The Little Things and The Captured Moments

1.6K 54 0
                                    

Jade's POV

Natigilan ako sa sinabe ni Althea na wala na ang Papa niya, ramdam ko ang bigat ng loob niya dahil sa reaksyon ng mukha niya.

"Mangit sorry, hindi ko alam" alalang sabi ko at akmang lalapit sana para hawakan siya sa kamay

"Gusto mong manuod muna tayo ng movie? maaga pa naman para matulog" agad niyang sabi at lumapit sa may working table niya at kinuha ang laptop. Hindi siguro siya kumportabling pag-usapan kaya hinayaan ko nalang, tumango nalang ako ng tumingin siya sakin at pareho kaming naupo na sa gitna ng kama

"Mangit isang movie lang ah? pareho tayong dalawang araw ng kulang sa tulog eh" nakakamot sa gilid ng kilay niyang sabi.

Tama siya, ramdam nadin ng katawan ko ang kagustohang magpahinga ng maayos dahil laging anong oras na kaming nakakatulog kaya sumang'ayon nako sa kanya kahit na ayaw pa ng isip ko dahil gusto ko pa sanang makipagkwentohan sa kanya.

Hindi ko maitatanggi na mabilis ko siyang nakapalagayan ng loob, mabilis ko siyang pinagkatiwalaan at mabilis na tinanggap sa buhay ko perp hindi ko din maitatangging halos wala pako masyadong alam sa kanya. Maliban sa magaling siyang makipagsabayan sa asaran, magluto, kumanta't mag gitara wala nako masyadong alam sa kanya.

Well, napansin ko din ang weird mannerism niya na pagkumakain kami ay kumokuha siya ng isang butil ng kanin at binibilog-bilog gamit ang hintutoro at hinlalaki niya, isa din ay ang pagkamot niya sa gilid ng kilay niya kapag nahihiya siya or kapag hindi siya makatanggi. Yeah! the little things about her, the little things that I secretly memorized and kept at the most special part of my heart.

Gaya ng napag-usapan ay natulog din kami agad pagkatapos ng isang movie, kahit na gustong gusto kong makipagkwentuhan muna sa kanya dahil madami akong gustong itanong ay sinunod ko nadin ang kahilingan ng katawan kong magpahinga na muna, siguro ay sa ibang araw na lang.

*

Althea's POV

Gaya ng sabi ni Jade, sa bahay na nga siya umouwe ng mga sumonud na araw. At sa ilang araw palang na pag tulog-tulog niya samin ay nakuha na niya agad ang loob ng pamilya ko, sa bahay na lagi umouwi si Kuya Prince at Bunso dahil natutuwa sila sa mga kalokohan ni Jade na dinadamay pako. Kulang nalang magpalit na kami ng mukha dahil sa lagi na kaming magkasama, napapansin ko nadin ang unti-unting pag-iiba ng mga bagay sakin pagdating sa kanya.

I thought that showing her that I care for her is the last thing that I'll do for her, but I thought wrong. Sa mga sumonod na araw ay unti-unti na niyang napasok ang buhay ko na matagal na panahon kong tinayuan ng pader, pero alam kong kahit papano ay kailangan ko padin magtira sa sarili ko.

Ang pinangako ko lang naman ay ang hindi ko hahayaang maging malungkot siyang mag-isa, na sasamahan ko siya.

Hindi ko pinangako na dapat ay ilantad ko lahat tungkol sakin, hindi naman ako nagsinungaling ng sabihin kong 'wala' na ang Papa ko, totoo naman ang sinabe ko eh. 'Wala' na sa buhay ko ang Papa ko, siya lang ang nag assume na wala na talaga ang Papa ko.

"Mangit?" tawag ko kay Jade habang nagtitingin tingin kami ng mga sofa, papalitan na daw kase niya yung nasa unit niya.

"Yes Mangit?"

"Napansin ko lang, bakit mas madami kayong picture ni Batchi or ng group niyo mismo na naka-display sa unit mo? Malalaki lang yung sa inyo nina Alex at Vivien pero masmadami yung sa inyo nina Batchi at ng group niyo"

"Seryuso kase yan lagi si Vivien, may pagkasensitive kase siya tsaka hindi yun mahilig sa biruan. Samin naman ni Batchi ang kabaliktaran, kaya masmadami kaming pictures na naka-display kase masmasaya tignan ang mga kuha naming pictures at ng grupo" paliwanag niya habang patuloy padin sa pagtingin tingin

When I Look At You (Rastro Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon