Hyojin 011

12 0 0
                                    

JIMIN

Pagkalabas namin ni Jungkook ng dance studio ay hindi niya ako tinigilan asarin kay Hyojin. Simula noong nakisama na ulit siya samin, mas naging masigla siya. Sad to say, aminado akong hindi ako ung makapag pasigla sa kanya.

"Hyung, wala man lang bang thank you diyan? Dinala ko na sayo ung love of your life." Sabi pa niya tsaka ako tinawanan.

"Thank you? Yan ba gusto mong marinig sakin? Manigas ka" pang aasar ko pa sa kanya.

Pagkakuha namin ng tubig ay bumalik na rin kami agad. Pagkadating namin doon ay nadatnan namin si Hyojin na inaadmire yung dance studio.

"Ang cute niya" bigla kong nasabi.

"Yiieee, si hyung inlove nanaman." pang-aasar niya sakin with matching siko pa.

"Tigilan mo nga ako." Pagkabalik ko ng tingin kay Hyojin ay nakatingin na pala siya samin. Bigla naman akong nahiya kaya napayuko nalang ako.

"Hyung, dinala ko siya rito kasi alam ko namang kailangan mo siya ngayon. Pag-usapan niyo na yung tungkol sa inyo."  Bigla niyang sabi kaya napatingin ako sa kanya.

"Pero ayos la-"

"Sa paningin ng iba, oo. Pero alam kong may problema pa rin kayo na hindi niyo pa napag-uusapan. Hindi ko na babanggitin kung ano yun, dahil alam ko naman na alam mo na yun" 

Pagkatapos niyang sabihin yun ay nagpalaam na siya samin at tsaka umalis. Napabuntong hininga na lang ako. Masyado bang halata? Pero tama si Jungkook, dapat namin tong pag-usapan. Pero hindi ko alam kung paano sisimulan.



THIRD PERSON'S POV

Napansin ni Hyojin na lumungkot yung itsura ni Jimin pagkatapos ng tahimik na usapan nila ni Jungkook sa may pinto. Medyo kinabahan siya dahil for some reason, may masama siyang kutob. Na parang hindi siya handa sa kung ano man ang mangyayari.

Nang tignan ni Jimin si Hyojin ay nakita niya itong nakaupo sa gitna ng dance studio kaya naman ay pumunta siya sa harap nito. Ang ekspresyon sa kanilang mga mukha ay hindi mapinta, hindi malaman kung sila ba ay nasisiyahan, nalulungkot, naguguluhan ngunit isa lang ang sigurado, mayroong distansiya sa kanilang dalawa.

Kung noon ay komportable sila sa isa't isa, ngayon ay awkward na ang atmosphere sa kanilang paligid. Marahil ito ang epekto ng saglit na paglayo ni Hyojin noong siya ang namomroblema. At nadagdagan pa ng guilt na bumabalot kay Jimin dahil hindi siya ang muling nakapagpasigla sa babaeng kanyang nililigawan.

"May gusto sana akong sabihin" chorus nilang sabi.

"Ikaw na ang mauna" sabay muli nilang sabi, kaya naman natawa na lang sila sa mga sarili nila. At dahil dito ay medyo nawala ang pagka-awkward nila sa isa't isa.

"Sige na imaw na mauna" sabi ni Hyojin kaya naman walang nagawa si Jimin kung hindi sumunod.

"Sorry..." he trailed off. Naguluhan naman si Hyojin.

"Bakit siya nagso-sorry? Wala naman siyang ginawang kasalanan." Ito ang sumagi sa isip niya noong biglang nagsorry si Jimin. Pero kahit ganun ay nanatili siyang tahimik at hinayaan niyang ipagpatuloy ng kaharap ang sasabihin.

"Sorry kung hindi kita natulungan noong mga oras na kinakailangan mo ito. Aaminin kong nasaktan ako noong hindi ako ang dahilan kung bakit ka bumalik sa dati. Feeling ko napaka-walang kwenta kong manliligaw, ni hindi ko man lang kayang pasayahin yung taong mahal ko. Pero pinapangako kong sa susunod na kailanganin mo ng makikinig sayo ay nandito lang ako, handang makinig sa mga problema mo, sa mga rants mo, or sa kahit anong gusto mong sabihin." Hindi makatingin si Jimin sa kaharap habang sinasabi niya ang mga katagang ito, samatalang si Hyojin ay napangiti sa narinig.

