Chapter 1

280 8 18
                                    

Nakakarindi!!!


Bakit nakakarindi!!


Pwede ko bang lagyan ng masking tape ang bunganga ng Nanay ko kahit ngayon lang? Please kahit ngayon lang. Nakukulili na ang tenga ko sa kakabunganga nito kapag nakikita ako eh.


You know. To her I am a pain in the ass. Which is I don't know and i don't want to sort that out.


"Nakipagsabunutan ka sa kaklase mo just because gusto mong umupo sa upuan niya? My gosh Athena! That is so unlady like! Have you lost your mind? Nakakahiya ang mga pinanggagawa mo! Nakakahiya! Ano na lang ba ang sasabihin ni Janice nito? Na hindi ko kayang turuan ng tamang asal ang mga anak ko? Bakit hindi mo na lang tularan sina Rigo at Nicole? Gods! I don't know what to do with you anymore!" konsomidong sermon nito sa akin at halos sabunutan na rin nito ang sarili sa labis na inis.

Si Tita Janice na tinutukoy nito ay ang presidente ng Unibersidad na pinapasukan namin ni Nicole. Which is bestfriend ni Mommy at EX-girlfriend ni Dad. Isn't that ironic? Sobra.


"Then don't do anything mom. You know, what happened earlier is no biggy. She deserves that." balewala kong saad saka umakyat na sa hagdan patungo sa aking lungga.

"You come back here in this instant Athena!!" nangangalaiting sigaw nito sakin pero nagbingi-bingihan ako.


Ano pa ba ang silbi ng pag-uusap namin kung ni hindi man lang niya tanungin ang side ko diba?


Yun kasing Sabrina bitch na yun eh! Sabihin ba namang sinabunutan ko daw dahil ayaw niyang lumipat ng upuan? Langya! Kung upuan rin lang naman kahit isang milyong armed chair pa ang idonate ko sa University na yan. Makikita ng talanditang yang. My revenge is sweet. Humanda siya sakin. I swear!!

Nang nakarating na ako sa kwarto ko ay ibinato ko na lang sa kung saang panig ng kwarto ko ang bag ko. Naghubad ng uniform, at nagdamit ng sando at walking shorts sabay pabagsak na nahiga sa kama.

Tulala lang akong nakatitig sa kisame at naglalakbay na naman ang lakwatsyadora kong isip.

Kung sino ang iniisip ko?

Oh well. Sikretong malupit muna.

Narinig kung bumukas ang pintuan ng kwarto ko kaya napabaling ang tingin ko sa pintuan at nakita ko ang kakambal ko na papalapit sa akin.

No ba yan!! Bakit kasi nakalimutan kong ilock iyong seradura, Ayoko pa naman ng istorbo ngayong nababadtrip ako.


"Hindi mo dapat ginawa iyon" panimula nito matapos umupo, mahiga at tumabi sa akin dito sa kama.

Umusog ako ng unti para makahiga siya ng maayos.

Isa pa tong babaeng to! Parang si mama rin lang, pero ang kaibahan mahinhin ang boses nito kung manermon hindi kagaya ng nanay namin na parang nanghahamon ng away.

"Dapat lang iyon sa kanya" nakasimangot kong sagot sa kanya.

Bigla na lang nitong pinitik ang noo ko kaya napahiyaw ako sa sakit.


"Aray!!!! Bakit mo iyon ginawa?" angil ko sa kanya sabay tampal dito.

"Ang tigas tigas kasi ng ulo mo. Tignan mo, nakatikim ka na naman kay mama ng masasakit na salita. Nineteen ka na babae!! Forth year college! Takenote! FORTH YEAR COLLEGE!! Hindi ka na bata para makipag hamon ng away!" panenermon nito sa akin.

Love With A TwistWhere stories live. Discover now