Chapter 2

114 7 1
                                    

Athena's P.O.V

Abala ako sa paglilinis dito sa library dahil iyon ang naging parusa ko sa pakikipag-way kay Sabrina the bitch. oh well, okay na rin to, mas malapit ako sa mga libro. Gustong-gusto ko kasi ang magbasa ng mga novels, nakakaadik. Kaya kahit tapos na yung pagpaparusa nila sakin ay babalik pa rin ako dito sa library. Nang matapos ako sa paglilinis ay pumunta ako sa paborito kong section ng library at pumili ng babasahing nobela.

Abala ako sa pag-babasa ng The Fallen ng may biglang umupo sa kaharap na upuan. Ibinaba ko muna ang binabasa ko para tignan ang istorbo at halos umikot ang eyeballs ko ng nakita ko ang impakto na ngingisi-ngisi.

Ewan ko ba sa kupal na ito, araw-araw akong iniistorbo at kulang na lang ay magpaalipin sakin para lang maging kaibigan ko raw? Pero ang siste, akala niya ako si Nicole? Goodness, napagkamalan niya akong si Nicole. Hindi ba alam ng kupal na to na hindi dito sa college department na to nag-aaral ang kakambal ko? Well business management ang sa akin at Fine Arts naman ang kinukuha ni Nicole. 

"Ikaw na naman?" asar na sabi ko habang nakasimangot sa lalakeng nakaupo ngayon paharap sa akin at tudo ngisi.

"Kaibiganin mo muna ako" sabi nito sabay pacute.

Ewww bagay sa kanya.

"Pwede ba, huwag mo akong maasar ngayon, baka lilipad tong librong to sa pangit mong pagmumukha." impit na sabi ko dahil bawal mag-ingay sa library.

Sobra lang sa pagpipigil ko na hindi masigawan tong kupal na to.

"Pumayag ka munang mag date tayo. Sige na Nicole please!!" pagmamakaawa ng luko.

Yan ang dahilan kung bakit asar ako sa kanya. Mantakin niyong si Nicole pala ang balak landiin ng tarantulang lalakeng to? Oh my goodness. Not my sister. No never!! Alam ko kasi ang kalibre ng mga ganitong lalake at baka saktan lang nito ang kakambal ko. Masyadong mabait ang kapatid ko para bumagsak lang sa ganitong klaseng lalake.

"Bat' ba ang kulit mo ha Tatangco? Gusto mo bang ihagis kita palabas sa slid na ito? Pwede ba!! Kung maghahasik ka ng kalandian huwag dito? Library to tarantado!!" inis na sabi ko sa kanya.

Sumimangot naman ito, at bigla na lang umalis. 

Oh yes, what a peaceful life. Ganyan nga lumayas ka.

Nakangisi  ako habang nakatingin sa likod nitong papalayo. 

Aleister's P.O.V

"Kumusta pare!!! May improvement na ba?" tatawa-tawang pambungad ni Trevor sa akin dito sa paborito naming tambayan.

"Sigurado ka bang siya yung Nicole? Pare, bat hindi mo sinabing sobra sa pagka amasona?" asar na sabi ko sabay agaw sa bottled water ni Travis.

"Yuck ka baby Alec!! Indirect kiss na yan" pang-aasar ng kumag.

"Oh gusto ko nga tong ganito baby Travis eh, nang matikman ko naman ang labi mong pinag-aagawan ng mga tarantulang babae mo" sabi ko sa kanya sabay pungay ng mga mata ko sabay lapit dito at himas sa braso nito. 

"Gago lumayo ka nga!!" nandidiring sigaw nito na halos ikamatay ko na sa katatawa.

"Walang epekto sa kanya tong kagwapohan ko eh" sabi ko ng mahimasmasan ako sa kakatawa.

"Haha baka hindi naman si Nicole talaga yung pinopurmahan mo Alec. Balita ko may kakambal daw yun eh." sabi ni Trevor.

Tumingin ako sa kanya para ikumpirma ang sinasabi nito?

"May kakambal? May kakambal si Nicole?!" gulat kong tanong. 

Aba nga naman. Napangisi ako sa naglalarong ideya sa utak ko. 

Love With A TwistWhere stories live. Discover now