko na yata kaya Jimin" hirap niyang sabi sa gitna ng mga hikbi.


"Shhh, mamaya mo na yan sabihin kapag kumalma ka na" Hinigpitan ko pa ang pagkakayakap sa kanya at tsaka hinimas himas pa ang buhok.

Maya maya din naman ay tumahan na siya, siguro napakalma na niya ang sarili niya. Inilayo niya ang sarili niya sa akin pero nakayuko pa rin siya. Ramdam kong basa na ang t-shirt ko, pero hindi ko na iyon pinansin pa.

"Sorry, dahil sakin nabasa pa ya--"

"Shh." Hinawakan ko ang baba niya at itinaas ang ulo para magtama ang tingin namin. "Wala yun, okay lang. Hindi ko na rin muna tatanungin kung anong problema mo. Mukhang 'di mo pa kaya. Pero sana masabi mo rin sa akin agad yan, kasi mas mabigat kapag kinimkim mo lang yan" sabi ko at tsaka siya nginitian ng pagkatamis tamis. Nakita ko naman siyang tumango at ngumiti ng tipid.

Ayos na rin siguro toh. Kesa naman yung nakatulala lang siya. Atleast, nailabas niya kahit papaano ang dinaramdam niya.

Binayaran ko na ang mga kinuha ko kanina at umalis na doon. Habang nasa byahe ay naoansin kong natulog si Hyojin. Napangiti na lang ako, siguro napagod toh kakaiyak.

Sorry Hobi hyung, hindi ko na napigilan ang sarili kong tanungin siya eh. Mahirap magpigil...

Dear No One (HIATUS)Where stories live. Discover now