"Ito lang ang hihilingin ko sayo. Please be honest with me. Hindi kita pipilitin sabihin ang mga problema mo kung hindi talaga kaya. Pero please, gusto kong maging open tayo sa isa't isa" May halong pagmamakaawa na sabi ni Jimin na para bang desperado siya dito.

Tumango si Hyojin. Ito rin naman ang balak niyang gawin. Dahil para sa kanya, mahalagang maging open ang babae at lalaki sa isang relasyon, pero siyempre dapat ay may privacy pa din. Kahit nagliligawan pa lamang sila ay magandang maisagawa na nila ito.

HYOJIN

Masyado akong na-ooverwhelm sa nangyayari sa amin ngayon. Hindi ko akalaing ito ang bumabagabag kay Jimin. It was partly my fault, may karapatan siyang malaman. Pagkatapos ng ilang sandali ay ako naman ang nagsalita.

"Sorry din"

"Bki—"

"Shh, Patapusin mo muna ako" Umupo naman ng maayos si Jimin at nanahimik.

"Sorry din kasi hindi kita natanong kung may bumabagabag ba sayo. Hindi man lang kita naalala. Sorry kasi masyado akong nafocus sa sarili ko, hindi man lang ko man lang napansin na nasasaktan ka na pala. Hindi mo kailangang magsorry dahil hindi ikaw ung nakapagpasaya sa akin. 'Wag mo ring sabihin na wala kang kwenta dahil hindi totoo 'yun. Hindi ko masabi sayo kasi ayokong makadagdag sa iniisip mo. Sorry. Pero promise, kung meron mang bumabagabag sa akin ay magkekwento ako sayo. Sana ikaw din." Mahaba kong sabi. Magsasalita nanaman sana si Jimin pero pinutol ko ulit siya. Hindi pa ako tapos.

"Gusto ko lang sanang ikwento sayo kung ano yung naging problema ko at kung paano ko ito nalagpasan. Gusto kong simulan ngayon yung mga pinangako natin." Tumigil ako at tumingin sa kanya. Tumango naman siya sa akin kinwento ko ang naging problema ko pati na rin kung paano ko nalagpasan ito. Minsan napapatigil ako kasi malapit nang tumulo ung luha ko, masakit pa rin kasi yung nangyari sakin. Sa tuwing nangyayari iyon ay pupunasan ni Jimin ang luha ko at tsaka ako hinahayaang makabawi at ituloy yung kwento.

Noong dumating kami sa part kung saan natagpuan ako ni Suga oppa at sa kanya ako nag open up, napansin kong medyo nag iba yung expression ng mukha niya, na parang nasaktan siya sa sinabi ko, pero bumalik ulit ito sa malumanay at tinuloy tuloy ko lang ang aking sinasabi.

Pagkatapos kong magsalita ay binalot kami ng katahimikan. Hinayaan ko munang magsink in sa kanya ang kwento ko.

"Ganun pala yung pinagdadaanan mo..." He trailed off. "At si hyung ang dahilan kaya ka bumalik?" Napangiti siya ng mapait sa sarili niya na parang nakalimutan niya panandalian na nandito ako sa harap niya. Kitang kita ko kung paano tumulo ang luha niya at saka mabilis na pinunasan iyon at tumngin na sakin na may pilit na ngiti. Nasaktan ako sa nakita ko, feeling ko, I owe him an explanation.

"That time..." I trailed off not knowing how to start explaining.

"No, no, no, it's okay."

"I will still explain, ayokong magkaroon ng misunderstanding between us. Or if you want, You can ask me questions kung may gusto kang linawin. I will answer honestly."

"If you don't mind, I'll choose the second option"

"Sure, go ahead"

—^~^—



Dear No One (HIATUS)Where stories live. Discover now