♥FAKE LOVE 1♥

85 4 0
                                    

♡BTS Confession

Hi my name is Scarlet Leibniz and I'm 18 years old currently studying at BHU or BigHit University. Kilala ang school na ito dahil maraming nag aaral na mga sikat at kilalang tao dito isa na doon ang sikat at kilalang boy group na BTS.

Ngayong araw ang pinakahinihintay ng buong school kung saan iaanounce ng bawat member kung may GF na ba sila or wala pa, ganun din kung may niligawan na ba sila o may balak pa lamang ligawan dahil kung single sila ito ang araw na magkakaroon na silang lahat ng GF dahil lahat sila ay nasa taong 18 pataas na.

Nandito kami ngayon sa malaking gymnasium ng school at halos puro babae lang ang nandito na naghahangad na maging BF ang kani-kanilang bias.

"Kyahhh!!!" Biglaang nagsigawan ang lahat ng kababaihan nang naglabasan ang bawat members ng BTS. Mayghad, bakit kahit halos araw-araw namin silang nakikita sa school na ito ang lakas parin ng impact nila saamin.

"Jungkook!! Kyahhh!!!" Sigaw ko naman nang mamataan ko ang bias ko na si Jungkook at katabi niya ngayon si V, dahil sa lakas ng sigaw ko napatingin si Jungkook sa pwesto ko sabay ngumiti. Halos mahimatay naman na ako dahil sa simpleng ngiti niyang iyon. Nandito ako sa bandang itaas ng bleacher na malapit lamang sa stage na kinakatayuan ngayon ng BTS. Namangha naman ako dahil sa dami ng tao sa loob ng gym. Mukhang marami ring galing sa ibang university ang andito ngayon.

"Hi, sino bias mo?" Biglaan namang tanong saakin ng katabi kong babae habang nakangiti.

"Si Jungkook, ikaw?" Tugon ko sakanya.

"Si V" simpleng sagot niya napatango tango naman ako sa kanya at napatingin sa kinaroroonan ng BTS ngayon busy sila sa kung anong ginagawa nila sa stage.

"Paano kung may humingi ng pagmamahal sayo na isa sa kanila pero hindi ang bias mo? Papayag ka ba?" tanong niya pa kaya napalingon ako sa kanya.

"Oo naman, kahit mahal na mahal ko si Jungkook at kung hindi niya ako mapipili papayag parin ako sa ibang members, BTS parin naman eh" sagot ko.

Bahagyang lumungkot naman ang mukha niya. "Ako kasi... hindi ko kayang sa ibang member ako mapunta" tugon niya naman.

"Huh? Bakit naman?" Nagtataka kong tanong sakanya.

"Aminin natin, iba parin ang level ng pagmamahal natin sa bias natin kumpara sa iba pang members kaya ayaw kong maging unfair sa iba kaya kung may pumili man na member ng BTS saakin na hindi ang bias ko tatanggihan ko nalang ito" sagot niya.

Napatulala naman ako sakanya, kung ganon parang papakawalan niya lang ang pagkakataon. "Okay lang sayo na masaktan ang tatanggihan mo?" Tanong ko pa.

"Syempre hindi, pero mas mabuti na kung ganoon ang mangyayari kaysa naman tatanggapin ko nga ang pagmamahal niya pero nasa iba naman ang puso ko, diba napaka unfair kung ganon?" Sagot niya at nilinga rin ang pwesto ng BTS.

Sabagay may point siya, pero kung ako lang talaga hayst okay lang.

"Pero lahat naman ng tao natututong magmahal lalo na't BTS sila hindi mahirap mahalin ang bawat isa sa kanila" sagot ko nalang napangiti at napatango naman ito sa sinabi ko.

"Pero gusto ko lang malaman mo na sa isang padalos-dalos na desisyon na gagawin mo hindi lang iba ang masasaktan dahil hindi mo mamamalayan na masasaktan mo na din pala ang sarili mo" napatango nalang ako sa sinabi niya. Napukaw naman na ang atensyon namin sa stage

"Good morning everyone!" Bati ng BTS kaya muli nanamang nagsigawan ang lahat kabilang na din ako.

"Alam niyo naman kung ano ang magaganap ngayon. Ito ang araw na pipili kami ng babaeng gusto naming makasama na mula sa inyo" panimula ni RM. "And yeah, ngayon niyo din malalaman kung taken or single pa kami" dagdag pa nito.

Fake LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon