♡Truth vs Fake
"Anak! Gumising ka diyan kanina pa naghihintay sa baba si Kim Taehyung" Agad naman ako napabangon dahil sa sigaw ni mama.
What? Kanina pa nanjan si V?
Napatingin naman ako sa may pinto ng kwarto ko at nakatayo doon si mama. "Kanina pa siya jan? Eh bat di mo po ako ginising?" Reklamo ko kay mama. Tinignan ko naman ang oras sa CP ko, 3pm na pala. Napahaba nga ata ang pag iglip ko napagod siguro ako kanina sa pagpasyal namin ni V.
Omaygash! 3 na? Eh 2:30 ang usapan namin ni V ah? Shocks!
"Anong hindi? Kanina pa kaya kita kinakatok dito sa kwarto mo kala ko nga gising ka na dahil sumagot ka na kanina ng 'Mama sabihin mo kay Jungkook hintayin niya ako' nagulat nga ako kung bakit si Jung----" hindi na natuloy ni mama ang sinasabi niya kasi napatayo nalang ako bigla at tinakpan ang bibig ni mama.
"Ma! Wag kang maingay baka marinig ka niya!" Pabulong pero madiin kong sabi kay mama. Kumalas naman na ako kay mama.
"Atsaka ma, baka nananaginip lang ako kanina!" Dagdag ko pa.
"Oh sya, kung ganon magbihis ka na, kanina pa siya naghihintay" sabi niya.
"Opo ma, sabihin mo sandali lang ako" tugon ko at agad na pumasok na sa loob ng banyo ng kwarto ko.
Pagkatapos kong maligo nagbihis na ako. Nagdress nalang ako ng red na may white flowery design na tenernohan rin ng sapatos na may hills na kulay red. Pagbaba ko nakita ko agad si V simple lang din ang suot niya naka long sleeve polo siya.
Nakaupo siya ngayon sa sofa habang nakatingin sa may bintana na para bang may malalim na iniisip. Napatingin naman siya saakin at biglang napatayo nang marinig niya ang mga yabag ng aking paa.
"Sorry kung kanina pa kita pinaghintay" paghingi ko ng tawad sa kanya nang makalapit na ako sa kanya.
Ngumiti naman siya "Ayos lang kahit matagal kaya naman kitang hintayin kahit gaano pa katagal" banat nito pero parang may bago sa kanya. Ngumiti ulit ito pero napawi din agad ito.
Tumalikod na ito sa akin at nagsimulang maglakad papalabas ng bahay at dumeretsyo sa kanyang kotse na nasa tapat lamang ng aming bahay. Agad niya naman akong pinagbuksan ng pinto sa tabi ng driver's seat at pumasok naman na siya sa may driver's seat.
"S-saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya. Tinulungan naman niya akong ikabit ang aking seatbelt.
"Just wait and see..." simpleng tugon niya. Ngayon nahalata ko na ang problema kay V.
"V may problema ba?" Tanong ko dahil naramdaman ko ang cold na aura niya ngayon, hindi ako sanay sa ganong V masyado na akong nasanay sa V na makulit at may 4D personality.
"Ayos lang ako..." tugon niya pa saka pinaandar na ang kotse. Napansin ko ding di na niya ako madalas tawagin ng 'babe' kaya naninibago talaga ako sa kanya.
Tumango nalang naman ako sa kanya. Buong byahe binalot lang kami ng katahimikan. Inihinto naman ni V ang sasakyan sa tapat ng isang resort na ang alam ko ay pag-aari ng mga Jeon. Halos dalawang oras din ang byahe papunta dito kaya 6pm na rin kami nakarating.
"Anong ginagawa natin dito? Anong meron?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.
Nagulat ako nang bahagya lang itong ngumiti sa akin at agad na pumasok na sa loob ng resort. Wala naman na akong nagawa kundi sundan na lamang siya.
Medyo madilim na sa labas dahil papagabi na rin naman. Pagpasok namin sa loob namangha ako dahil nakaayos ang resort. May iba't ibang disenyo na tela ang mga upuan at mesa marami ring pagkain ang nakahanda marami ring mga tao ngayon dito at ang iba pa ay nasa pool na. Gabi na pero maliwanag ang paligid dahil mga iba't ibang kulay ng ilaw sa paligid. Parang nasa bar din ang datingan dahil may naglalakasan ding music na puro BTS music din ang pinapatugtog.
BINABASA MO ANG
Fake Love
Short Story"Paano kung may humingi ng pagmamahal sayo na isa sa BTS pero hindi ang bias mo? Papayag ka ba?" Madalas ang sagot diyan ay 'oo' pero aminin natin iba parin ang pagmamahal o paghanga natin sa mga bias natin kumpara sa ibang members. "sa isang padalo...